Tuesday, November 9, 2010

MY WITCHHEART


Prologue
James: Devon, alam mo kung ayaw mo sa akin, sabihin mo ng maayos! Hindi kung anu-ano pa ang sinasabi mo!

Devon: James! Totoo ang sinasabi ko! Kaya ko nga sinasabi ito sayo, kasi gusto kita! mahal na nga kita eh!

James: yun naman pala eh! You know from the very start that I love you! Pinili kita over those beautiful and gorgeous ladies na nagha-habol sa akin. Dahil alam kung totoo ka! Walang pagpa-panggap! Tapos ganito? Ganito lang mapapala ko?

Devon: James, listen to me! I'm telling you the truth! Making ka naman!

James: NAkikinig ako! Hindi lang kita maintindihan kung bakit mo sinasabi sakin ang mga yan! Niloloko mo lang ba ako? O baka naman, this is your own way para i-dump na lang ako? Bakit? Are you tired of me, Devon? Nagsa-sawa ka naba na araw-araw ako lagi ang kasama mo? May nag-utos ba sayo na ito ang sabihin mo sakin ngayon?

Devon: Arghhhhhh! James! Walang nag-uutos sakin! Wala! Ayaw ko na lang na may humahadlang pa sa puso at isip ko para tuluyang mahalin ka! Diba sabi mo, kahit anu pa man ako, mamahalin mo at tatanggapin pa rin ako? Pero bakit ngayon? Bakit ka ganyan?

James: ewan ko Devon! Ewan ko! Wag na muna tayong mag-kita! paalam!

Devon: James! Bumalik ka!

Chapter 1-My WitchHeart

Krrrrrnnnnng!!!!!!!!!!!!!!Krrrrrnnnnng!!!!!!!!!!!!!Krrrrrnnnnng!!!!!!!!!!!!!Krrrrrnnnnng!!!!!!!!!!!!

Devon: Arghhhhhhhhhhhhh!!!!! Anu ba, Chrizza!!!! Cellphone mo!!!!!!!!!!!!!!

Krrrrrnnnnng!!!!!!!!!!!!!!Krrrrrnnnnng!!!!!!!!!!!!!Krrrrrnnnnng!!!!!!!!!!!!!Krrrrrnnnnng!!!!!!!!!!!!

Devon: Chrizza!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Chrizza: oo eto na!! sasagutin na po my lady! Agang-aga, bad shot ka agad!

Devon: ako pa ngayon? Huh?! Ako pa ngayon? Eh, kung sinasabihan mo ba yang textmate mo na pag alas-syete ng umaga eh, may natutulog ka pang kasama sa kwarto-

Chrizza: Ssshhhhhhh! Anu ka ba Devon! Ang lakas ng boses mo! Naririnig ka ng kau-

Devon: wala akong paki-alam! Care ko kung marinig niya!

Chrizza: Palibhasa, walang love life(pabulong nitong sabi. Pero sa isang tulad ni Devon, pakinig pa rin nia ito. at siguradong alam ito ng kapatid niya)

Devon: wala kang paki-alam!

Selena:Anu ba yan! Sigawan kayo ng sigawang dalawa dyan! hindi ba kayo marunong mag-salita ng mahinahon?

Devon: pag-sabihan niyo yang si Izay,

Selena: Ay, naku mama! KJ lang yang si Von-von!

Devon: Ako? Ako?

Selena: Tahimik!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Natigil naman sa pag-tatalo sina Devon at ang kapatid niya. Mukha kasing asar na rin ang mama nila! Si Chrizza, tumakbo na pababa ng kwarto nila at naiwan si Devon at ang mama niya!

Selena: Ikaw? Anu pa ang balak mo dyan? baka naman gusto mo pang tawagin ko ang papa mo?

Devon: Bababa na po! eto na! eto na!

Dali-daling bumaba si Devon sa Kama niya. At wala pang dalawang segundong ini-ayos ang kama niya.

