Sunday, November 14, 2010

Chapter 7-My WitchHeart

Chrizza: Devon! Anu ba? Nahi-hilo na ako sayo! Ikot ka ng ikot! Sumasakit ba ang tiyan mo or what?

Devon: Izay! Tulungan mo ako! Help me!

Niyugyug pa niya ang kapatid habgn sinasabi ito!

Chrizza: Hep! Hep! Parang awa mo na Devon! Nalulula na ako dahil sa kaiikot-iko mo. Wag mo na akong yugyugin. Please lang! kung ayaw mong sukahan kita!

Devon: Ah ganun ba? Pasensya na kafatid! So? Tutulungan mo nab a ako?

Chrizza: Von-von, paano kita tutulungan, eh hindi mo pa nga sinasabi kung anung problema.

Devon: Ay oo nga pala. Ganito kasi yun.

At sinimulan na ngang ikuwento ni Devon sa Ate niya ang tungkol sa kaguluhang nangyayari sa department nila.

Chrizza: Hmmmmm…… ang simple naman ng problema mo! Akala ko kung anu na! tsktsktsk…

Devon: Anu??!!! Yan lang ang masasabi mo? Anung simple sa problema ko? Katahimikan ng buhay ko an-

Chrizza: Exagerated ka masyado Von! Alam mo ba yun?

Devon: Ako? Ako?

Chrizza: OO ikaw! Meron pa ba? Alam mo kung ayaw mong mapansin, eh di wag kang magpa-pansin!

Devon: Yun na nga ang ginagawa ko!pero parang wala pa rin! Nakaka-salubong ko pa rin ang mga mokong na iyon!

Chrizza: Nasa isang department lang kayo kaya di mo sila magagawang iwasan totally. Ang gawin mo na lang, wag mo na pang silang pansinin. As in! totally na walang pansin. Madapa man sila sa harap mo! Mautot man, wa pansin ka pa rin!

Devon: alam ko na! lipat na lang kaya ako ng department? Magandang ideya diba?

Chrizza: Asa ka pang papayagan ka ni Mama.

Devon: Izay……

Chrizza: Hay naku! Itulog mo na lang yan!

Padabog na humiga sa kama niya si Devon dahil wala pa ring nakuhang magandang tulong mula sa kapatid. Maya-maya may naisip ng ideya si Devon. At gagawin nya iyon bukas na bukas rin.

Kinabukasan

Selena: Luna Devon! Anu yang suot mo?

Natatawa si Devon sa reaksiyon ng Mama nya nang bumababa siya para mag-almusal. Samantalang ang ate naman nya ay parang na-engkanto ng makita din ang itsura niya. "Hmmmmmm mukhang effective.", ani ni Devon sa sarili.

Selena: Anung effective? Anung pinagsa-sabi mo Luna Devon?

Devon: Mama naman, kailangan bang buuhin ang name ko? Gosh!

Chrizza: Von, naman kung yan ang naisip mong paraan para doon sa problema mo, I think you've made a very very wrong idea. Eh, mas lalo ka kayang mapapansin diyan sa itsura mong yan!

Selena: Teka teka! Sandali! Hindi ko kayo maintindihang mag-kapatid. Anung effective? At anung solusyon sa problema ang sinasabi nyo?

Chrizza: eh, kasi Mama, itong si Von-von gustong maka-iwas na wag mapansin sa skul nila. Para daw magkaroon siya ng tahimik na buhay.

Selena: Anu? Huh? Ahhhh!! Hindi ko kayo maintindihan. Devon, magpalit ka ng damit!

Devon: pero Ma! isang dis-

Selena: Disguise? Bumalik ka sa kwarto mo at mag-palit ka ng damit! At kung hindi, hindi ka makaka-labas ng bahay na ito!

Devon: Ma!

Selena: MAg-palit ka!

Wala na ring nagawa si Devon at nag-palit ng damit.

No comments:

Post a Comment