Sunday, November 14, 2010

Chapter 9-My WitchHeart

Nav: Devon! Luna Devon!

Narinig ni Devon na may tumawag sa kanya. At kilala niya kung sion iyon. Kaya naman binilisan niya ang lakad niya para maka-layo dito. pero nagulat na lang siya ng may humablot sa braso niya.

Nav: Gotcha! Ho! Grabe ang bilis mo palang mag-lakad!

Devon:Anung ginagawa mo?

Nav: huh?! Anung ginagawa ko? Tinatawag kita kanina, kaso di mo naman ako pinapansin. Kaya hinabol kita. tapos ng ma-

Devon: Do ko pinapa-detalye sayo kung anu ang nangyari. Ang ibig kong sabihin, bakit mo ako kinakapitan?

Nav: Ah!!!!!!!!!... sorry di ko agad naintindihan. Ayan binitiwan na kita.

Devon: Anung kailangan mo?

Nav: I am thinking if I can invite you to eat with me sa canteen?

Devon: huh?! Bakit ako?

Nav: anu ka ba! Nakalimutan mo na ba na last time, I've invited you na kumain with me sa canteen. Kaso na turn down naman. So maybe now, pwede na siguro.

Devon: Maraming pwedeng imbitahan dyan. your girlfriend. Bakit di siya ang yayain mo?

Nav: Nadine? We broke up yesterday. So hindi ko na siya pwedeng imbitahan.

Devon: So?

Nav: anung so?

Devon: So mag-hanap ka na ng bagong girlfriend para may mayaya kang kumain with you.

Nav: Actually I've decided not to have one for now. Magpapa-hinga muna ang aking puso! Mastado akong nasaktan dahil sa…

Hindi nito tinuloy ang iba pang saabihin dahil nakita nito sa mukha ni Devon na hindi ito naniniwala sa sinasabi niya.

Nav: don't tell me hindi ka naniniwala?

Devon: Obvious ba?

Nav: You remind me of someone.

Devon: Huh? Someone? From your past? Ex- mo?

Nav: Ex-? Hmmmmmm…..

Devon: Di ka sigurado kung Ex- mo? Grabe! Sa dami siguro ng babae sa buhay mo, hindi mo na halos matandaan! Tsktsktsk…

Ginulo nito ang buhok ni Devon.

Nav: little girl, wag kang masyadong chismosa. Masama sa kalusugan yan!

Devon: Hmpf! Sige na, mauna na ako sayo. Magki-kita pa kami ng ate ko!

Nav: samahan na kita. wala naman kaming klase ngayon.

Devon: Naku wag na! ba-

Mike: Nav, Pare! Kanina ka pa. whoah! Hello, young lady! I'm MIKE!, you're?

Nilahad nito ang kamay nit okay Devon. Di naman malaman ni Devon kung makikipag-kamay siya dito o hindi. Napansin ni Nav ang pagaalinlangan ni Devon.

Nav: Don't worry Little girl, harmless yan. Kahit mukhang mangangagat.

Pakunwaring su-suntukin naman ito ng kaibigan na nagpa-kilalang Mike.

Mike: pare naman. Walang laglagan..

Lyndon: Nav, siya ba yung tinutukoy mo samin dati?

Napatingin naman si Devon sa lalaki. Naka-kunot noong tiningnan naman niya si Nav, na napakamot sa batok nito.

Nav: I've told them about you, Devon. Kinuwento ko sa kanila about dun sa girl na nakapagpa-amuse sa akin.

Sherwin: Ipakilala mo na lang kaya kami ano?

Nav: Sorry. Ahmmm, Guys, meet Ms. Luna Devon Roque. First year siya dito sa department natin. Devon, ito ang mga harmless kung kaibigan. Mike Roxas, Sherwin Santos, Lyndon Lenesis.

Isa-isa naman itong nakipag-kamay sa kanya. Hindi man aminin ni Devon, pero nararamdaman niya na pawang mababait ang mga taong ito. at mukhang, hindi na rin niya maiiwasan ang mapansin ng mga ito. lalo na at nakipag-kilala na ang mga ito sa kanya. Bahala na kung anu ang isipin ng mga tao sa paligid. Ang importante hindi siya ang nag first move para mapalapit sa mga ito. nag-paalam na siya sa mga ito.

Devon: sige, mga kuya, una na po ako!

Mike: saan ka ba pupunta? Sa canteen ba? Sabay na tayo. Doon din kami papunta.

Devon: Huh?! Ah- wag na! ba-

Lyndon: Baka may maka-kita na kasama mo kami?

Devon: parang ganun na nga.

Sherwin: Hay naku! Wag mi silang pansinin. Inggit lang ang mga iyon sa iyo! Tara.

At inakbayan pa siya ng binata at niyaya na siya ng mga ito na umalis. Nakita naman niya si Nav na pangit-ngiti lang sa tabi.

No comments:

Post a Comment