Selena: Devon!

Devon: Po ma?

Selena: may nakaka-limutan ka yata?

Devon: Ho? Wala naman po ak-

Selena: Anung sabi ko tungkol sa pag-aayos ng higaan?

Natampal ni Devon ang sariling noo! Patay! Naka-limutan nga nanaman niya! Bawal nga pala!

Devon; Pasensiya na Ma! alam mo naman pag-andyan ka, natataranta ako!

Selena: Hindi ka matataranta kung maaga kang nagising!

Isang pitik lang na mama niya, bumalik ulit sa magulong ayon ang kama ni Devon.

Devon: mama naman! Maayos na eh!

Selena: Ayusin mo ulit! At wag na wag mong gagamitin yang kakayahan mo! Dahil ipapa-ulit ko lang ulit yan sayo!

Devon: Opo! Opo! Na! hindi na po! Aayusin na po!

Walang nagawa si Devon kundi ayusin ulit ang kama niya. Ngayon nga lang, eh, gamit ang mga kamay niya at hindi ang kapangyarihan niya! Tama! Meron siyang kapangyarihan! Galling siya sa pamilya ng mga mangkukulam. Pero nasa panig ng kabutihan ang pamilya niya. Simula pa sa kanunu-nunuan niya! Kailanman ay hindi ginagamit ng pamilya nila ang kakayahang taglay para pasakitan ang kapwa. Kabaliktaran pa nga ang ginagawa nila. Sa kabilang ng pagiging iba sa karamihan, napanatili pa rin nila ang normal na pamumuhay kapiling ang mga totoong normal na tao! Matapos ayusin ang kama, umupo si Devon sa sahig at kinuha mula sa lamesa ang litrato ng pinakama-mahal niyang abuela!

Devon: Hi Nanay! Kumusta ka napo? ako eto? Magsi-simula na namang mag-adjust sa buhay! Kasi naman sina Mama at Papa, lumipat pa ng pagta-trabahuan! Naiwan ko tuloy mga friends ko sa Province natin! Pero don't worry my dear Nanay, kakayanin ko 'to! Ako pa!

Selena: devon! Anu ba? Mala-late ka na sa pag-pasok mo! Unang araw mo pa naman ito sa bago mong school!

Devon: opo! andyan na! paano, Nanay, mauna na ako! Pasok pa ako, eh! Ku-kwentohan ko na lang po kayo mamaya, pag-uwi ko! Muawh! Love you, Nanay.

Chapter 2-My WitchHeart


Chrizza: Von-von! Hintayin mo naman ako!

Devon: Ang bagal mo kasing mag-lakad!

Chrizza: Kita mo namang marami akong dala diba?

Devon: eh, bakit ba naman dala mo ang buong bahay natin? Buti hindi mo dinala pati mga kaldero natin,kawali, ty-

Chrizza: Eh kung tinutulongan mo na lang kaya ako dito? try mo kaya?

Devon: kasi naman..

Wala na ring nagawa si Devon kundi tulungan ang kapatid niya sa pag-dala ng mga bagahe nito! Talo pa kasi nito ang balik-bayan sa dami ng bitbit! Third-yeat college na ito, HRM ang kinukuha nitong course. Siya naman ay First-year pa lang. information technology naman ang kurso niya. Kahit ate niya ito, ayaw nitong magpatawag ng "Ate", nakaka-tanda daw kasi.

Devon: San ba ang building niyo dito? dapat siguro mag-hanap ka na ng boyfriend mo, para hindi ako ang nag-dadala ng mga ito!

Chrizza: Wag ka na nga umangal dyan! malapit na tayo. Ayun! Dun sa may canteen sa kanan!

Grabe! Ito ang ayaw niya sa pag-lipat nila. Wala siyang ka-alam alam sa pasikot-sikot sa eskwelahang iyon. Tapos sa mga nakikita niya, mukhang matatagalan siyang maka-hanap ng makaka-sundo sa lugar na iyon. Matapos mai-hatid ang kapatid, inumpisahan ng hanapin ni Devon ang building kung nasaan ang sariling department. Hindi naman siya masyadong nahirapan dahil sinundan na lang niya ang dalawang estudyante na naka-suot din ng kapareho niyang uniporme! At sa wakas nakarating din siya!

Devon: Okay, Devon! This is it! This is really is it! Good luck sa akin! Kaya ko 'to, Aja!

Girls: AAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!

Napa-talon si Devon sa narinig na sigawan. Ang mga babaeng nasa hagdan kasi ay bigla na lang sumigaw. Curios na rin, naki-esyoso na si Devon sa mga naroroon.

Devon: Excuse me! Excuse me! Makiki-daan lang po! Teka, Ms, excuse me! (kalabit ni Devon sa babaeng nasa unahan niya) Anung meron? May artista ba?

Girl: Huh? Hindi mo ba alam? Ah alam ko na! bago ka lang siguro dito ano?

Devon; Parang ganun na nga. So, anung eron? Bakit lahat yata nagkaka-gulo? Parang dumating lang si Piolo ah! Grabe ang komosyon ng mga people!

Girl: Tsktsktsk!!!! Bago ka nga…. Hintayin mo na lang.! dadaan din sila dito! sana lang nga makita mo! Goodluck!

Tumalikod din agaf ang babaeng kausap niya. "Ganun? Hmmmmmmm.. sige na mga hihintayin ko na rin kung sino ang mga olopong na dadaan." Saad ni Devon sa sarili. Maya-maya, sumabay na rin sa sigawan ang babaeng kanina ay kausap ni Devon.

Girl1: Oh my gosh, andito na sila!!!!!!!!!!!!

Lalo pang nagsik-sikan ang mga naroon. Hindi man sinasadya, nadala na rin si Devon ng mga nagkaka-gulong estudyanteng naroroon.

Devon: A-aray ko po! Wag niyo akong itulak! Araaaaaaaaaaaay!

Sa sobrang excited ng mga tao, hindi sinasadyang naitulak si Devon kaya naman ay napasubsub siya sa sahig. Paki-ramdam ni Devon ay pango na ang ilong niya, dahil ito ang napasubsub ng husto sa semento. Mula sa pagkaka-subsub ay umupo si Devon sa sahig hawak-hawak ang ilong niya.

Devon: Sinung tumulak sa akin?

Pagalit na tanugn ni Devon sa mga naroroon.

Devon: Kung sino ka mang tumulak sa akin, masubsub ka rin sana!

Patuloy na himutok ni Devon. Maya-maya ay napansin ni Devon na parang tumahimik yata ang kayang paligid. Ng tumingala siya, nakita niya na nakaka-titig sa kanya ang lahat na naroroon. At muls sa crowd, ay may lumapit na isang binata kay Devon at ini-abot ang kamay nito sa kanya. Kinuha naman agad yun ni Devon, para na rin makatayo na siya. Naka-rinig naman siya ng bulong-bulogngan sa paligid.

Whisper1: Anu ba yan! Despirada ba siyang mapansin?

Whisper2: may mas malala pa pala kesa sa atin noh?

Whisper3: Ang swerte naman niya, nainggit tuloy ako!

Hindi natiis ni Devon ang mga naririnig.

Devon: Para sabihin ko sa inyo hindi ako despirada ano? Wala yun sa bokabularyo ko! At anung nakaka-inggit? Anu ang nakaka-inggit sa pagkaka-subsub ko dahil sa pagtutulakan niyo?

Bigla namang natahimik ang mga naroroon. Binalingan naman ni Devon ang lalaking tumulong sa kanya. Medyo nailing naman siya ng makitang hawak pa rin nito ang kamay niya. Agad niyang binawi ito sa lalaki.

