Sunday, November 21, 2010

Chapter 14-My WitchHeart

James: Hey!

Devon: Ay butiking kabayo! Anu ba? Mahilig ka ba talgang manggulat?

James: Ginulat ba kita? hindi naman ah! Masyado ka lang malalim mag-isip!

Devon: At ako pa ang sinisi nitong lalaking ito? at anu naman kung ma-

James: Hep! Hep! Teka lang huh. May napapansin kasi ako. Bakit ganyan ka lagi maki-tungo sa akin? Pero sa iba…

Devon: At anung gusto mong sabihin? Na sinasadya kong lahat ito?

James: hindi nga ba?

Devon: Ha! Ang kapal din naman ng apog mo ano? At anu naman ang mapapala ko kong sadyain ko nga?

James: Para mapasin kita!

Devon: ha-ha-ha! Joke ba yun? Please, kung magpa-patawa ka galingan mo naman.

James: sige tumawa ka lang. lalo ka lang nagiging obvious.

Devon: obvious? Obvious about what?

James: na may gusto ka sa akin!

Devon: anung vitamins mo? Na-ulanan ka ba? Baka naman, OMG!!!!!

James: Bakit ganyan ang reaksiyon mo?

Dahan-dahan pang lumapit si Devon habang di ina-alis ang pagka-gulat sa mukha nito. Para namang naiinis si James sa sarili. Parang nabaligtad yata ang sitwasyon. Ang plano niya ay inisin ang dalaga, pero parang iba yata. Naiilang din siya sa lapit ng distansiya nila sa isat-isa

James: A-anung ga-ga

At lumapit pa si Devon. Apat na pulgada na lang ang layo ng mga mukha nila sa isa't-isa ng parang nata-uhan si Devon sa ginagawa. Para tuloy bumalik siya sa nangyaring aksidenteng halik sa pagitan nila ni James. Sa pagkaka-alala sa eksenang iyon parang na-blangko ang isip ni Devon at nag-simula ng mamula ito dahil sa pagka-hiya. At ang pagba-bagong ito sa ekspresyon sa mukha ng dalaga ang nag-pa balik sa tamang hwesyo ni James. and what can be seen is a naughty smile from James. dito biglang kinabahan si Devon. Lalayo na sana siya sa binata ng kapitan siya ni James sa magka-bilang balikat.

James: Saan ka pupunta?

Naka-ngiti nitong sinabi sa kanya.

Devon; Let me go James!

James: Paano kung ayaw ko? O Ms. Roque, nasan na ang tapang mo? At tyaka diba, ikaw ang lumapit sa akin, kaya ganito ang pwesto natin ngayon?

Devon: Ka-kaya nga ako na ang lumalayo.

Sa halip na sumagot, ngumiti lang ito. at unti-unting inilapit ang mukha kay Devon.

Devon: Ja-ja-mes…

At tuluyan ng lumapat ang mga labi ni James sa mga labi ni Devon. "Mali ito! mali ito!", sigaw ni Devon sa isip niya. Dapat ay itinulak na niya ang binata. Pero bakit parang lumalambot lahat ng buto niya sa katawan. Paki-ramdam ni devon tutumba siya. Kaya naman napakapit si Devon sa may dibdib ni James. nalilito si James. dapat na niyang bitawan ang dalaga. And besides hindi naman sa lips niya gustong halikan si Devon. gusto lang niyang takutin ito. kaya't di niya maintindihan kung bakit lumapat ng tuluyan ang mga labi niya sa labi ni Devon. nagulat si James ng maramdaman ang mga kamay ni Devon sa kanyang dibdib. Ang mga kamay ni James na nasa mga balikat ni Devon ay tuluyan ng yumakap sa dalaga. Naramdaman ni Devon ang tuluyang pag-yakap sa kanya ni James. unti-unti na ring gumagalaw ang mga labi ni James na nag-dulot pa ng lalong panla-lambot ng mga buto ni Devon. Kaya't lalo siyang napa-kapit kay James. Unti-unti na ring lumalalim ang mga halik na nata-tanggap ni Devon mula kay James. na naging dahilan para tuluyan nang mawala sa tamang pag-iisip si Devon.

Arf! Arf! Arf! Arf! Arf! Arf! Arf! Arf! Arf! Arf! Arf! Arf!

Napa-mulat si James at Devon dahil sa ingay ng narinig. Walang nakapag-salita sa kanila sa simula. Ngunit.. Arf! Arf! Arf! Arf! Arf! Arf! Arf! Arf!

Nai-tulak ni Devon si James. nararamdaman ni Devon ang pagka-manhid ng katawan niya. Lalo na ng mga labi niya. Arf! Arf! Arf! Arf! Arf! Arf! Arf! Arf!

Napa-tingin si Devon sa maingay na nilalang na iyon. Wala sa sarili na dinampot ni Devon ang mga gamit. Paalis na sana siya ng bumalik ang dalaga at kinuha rin ang dahilan kaya natigil ang nagaganap kani-kani lang. si James naman ay naiwan at napako sa kinatatayuan dahil sa nangyari.

2 comments: