Monday, November 29, 2010

Chapter 25-My WitchHeart

Matapos mai-labas lahat ng emosyon, hina-handa naman ni Devon ang sarili para sa isang pang bagay na dapat harapin, ang nagsa-salita niyang alaga. Sa likod-bahay nag-tungo si Devon ng gabing iyon. At tama ang hinala niya dahil naro-roon ang tuta niya. At sosyal naka-sakay pa sa duyan. Nagulat naman si Devon ng mag-salita ito. hindi pa rin talaga siya maka-paniwala. Pero nandito na siya, kaya tuloy-tuloy na ito.

Churu: Hay salamat! Dumating ka rin! Kanina pa kita hinihintay.

Devon: hinihintay mo ako?

Churu: diba obvious? Well, hindi ka naba takot sa akin? Hindi ka naba tatakbo o sisigaw? Kasi honestly dear, your getting into my nerves na talaga!

Devon: aba ayos ka talaga! Wa na akong ma-say!

Churu: and why so?

Devon: sosyal na sosyal kang mag-salita. Par kang socialite na tao. Tsktsktsk.. talo mo pa ako!

Churu: sinabi mo pa! ewan ko ba sayo. Sa pamilya mo, ikaw lang ang maton.

Devon: ha? Kilala mo ang pamilya ko? Teka-teka. Sino ka ba talaga?

Churu: So sorry, I forgot to introduce myself. I'm Serafina Kiya, ang iyong guardian.

Devon: serafina kiya? Guardian? You mean, guardian dog? Teka paano ako nagka-roon ng guardian/ bakit si ate wala? Si mama din. Si papa. Yung ti-

Churu: hephep! Stop! Para hindi ka mailto, hayaan mo akong mag-paliwanag, okay?

Devon; okay! Sige go! Linawan mo ha?

Churu: eto naman, nag-request pa. sige, ganito kasi yun. Actually, ang Lola Luna mo ang natagala sa akin para maging guardian mo.

Devon: Si nanay?

Churu: yes dear! Tompak! Nag-aalala kasi sayo ang lola mo. Dahil nga hindi mo magamit ng maayos ang powers mo. And alam din naman niya na hindi na rin tatagal ang buhay niya, so she asked help from other witches para mabuhay ako! I mean para mag-karoon ka ng guardian.

Devon: bakit ako? Bakit ako lang? si ate? Hindi rin naman niya nagagamit ng maayos ang powers niya diba?

Churu:eh kasi…. Ang ate mo… anu….

Devon: anu?

Churu: hindi mo kasi katulad ang ate mo.

Devon; in what way? Papaano?

Churu: bakit ang dami mong tanung?

Devon: bakit hindi mo na lang sagutin?

Churu: kasi naman! Okay! Fine! Ang ate mo, eh aware na kung anu ang kaya nyang gawin. Her abilities kunbaga. Effortless iyang nagagamit ang lahat ng kanyang powers kahit hindi niya namamalayan or even without training. Pero ikaw, kahit ang Lola Luna mo, hindi ma-figure out kung anung klaseng kapangyarihan meron ka.

Devon: meron akong alam! I can make people forget things.

Churu: pero isang beses sa isang fullmoon mo lang pwedeng gawin. Tapos yun pa yung kaisa-isang alam mo kasi yun ang palihim mong pinag-aralan ng isang taon galing sa libro ng mama mo.

Devon: paano mo-

Churu: dear, alam ng lahat ang ginawa mo. Hinayaan ka na lang nila. Pero ano? Wala ng sumunod diba? Kahit yung mga simpleng mahika di mo magawa.

Devon: eh kasi nga ayaw akong payagan ni mama.

Churu; dahil yun ang na-isip niyang paraan para ilayo ka sa pwedeng mang-yari sa iyo.

Devon; mangyari sa akin? Anung ibig mong sabihin.

Churu: bilang kahuli-hulihang apo ni Luna Devina Mercedes, nakita sa iyong kapalaran na maaring mangyari o ma-ulit sa iyo ang lahat ng nangyari sa Lola mo before. Kunbaga History repeats itself! At magsi-simula ang lahat pag-dating mo ng ika-labing anim na tao. Na-isip ng mama mo na kung hindi ka matutulad sa Lola mo na may alam na maraming mahika hindi ka matutulad dito. at yun din ang dahilan kung bakit kinaialangan niyong umalis sa lugar ninyo.

Devon: Mangyari sa akin ang nangyari sa Nanay? Anung specific na nangyari?

Churu: ang akuin ang responsibilidad na pamunuan ang buong angkan. Ang panatilihing nasusunod lahat ng mga batas at lahat dapat ay susunod sa anumang naisin mo. Haaaaaaaayyyyyyyyy!!! In short, ikaw ang pa-palit sa pwesto ng Lola mo. Ang maging El Supremo ng buong lahi ng mga mangku-kulam. Alam mo naman siguro kung gaano kalaking responsibilidad iyon. At kung nata-tandaan mo, eto rin ang naging dahilan kung bakit nag-karoon ng hidwaan ang pamilya nyo sa pamilya ng mga Celeres.

Devon: Paano naman nakaka-siguro si Mama na sa pag-iwas niya sa akin sa pamumuhay bilang isang ganap na mangku-kulam sa pamamagitan ng hindi pag-aaral ng ibat-ibang mahika at pag-alis naming sa lugar na kina-lakihan ko, hindi mangyayari sa akin ang mga bagay na iyon? Ikaw na rin ang nag-sabi, nabasa iyon sa kapalaran ko! So kahit anung gawin ni Mama, hindinh-hindi ko maiiwasan ang mga bagay na dapat mangyari. Mag-aral man ako o hindi ng mahika!

Churu: dear, puso mo! HB ka naman masyado. Intindihin mo na lang na para rin sayo ang ginawa ng mama mo. She just love you that much. Na kahit ang kapalaran mo kaya niyang palitan wag ka lang mapa-hamak!

Devon: nagu-guluhan ako, Churu!

Churu: hay naku! Wag ka ng maguluhan! Pwede? Ang bigat mo sa bengs! Well anyway, back to real business tayo. Luna Devon Liro Mercedes, are you in are you out?

Devon: ha? Anung are you in? are you out?

Churu: ang ibig kong sabihin, handa ka bang maging estudyante ko?

Devon: ha? Bakit teacher ka ba? Magtu-turo ka sa University naming? Anung subject?

Churu: OMG!!!!!! Malalagas ang bengs ko sayo dear!!!! Sa tingin mo? Possible ang sinasabi mo? Maging estudyante ko sa subject ng Magic and Spells!!!!!!!

Devon: weeh???? Seryoso ka?

Churu: sa tingin mo nagbi-biro ako?

Devon: oo!!!!

Churu: Devina!!! Anubeh etong apo mo!!! Apo mo ba talaga ito????????? arrgghhh!!!!

Devon: anung binubulong mo dyan?

Churu: oo o hindi? Mag-aaral ka o hindi?

Devon: pwede pag-isipan muna?

Churu: wala ka ng oras para mag-isip. Malapit ka ng mag- seventeen!!!!!

Devon: o anu naman kung magse-seventeen na ako?

Churu: fullmoon po kasi sa araw na iyon. So ang ibig sabihin tuluyan ka na pong mabi-binyagan bilang isang full-pledge Witch! At ang hirap naman kung wala ka man lang alam na kahit isang mahika diba?

Devon: eh diba ayaw nga akong gawing witch ni Mama?

Churu: ayaw man o hindi ng Mama mo, wala siyang magagawa kundi sumunod sa tradisyon. Ang pagiging witch mo nasa dugo yan. Aba! Takot lang ng Mama mo sa Lola mo.

Devon: Anu bang gina-gawa pagbi-binyagan ang isang magiging full pledge na witch?

Churu: kung nandun ka pa sa lugar niyo, ang mga matatanda sa angkan ang nagsa-sagawa nun. Pero dahil malayo kayo sa lugar natin, hindi ko alam. Ang mama at papa mo ang magde-desisyun.

Devon: Ganun?... wala na siguro akong pag-asa….

Churu: cheer up dear! Kaya nga nandito ako! So are you or are you out?

Devon: magpa-paalam muna ako sa mama ko.

Churu: sa tingin mo papayagan ka? Ganito na lang, aalis muna ako. After three days babalik ako. Sa pag-balik ko, doon mo sabihin ang ka-sagutan mo. Okay bayun?

Devon: saan ka pu-punta?

Churu: may bi-bisitahin lang akong kaibigan. Sige na, matulog ka na! kailangan mo ng lakas. Marami ang mangya-yari so kailangan mong magkaroon ng lakas ng katawan at isip para harapin ang mga iyon.

Devon: anung sinasabi mo?

Churu: malalaman mo din! Goodnight!

Pagka-sabi nito, bigla itong nag-laho sa paningin ni Devon. laglag ang balikat ng pumasok sa bahay nila si Devon. masyadong maraming bagay siyang nalaman ngayong gabi. Parang ang hirap paniwalaan at intindihin.

4 comments:

  1. i love ur FF.... interesting ang plot & unique from d other Jaevon FF... i really like kasi yung mga story/film with powers.. hehehe...

    i wonder kung anong balak gawin ng celeres sisters kay devon?!! ano kaya mangyayari pagnaging ganap na witch na c devz... ang dami ko pang tanong.... waaaaaahhhhh!!!! sana may next chapters na ulit!!! (sorry excited lang ako much) ;)

    ReplyDelete
  2. salamat sa pag-like..
    next week ko i-post ang next chap...

    ReplyDelete