Devon: Mister, marami pong salamat sa pag-tulong mo! Eto lang ang mapapyo ko sa'yo huh! Umiwas ka sa maraming mga tao kung ayaw mong matulad sa pagkaka-subsub ko sa semento, okay? Salamat ulit!

Dali-daling kinuha ni Devon ang mga gamit niyang nasa sahig din at nag-martsang umalis sa lugar na iyon. Grabe ang araw na ito! natakot tuloy siyang isang buwan siyang masu-subsub dahil sa nangyari. Wag naman sana!

Samantala, nailing lang ang lalaking tumulong kay Devon sa mga sinabi ng dalaga sa kanya! "Weird", ani ng lalaki sa sarili.

Chapter 3-My WitchHeart

Hanggang pag-dating sa bahay, hindi mapigilan ni James na mapa-ngiti kapag naaalala niya ang itsura ng babaeng tinulungan niya kanina. Naawa din siya dito sa pagkaka-subsub ng ilong nito sa sahig.

James: She's weird!

Mother: James, ijo andito ka na pala! So how's school?

James: Okay lang mama! It was fun!

Mother: I've heard from Nav na sumali ka daw sa grupo nila? Are sure about it ijo? I mean, diba ang grupo ng pinsan mo eh, medyo famous sa university nyo? Baka naman maka-limut ka na sa pag-aaral mo dahil sa-

James: Mama, that won't happen! Kahit sobrang sikat na ako, I'll still be a good student! I won't let you down!

Mother: Sigurado ka ba dyan?

James: Of course! Super-duper!

Mother: fine! Kumain ka na dito. teka, bakit nga ba gabi ka ngayong umuwi?

James: sinamahan ko po kasi si Nav, na pumunta sa mall, pumili po kasi siya ng pwedeng ibigay na regalo sa Girlfriend niya.

Mother: tlaga? Sweet naman! Eh, ikaw ijo? Kelen ka bibili ng regalo para sa girlfriend mo?

James: Don't worry mama, malapit na!

Mother: Naku, James Anthony! Wag kang pipili ng kung sinu-sino lang! magkaka-gulo tayo dito!

James: Mama naman! Parang di mo kilala itong anak mo!

Mother: Ba malay ko ba!

Napapa-ngiti na lang si James sa ina. Napaka-swerte niya sa mama niya, dahil kahit maaga silang iniwan ng kanyang ama, hindi ito nag-kulang sa pagbi-bigay sa kanya ng attensiyon sa kabila ng pag-aasikaso nito sa naiwang business ng ama. Kaya ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi niya pasasamain ang loob nito! No matter what!

Devon: Alam mo ba Mama, sobrang gulo sa school naming kanina! Grabe! As in!

Selena: Bakit? Meron bang nag-suntukan?

Devon: Ay naku! More than that!

Chrizza: Hay naku mama, exaggerated lang masyado yang si Von-von!

Devon: ANung exaggerated? Masabi mo pa kaya yan kung ikaw ang napa-subsub sa semento at hindi ako?

Selena: Anu?

Biglang tumayo ang kanilang ina at lumapit kay Devon at sinipat-sipat ang ilong niya, na sa mga oras na iyon ay medyo mapula at sumasakit pa.

Selena: ai nakung bata ka! Di ka man lang nag-ingat! Pahiran mo agad yan ng ointment bago ka matulog mamaya! Siguradong mag-aalala ang papa nyo nyan pag-nakita yang ilong mo!

Devon: Eh, Mama bakit hindi mo na lang po pagaling?

Selena: Huh? Bakit? Doctor ba ako?

Chrizza: Ma, ang tinutukoy ni Von-von, ae yung, "ching! Ching!"

Selena: Alam nyo namang hindi pwede diba? Ginagamit lang natin ang kapangyarihan natin sa panahon ng kagipitan!

Devon: eh mama, wala pa po ba ako sa kagipitan sa kalagayan ng ilong ko ngayon?

