Sunday, November 21, 2010

Chapter 17-My WitchHeart

Hindi mapa-kali si James sa upuan niya. Meron kasi siyang hinahanap kanina pa.

James: Wala pa rin siya. (sa isip ni James)

Kahit kanina na kasabay niyang nag-lunch sina Mitch, parang paki-ramdam ni James pilit lahat ng mga ngiti at tawa niya. Hindi kasi siya ma-palagay. Nag-aalala siya para kay Devon aminin man niya o hindi. At naiinis siya sa sarili dahil sa nararamdamang niyang pag-aalala para sa dalaga. Lalo lang tumitindi ang pag-aalala niay sa tuwing maa-alala niya ang napapa-iyak na mga mata ni Devon ng patakbong itong umalis sa classroom nila.

James: Anu bang problema niya? Weird! Tapos bigla na lang sumigaw kanina. (sa isip pa rin)

Teacher: Mr. Leal!

James: at bakit naman ako mag-aalala? Care ko sa kanya. Di naman kami close. (sa isip pa rin)

Teacher: Mr. Leal! (sigaw ng teacher nila)

Biglang napa-tayo si James at nai-bulalas ang kanina ay nasa isip lang niya.

James: Hindi ako ang-aalala sa kanya!

Teacher: Mr. Leal, kanino ka hindi nag-aalala?

Naka-ngiting tanung ng guro nila. Napa-tingin naman si James sa mga ka-klase. Ang iba sa mga ito ay nangi-ngiti at ang iba naman ay nagta-taka. "Anu ka ba, James Anthony? Tama bang sumigaw?", sa isip ni James

James: Pasensiya na po. It's nothing Maam.

Pabuntong-hiningang umupo si James at napa-kamot sa ulo. Kung ang ibang mga ka-klase ni James ay hindi maintindihan kung bakit nagka-ganun si James, sina Mitch at nagkaka-ideya kung bakit.

Mini-Forest ng University

Samantala si Devon naman ay piniling hindi na pumasok sa klase nila ng araw na iyon. Nahihiya siya sa ginawa kanina at ayaw din niyang makita muna sina Lucia. Baka kung anu pa ang magawa niya sa mga ito. na alam niyang pagsisi-sihan din niya.

James: Bakit hindi ka pumasok?

Akala ni Devon ay nagha-hallucinate lang siya ng marinig ang boses ng nag-salita ngunit gulat siyang nilingon ang nagsa-salita ng muli itong nag-tanung sa kanya.

James: Bakit hindi ka pumasok?

Devon: Anung ginagawa mo dito?

James: Ako ang unang nag-tanung diba?

Devon: Eh paano kung ayawa kong sagtin ang tanung mo?

James: Bakit hindi ka pumasok?

Devon: Para kang sirang plaka!

James: Bakit hindi ka na lang sumagot!

Devon: Sino ka naman para sagutin ko? Tatay ba kita? kanu-anu ba kita?

James: ganyan ka ba talaga?

Devon: Huh?

James: Ikaw na nga ang ina-alala, galit ka pa? No doubt kung bakit ilag lahat sayo. Bakit may pinagma-malaki ka ba?

Devon: Teka. Te-

James: anu mo nga ba naman ako? Anu nga ba naman ako? Pasensya ka na ha! Tanga lang talaga ako para mag-alala sayo. Naka-limutan ko, hindi nga pala tayo close. Pasensiya ka na talaga, Ms. Roque.

Habang papa-layo si James sa lugar na iyon, naka-tingin lang si devon. hindi siya maka-paniwala sa mga sinabi nito. At sa tingin niya, naging OA ang reaksiyon niya kanina.

Devon: Argh!!!! Devon anu? Anu ang ginawa mo?!!!!!!! Anung gagawin ko ngayon?

Chrizza: MAg-sorry ka! Yun ang pwede mong gawin!

Devon: Izay! Anung ginagawa mo dito?

Chrizza: napa-daan lang ako. Then nakita kita para kang may kausap. then nakita ko si James na sene-sermunan ka. Kaya di muna ako nag-pakita. Bakit mo naman kasi sinabi yung mga iyon?

Devon: Eh, kasi.. kasi

Chrizza: ksi ano? Tsktsktsk.. Von-von naman. Nagma-magandang loob na nga iyong tao.

Devon: Hindi naman niya kailangan mag-alala

Chrizza: wag ka na ngang sumagot ng sumagot diyan. Puntahan mo na iyong tao at mag-sorry ka! Anu man nag stand mo, mali pa rin! Kaya, mag-sorry ka na sa kanya.

Devon: Izay naman! Al-

Chrizza: magso-sorry ka o sasabihin ko kay mama ang nangyari sa niyong dalawa sa lugar na ito?

Parang binuhusan ng yelo ang itsura ni Devon matapos marinig ang sinabi ng kapatid niya.

Devon: A-al

Chrizza: Naka-limutan mo yata kung anu tayo? Kanina ko lang nalaman. Pumunta kasi ako dito. I tried na mag-imbestiga kung anu ang nangyari sayo kahapon.then yun, nalaman ko! At nakita ko pa!

Devon: panu mo nalamang sa lugar na…..

Chrizza: tinanung ko ang alaga mo kung saan mo siya nakita!

Devon: tingnan mo 'to! Diba bawal ta-

Chrizza: maparaan yata 'to!

Weird but true. Isa sa mga espesyal na kakayahan ng kapatid niya ay kaya nitong kausapin ang mga hayop.

Chrizza: sige na! gorla ka na! dali! Baka maka-layo pa yun.

Devon: kailangan ba talaga?

Chrizza: Von, pag-mali ka dapat humingi ka ng sorry.

Devon: Fine! Pero promise me na hindi mo sasa-

Chrizza: Aalis ka ba o hindi?

Devon: aalis na! eto na!

Patakbo siyang umalis sa lugar na iyon. Baka kasi mag-bago pa isip ng ate niya.

Devon: Teka saan ko ba hahanapin ang lalaking iyon? Saan? Saan?


 

5 comments:

  1. ang cute pero bitin....

    gusto ko ng matutong magmagic c devon para ready cya pag awayin cya ng mga bruha!! hehehe...

    ReplyDelete
  2. ang cool nito..sa sobrang aliw ko sa story mo, di ko na namalayan na chap17 na pala..please.next chapter na po

    ReplyDelete
  3. ehehehhe.. salamat po.. may kasunod na po ito.. wait lang ng konti..

    ReplyDelete