Monday, November 29, 2010

Chapter 21-My WitchHeart

James: devon! devon! hintayin mo naman ako! Uy!

Lalo pang binilisan ni Devon ang pagla-lakad para hindi siya ma-abutan ng binata. Pero na-abot pa rin siya nito at hinila sa isang tabi. Hingal na hingal ito. para namang naka-ramdam ng awa ang dalaga para kay James. pero hindi! Naiinis siya dito! naiinis!

James: bakit mo naman ako iniwan sa parking lot? Tapos ang bilis mo pang mag-lakad!

Devon: gusto mong malaman? Ha? Dahil naiinis ako sayo!

James: naiinis? Bakit? Wala naman akong ginagawa ah!

Devon; wala? Eh anu yung drama mo na sinundo mo pa ako sa amin?

James: dahil lang dun nagalit ka na? devon naman ang babaw mo!

Devon: ako pa? anu lang ang sasabihin ng mga-

James: dammit Devon! kalian ka ba titigil sa pag-iisip sa kung anu ang iisipin ng mga tao sa tuwing mag-kasama tayo? Why do you always care about them? Anu ba ang ikinata-takot mo? Tell me! O baka naman ikinahi-hiya mo akong kasama?

Natulala na lang si devon sa kaharap. Kitang-kita niya nag alit an galit si James.

James: Speak up!

Devon; wag mo akong sigawan!

James; akala ko ba okay na tayo? Pero ano na naman ito, Devon? bakit ba lagi ka na lang gumagawa ng mga bagay ng pinag-aawayan natin? Ganun mo ba ka-ayaw na makasama ako? Tell me! Sabihin mo sa akin ng harapan!

Devon: hindi naman sa ganun……. Ayaw ko lang kasi ng pinag-uusapan.

James: diba sabi ko sayo, wag mo silang papansinin. Sarili mo lang ang pinahi-hirapan mo.

Devon: mAdaling sabihin, mahirap gawin.

James; walang mahirap na Gawain kung desidido ka!

Napa-tungo na alng si devon sa sinabi ni James. tama naman kasi ito. at syempre mali siya!

James: pwede bang wag na tayong mag-away? Kakapag-bati lang gnatin diba? Di ka ba nagsa-sawa na away tayo ng away?

Devon: nag-sasawa…

James: Yun naman pala. So please naman Devon! Please!

Devon: Sorry!

James: Anu?

Devon: sabi ko Sorry!

James: Cute!

Classroom

Mitch: Hi! James! goodmorning Devon. mag-kasaaby kayo?

James: oo! Sinundo ko siya sa bahay nila.

Mitch: si-sinundo mo siya? Diba.. hindi naman kayo close?

James: dati yun, ngayon super close na kami. Diba devon?

Devon: ha? Parang ganun na nga!

James: Sige Mitch, andyan na si Maam. Mauna na ako sa upuan ko.

Lucia: Sis, bakit naka-simangot ka!

Mitch: si James, sinundo si Devon sa bahay nila.

Dice: what? Diba hindi naman close yung dalawang iyon? I smell something fishy.

Mitch: gusto ko si James Lucy!

Dice: So anu naman ngayon?

Mitch: Lucy, help me! I want him! Baka maagaw siya ni Devon!

Dice: ae, si James gusto ka kaya niya?

Mitch: will you please shut up, Dice!

Lucy: Calm down, Mitch. Hindin mangyayari yun. If you want James, you can have him. You will have him!

Tuwang-tuwa si Mitch sa narinig mula sa kapatid. She know that when Lucy said that she can hace James, it will happen.

Dice: anung plano? May naisip ka na ba, Lucy?

Lucy: just follow my lead and everything will come out the way we want it to be.

Sa canteen

Nav: Anung drama niyong dalawa?

James: ha? Bakit?

Nav: bakit hindi kayo nag-aawy?

James: tingnan mo 'tong taong ito, sa halip na matuwa na hindi na kami nag-aaway ni Devon gusto pa kaming mag-away. Grabe ka 'tol!

Nav: so tell me Little Girl, anung ginawa sayo nitong pinsan ko?

Devon: pinakain? As of now wala pa naman.

James: pina-tulan mo pa yang pinsan ko!

Habang kumakain nagkwe-kwentohan sina James, Nav at Devon. ng dahil dito ay unti-unti pang naki-kilala ni Devon si James dahil na rin sa mga sekretong ibunu-bunyag sa kanya ni Nav. Ngunit maya-maya. Napa-hawak si Devon sa ulo niya, dahil sumasakit iyon. Napansin ito ni James.

James: Devon, okay ka lang?

Devon: ha? O-oo o-okay lang ako.

Pero lalo pang sumakit ang ulo ni Devon. paki-ramdam niya ay sasabog ito.

Devon: aaaaaaaaaa.!!!!!

James: Devon! anung nangya-yari sayo?

Devon: ang sa-sakit!!!!!!

Nav: sandal tatawagin ko ang ate mo. James, ikaw muna bahala kay Devon.

Devon: James, ang saaaaaaaaakit!!!!

James: anung masakit sayo? Devon!!!!!

Devon: ang saaakit!! Aaaaa!!!!!! Ang sakit ng ulo ko!!!!!!!

Napa-kapit si Devon sa braso ni James. ngunit dahil sa sakit ay nahi-higpitan ni Devon ang pagkaka-kapit niya sa binata. Nasasaktan si James sa pagkaka-hawak sa kanya ni devon pero mas nasasaktan siya dahil sa nakikitang kalagayan ni Devon.

James: sandal na lang Devby!! Sandali na lang!

Devon: di ko na kaya!!!!! Ja-james..

Naka-agaw na rin ng pansin sa ibang mga naroroon sa canteen ang nangyayari kay Devon. kaya naman pinagka-guluhan na sila ng mga ito. maya-maya pa ay nawalan na ng malay si Devon. eksakto naman ang pag-dating ng ate nito at ni Nav.

Chrizza: Devon! james, anung nangyari sa kanya?

James; hindi ko alam!

Chrizza: Von-von! Gumising ka! James, pwede mo ba kaming ihatid sa bahay?

James: Oo naman!

Binuhat na ni James ang walang malay na si Devon papuntang sasakyan. At nagmamadaling pinaharorot nito iyon.

No comments:

Post a Comment