Selena: Wala! Devon, napag-usapan na natin ito diba?

Devon: Eh, bakit si Nanay? Hinahayaan nya akong gamitin itong kapangyarihan ko? Bakit kayo?

Selena: Devon, hindi ako kasing lakas ng lola mo, na kapag nawala sa control mo ang pag-gamit nyang kapangyarihan mo, eh kaya kong remedyuhan! Devon, please!

Devon: Anu pa po ba ang magagawa ko. Sige po, aakyat na ako sa kwarto ko.

Iniwan ni Devon ang ina at kapatid sa hapag. Alam nyang sumubra na naman ang kakulitan nya. Kaya minabuti na nyang tapusin ang usapang iyon.

Chrizza: Ma. hayaan nyo po muna si Von-von. Matututo din po yun! Give her enough time. Para masanay sa gusto nyong mangyari.

Selena: Alam ko, Izay, alam ko. Ang I'm hoping na lubusan ng maintindihan ng kapatid mo ang dahilan ko kung bakit ipinagba-bawal ko ang basta-bastang pag-gamit ng kapangyarihan nyo.

Chapter 4-My WitchHeart

Girl/S: Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!! Andito na sila!!!!

Muntik ng mahulog sa hagdan si Devon ng may biglang sumigaw na naman na mga kababaihan dahil na naman sa mga sikat na lalaki sa University na iyon. Nagtakbuhan na naman ang mga naroroon. Kaya naman napag-desisyunan ni Devon na bumalik na lang sa classroom nila para doon mag-aral. Halos mahulog sa hagdan angmga nagsisi-takbuhang mga estudyante lalo na ang mga babae.kahit lalaki nakiki-takbo na rin!

Devon: Haaaaaizt! Devon, ikaw lang yata ang normal dito, kahit hindi!

Mukhang ang classroom na lang ang natitirang pwede nyang pag-tambayan. Malayo naman kasi ang library at kahit malapit ito, hindi pa rin siya makakatagal na magtigil doon. Hindi niya hilig ang library ang libro pwede pa.

Umupo na si Devon sa silyang pinag-uupuan nya twing may klase sila. Mula sa bintana ay nakikita ni Devon ang mga pinagkaka-guluhang mga lalaki. Nakita niya rin sa grupo ng mga lalaki ang taong tumulong sa kanya noong nakaraang araw.

Devon: Kaya pala, ganun na lang ang mga naging reaksiyon ng mga nadung babae! Malay ko ban a sikat yun! Hmpf! At tyaka care ko kung sikat siya!

"kinaki-usap mo ba talaga ang sarili mo pag wala kang kasama?", ayun sa isang tinig mula sa likuran niya.

Devon: Ikaw? Anung ginagawa mo dito? diba andun yung mga kasama mo sa baba?

Nav: Paano mo nalamang kasama ako doon?

Devon: Minsan na kitang nakita!

Nav: bakit? Isa ka rin bas a mga taga-hanga naming?

Devon: Ako? Taga-hanga nyo? Sorry, Mister! Si Piolo lang ang nag-iisang hinihangaan ko! Ay! Tyaka pala, si Tom Cruise din!

Nav: Ganun? Nakaka-lungkot namang malaman yan! Pero, pwede mo ba ako isama sa listahan ng mga hinahangaan mo?

Devon: Huh?! Okay ka lang? eh, hindi ko pa nga ikaw kilala, tapos gusto mo hangaan agad kita?

Nav: Ay oo nga naman! Sorry, my fault! By the way, I'm Navinel John Marquez, and you my lady?

Devon: Luna Devon Roque, bago lang ako dito, First year!

Nav: ah, third year naman ako! So, pwede mo na akong isama sa listahan?

Devon: sa tingin ko,hindi mo na kina-kailangan pa ng karag-dagang taga-hanga. Ang dami na nila oh! Dito palang sa department naming ang dami na! magtira ka naman para sa iba!

