Sunday, November 14, 2010

Chapter 8-My WitchHeart

Isang linggo na mula ng lumipat sa klase nina Devon si James. At sa buong isang linggo na iyon ginagawa ng dalaga ang lahat para maka-iwas na maka-salamuha si James at sino man sa mga ka-grupo nito. Sa parte ni James, masyadong obvious ang ginagawang ito ng dalaga. At hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya ito ikinatutuwa. Kaya naman nagulat din siya sa rili ng kausap niya ito pag-katapos ng klase nila.

James: Excuse me!

Para namang tumigil sa pag-tibok ang puso ni Devon ng mapa-kinggan ang boses ng binata. Pero agad ding kinalma ni Devon ang sarili at kunwari ay hindi napakinggan ang sinabing iyon ng binata at nagpatuloy lang ito sa ginagawa niya.

James: Hey! Narinig mo ba ako?

Kinudlit pa ni James ng paulit-ulit ang dalaga para kunin ang atensiyon nito.

Devon: Anu ba?! Anu bang kailangan mo?

James: Hay sa wakas! Kina-kausap kita.

Devon: bakit mo ako kina-kausap? Wala naman akong utang sayo!

James: kailangan pa bang magka-utang ka sa akin bago mo ako kausapin?

Devon: Ewan ko sayo!

James; Teka nga, Ms. Roque. Sa pagkaka-tanda ko wala akong atraso sayo para itrato mo ako ng ganito. At sa pagkaka-alaala ko, dapat maganda ang pakiki-tungo mo sa akin dahil tinulungan kita noong nakaraang linggo. Tama ba?

Para namang natauhan si Devon sa sinabing iyon ng binata. Tama nga naman ito. pero kahit na! nakapag-desisyon na siya! Didistansiya sa mga tulad ni James para magkaroon siya ng amtahimik ns buhay estudyante.

Devon: Nag-thank you na ako sayo diba? Anu pa ba ang gusto mong gawin ko? Ipag-patayo ka ng rebulto?

James: anu bang problema mo? Para kang kung sino kung maka-asta asta dyan?

Devon: Bakit? Kung may problema ako? Anu naman sayo?

James: Ms. Roque, ayaw na ayaw ko sa lahat ay yung taong mahirap kausap.

Devon: eh, di wag mo akong kausapin!

James: Okay! Fine! Don't worry! Hinding-hindi na kita kaka-usapin!

Sa narinig, biglang napalingon si Devon sa binata ngunit di ina-asahan na nasa likuran niya lang pala at napaka-lapit nito sa kanya. Naging maling desisyon ang pag-lingon niya dito. Dahil ngayon ay parang napako ang tingin nila sa isat-isa. Di maigalaw ni Devon ang kanyang katawan. Sinisigaw ng isip ni James na lumayo sa dalaga. Grabe-grabe naman ang bilis ng tibok ng puso ni Devon at halos ika-bingi na niya iyon. Alam ni James na isang kilos lang maaaring mangyari ang isang bagay na pagsisi-sihan nila pareho. Ngunit ng biglang……

Mensahe! Mensahe! May bagong Mensahe!

Dahil sa ingay na ginawa ng cellphone ni Devon, biglang napa-igtad sina James at Devon na naging sanhi upang mangyari ang di dapat mangyari. Agad din namang nag-layo ang dalawa. Lalo pang bumulis ang tibok ng puso ni Devon. Natakot tuloy siya na ba ka napapa-kinggan iyon ni James. Si James, parang biglang nalasing at hindi maka-hanap ng pwedeng sabihin sa dalaga. "Hindi ito tama! Hindi tama ang nangyari!!!!", sigaw ng isip ni Devon. Kailangan niyang gumawa ng paraan para maka-limutan ni James ang nangyari. At wala na siyang ibang choice kungdi gamitan ito ng kapangyarihan. Maya-maya lang.

James: Huh?! Anung ginagawa ko dito? Devon? Anung gi-

Devon: Ba malay ko sayo? Palabas na akong ng room, kaya pwede padaanin mo ako.

Nag-bigay daan naman ito. bago pa tuluyang lumabas ng kwartong iyon, muling pang sinulyapan ni Devon ang binata na gulong-gulo sa nangyayari.

Devon: Sorry James. (sa isip ni Devon)

No comments:

Post a Comment