Nav: Know, what! I feel like I should be mad at you now, dahil sa mga sinabi mo. Pero nakakapag-taka, at kabaliktaran ang nararamdaman ko at this very moment.

Devon: Gutom lang yan! Try mong kumain, ang payat-payat mo!

Nav: huh?! Ako payat?bakit ang sabi ng iba, macho ko nga daw, eh!

Devon: macho? Hmm… okay sabi mo eh!

Nav: Hey!

Devon: anung hey?

Nav: cgurado ka bang payat talaga ako, with this body of mine?

Devon: wag mo na lang pansinin ang sinabi ko.

Nav: Okay! So, pwede mo ba akong samahan?

Devon: Ako? Bakit? Diba mas matagal ka na dito, bago lang ako. Hindi ko pa alam ang oasikot-sikot sa eskwelahang ito. mag-pasama ka an lang sa guard!

Narinig ni Devon na tumawa ng malakas ang lalaking kausap niya!

Devon: what's so funny?

Nav: You really amuse me, young girl!

Devon: Amusing? Ganyan ka ba ma-amuse? Pinagtatawanan mo ang tinutukoy mong nakaka-amuse sayo?

Nav: ikaw pa lang!

Devon: AKo? Kawawa naman pala ako\.

Nav: kaw naman! What I mean is that, sayo palang ako naa-amuse ng husto! Alam mo kasi there are people who really wants to get my or the groups attention by trying to amuse us in the way they thought that would be effective enough. But they always failed.

Devon: I'm not trying to get your attention.

Nav: that's exactly, why you are amusing! And besides, I think you don't need to try getting others interest

Devon: why? Dahil magfa-fail lang ako? Dahil I don't deserve their attention and interest?

Nav: of course no! bakit ka ganyan mag-isip? Alam mo little girl, masama ang dine-degrade ang sarili! Kung gagawin mo yun, how will other people believe in you, kung sa sarili mo wala kang tiwala? At ang ibig kong sabihin sa hindi mo na kailangang mag-try, is that you can have everybody's attention effortless.

Devon: weeh? Ganun ako ka-ganda kung ganun?

Nav: because you're more that being pretty! Those eyes of yours speak for it!

Devon: hmmmmmmmm.. medyo malalim.. mamaya ko na lang iisipin kung ano ang meaning nun!

Nabigla pa si Devon ng guluhin nito ang buhok niya sabay tawa.

Nav: Sige, little girl. Mauuna na ako!

Devon: Sige! Ingat! Baka madapa ka! Hehehe peace!

Nav: sige, for you mag-iingat ako! By the way, next time sabay ka samin mag-lunch huh! Hindi kasi kita napapansin sa cafeteria.

Devon: huh?! Panu mo nalaman yun?

Nav: kasi,….

Devon: kasi anu?

Nav: secret!

Devon: don't tell me stalker kita?

Nav: grabe ka naman, sa gwapo kong ito. gawin ba naman akong stalker?

Devon: di ibig sabihin nun, ikaw na ang pinka-gwapong stalker sa lahat!

Nav: I think, that would be a compliment from you! Sige na, I need to go! Ingat ka, little girl!

Devon: Bayiee!!!

Hindi ini-alis ni Devon ang kanyang paningin sa direksiyon na tinungo ng kausap na lalaki.

Devon: Hmmmmmmmmmmmm………. This school is really something!

Chapter 5-My WitchHeart

James: Couz, saan ka nanggaling? Kanina ka pa naming hinahanap ah!

Nav: Sorry, sorry! na-miss nyo'ko?

Mike: Sira! Bakit ka naman naming mami-miss? Buti nga yun wala ka kanina, atleast naging kaunti ang kahait ko sa atnsiyon ng mga bebot!

Binatukan ni Nav si Mike dahil sa sinabi nito.

Nav: Ah, ganun? Kahati pala ang tingin mo sakin?

Mike: OO bakit? May angal?

Lyndon: Tumigil nga kayo dyan! para kayong mga sira-ulo!

Nav/Mike: same to you pare!

Lyndon: Ewan ko senyo!

Mike: Pwera usap pare, saan ka nga pala nanggaling? Hinahanap ka ng honey-pie mo samin! Hala! Lagot ka!

Nav: Bakit naman ako malalagot? Wala naman akong ginagawa against sa batas ng Mother Philippines! I meet someone kanina! Amusing pare! Ang cute-cute niya!

James: Couz, sana inuwi mo na!

Nav: eheeheh, kaso hindi niya ako type eh! Sabihan ba naman akong kumain ng marami dahil payatot daw ako?

Lyndon: tsktskstsk.. mukhang kailangan na natin ng bagong Lider. Sino ang gustong maging bagong lider ng grupo?

Sa tanung na iyon, halos lahat ng mga naroroon na kasama sa grupo ay nagtaasan ng kamay. Pati na ang pinsang si James.

Nav: Couz, pati ba naman ikaw? Bakit ka ganyan? At kayoo? Gusto nyo na akong palita? Eh, kung sabihan ko ang mga girlfriends nyo kung saan nakatira ang mga karibal nila? Anu? Gusto nyo ng ganun?

Sherwin: Bossing naman! Di ka na mabiro! Nag-iinat lang kami. Diba mga tol?

Sumang-ayon ang mga naroroon maliban kay mike at James na gusto pang asarin ang kaibigan.

James: Anu ba naman yan! Wag kayong maniwala sa pinsan ko!

Mike: Tama si James, sundin nyo ang mga sinisigaw ng mga puso nyo!

Binatukan isa-isa ni Nav sina James at Mike.

Nav: tumigil nga kayo! Talo nyo pa ang mga katipunero sa paghi-himok na kalabanin ako ah!

Mike/James: Peace!

Lyndon: Ma-balik tayo sa nakilala mo. Bakit paki-ramdam ko interesado ka sa babaeng iyon? Ipa-palit mo ba kay Regine?

Nav: Kung pwede lang, pero hindi! Masyadong bata! And besides, hindi rin ako uubra doon. Grabe pare, kapag naka-usap nyo, parang gusto mo na lang umupo at making sa mga sinasabi.

Mike: Ganun? Hmmmmmmmmmmm.. nai-intriga na rin ako sa babaeng yan! San ko pwede maka-usap yan? Single ba?

James: Naku naman Mike! Kaka-palit mo palang ng girlfriend, magha-hanap ka agad ng bago.

Mike: titingnan ko lang naman kung pwede.

James: at kung pwede? Papa-tusin mo na?

Nav: yan ang wag mong gagawin!

Mike: huh? Bakit?

Nav: Basta!

James: Type mo talaga ano?

Nav: Hindi! Pero basta,mga tol! Wag! Iba na lang, wag lang ang babaeng yun!

Lyndon: Okay, sinabi mo eh. Pero dapat ipakilala mo pa rin kami!

Nav: makikilala nyo rin siya.

James: how? When? Where?

Nav: soon! Very soon!

Chapter 6-My WitchHeart

Teacher: Okay class, before we begin. May I introduce your new classmate. Pero sa tingin ko, hindi na siya new para sa inyo. Lumipat lang siya ng section. James Anthony Leal.

Pagka-sabi ng pangalan at pag-pasok ng bago nilang ka-klase, automatic na nag-sigawan ang mga kababaihan sa room nayun! Gusto ng mag-wala ni Devon! At sigawan ang mga nagsi-sigawan na mga estudyante! Tao lang naman ang dumating bakit grabe maka-react ang mga ito! pero siya naman ang dim aka-paniwala ng makilala ang bago nilang ka-klase.

Devon: siya yun! Ibig sabihin, kasama siya sa grupo ng mga sikat dito?

Classmate1: tama! He's one of them! Bakit di mo bay un alam? Tinulungan ka niya before diba?

Nagulat naman si Devon ng nagsalita ang katabi nyang babae. Ganun ba kalakas ang pagkaka-sabi niya? Hinarap niya ito at sinabi.

Devon: Pasensya na, bago lang ako dito. kaya hindi ko pa siya kilala.

Classmate1: hay naku! If I know! Ngayong alam mo nang he's one sa mga famous guys dito sa university, for sure. Magiging one of us ka na din. So as early as now, iwe-welcome na nakita! Welcome sa Fans club!

Devon: Thanks, but no thanks! Wala akong balak maging katulad nyo no! di ako paranoid!

Classmate1: Hmpf! Wag ka ngang mag-salita ng tapos! Bago ka lang!

"Kulamin kaya kita ng makita ka ng talagang tapos!" saad ni Devon sa sarili. Tinalikuran na lang niya ang kausap at humaarap sa unahan. Kasalukuyan namang nagpapa-kilala ang bagong dating! Habang pigil hiningang naka-masid ang mga kaka-klase nyang babae, kasama na rin ang kausap nyang babae kanina.

Teacher: Okay, Mr. leal humanap ka na ng pwedeng mong upuan.


Nagulat ang lahat ng may isa sa mga ka-klase niyang babae ang tumulak sa katabi nito mula sa upuan. Tumayo pa ito at kinikilig na nag-salita.
Girl: Ahmmmmm, Mr. Leal. Dito ka na lang umupo. Wala namang naka-upo dito.
Impit pa itong tumili. Parang nag-init ang dalawang tenga ni Devon sa nakita at narinig.  Kaya hindi niya napigilang mag-salita.
Devon: Anung wala? Eh, tinulak mo lang yung katabi mo!
Girl: Sabihin mo, nai-ingit ka lang!
Dahil sa sinabi ng babae, umani ng ingay ang classroom na iyon. Tumugil ito ng mag-salita si James.
James: Salamat sa offer, Ms. Beautiful,
Napa-kapit sa noo niya si Devon sa narinig. Samantalang ang sinabihan naman nitong babae ay sobra kung maka- “Oh my gosh!”. Muli pa itong nag-salita.
James: Sa tingin ko, doon na lang ako uupo sa hulihan.
Pag-katapos nitong mag-salita ay nagulat pa si Devon ng lumakad ito patungo sa kanyang direksiyon. Napa-tuwid naman ng upo si Devon. Doon lang niya naalala na nasa hulihan nga pala siya at sa katabi niya ay isang vacant na upuan.  Napa-ngiwi na lang si Devon. “Ibig bang sabihin nito na buong araw niyang makaka-tabi ang taong ito? waaaaag po!!!!!!!!”, sigaw ni Devon sa isip niya!

Nagulat si James ng makitang itinulak ng isang ka-klase niyang babae ang katabi nito para doon siya pa-upuin. Hindi nya gusto ang nakita. Buti na lang at may matino pang tao sa classroom niya. At ito rin ang weird na babae na tinulungan nya, noong naka-raan. Hindi mapigilan ni James na mapa-tingin sa babaeng iyon na ang mga mata ay animong nangu-ngusap. At ng umupo na siya, naamoy niya ang pabango nito. “May taste din pala ang babaeng ito. wala sa itsura.”, ani ni James sa isip.
James: Hi! I’m James
Pagpa-pakilala ni James sa katabi.
Devon: Wag mo akong kausapin.
Nagulat naman si James sa narinig mula sa babae. No one ever try to turn him down. Not that the trust that well his charm like what other people use to say that he have since birth. Nakaka-gulat lang ang sobrang lamig nitong pag-sagot sa kanya. Pero alam niya ang dahilan kung bakit ganito ito. “Ayaw ng chismis James Leal! Kaya pabayaan mo na lang.”, kausap ni James sa sarili.



 

2 comments: