Sunday, November 21, 2010

Chapter 13- My WitchHeart

Mitch: HI! Pwede maki-upo?

Nabitiwan ni Devon ang hawak na kutsara ng makita kung sino ang nag-salita mula sa kanyang likuran.

Dice: Hey! Diba youre one of our classmate? Your. Your…

Lucia: Luna Devon Roque, right?

Devon; Huh?! O-oo! Tama ka! Si-sige u-upo kayo.

Dice: Sure ka ba? I mean di mo ba kasama boyfriend mo ngayon?

Devon: Boyfriend? Wala ako nun.

Umupo rin ang tatlo. Parang na-concious naman sa pagkain si Devon. Ramdam kasi niya ang titig ng mga ito sa kanya. "Cool ka lang Devon. Mukhang mababait naman sila.". tumingin siya sa mga bagong dating. Ngumiti ang mga ito sa kanya. Kaya naman nginitian niya rin ang mga ito. ngunit hindi inaasahan ang sasabihin ng mga ito.

Lucia: Ganyan ka ba talaga? You seem aloof from the people here.

Devon: huh?!

Lucia: diba dapat ang mga tulad natin, pina-pakita hindi ang ganyang ugali?

Devon: teka. Hindi ko kayo mai-    

Mitch; C'mon Luna Devon. Alam kong alam mo kung anu ang tinutukoy ni Lucy.

Ngumiti pa ito sa kanya. Kinabahan na naman siya. Ang ngiting iyon.

Devon: Hindi ko naman talaga alam ang sina-

Lucia: Luna Devon Roque, or better to say Luna Devon Mercedes

Devon: Anung pi-

Dice: Akala mo siguro hindi ka naming kilala. Tsktsktsk..

Devon: Bakit nyo sinasabi sa akin ito? anung gusto niyo?

Lucia: O! easy lang! masayado ka namang nagpapa-halata masyado.

Mitch: Gusto lang naming pormal na magpa-kilala. Besides, were family right? We came from the same ancestors.

Lucia: Yun nga lang,

Devon: Yun nga lang ano?

Dice: Yun nga lang may mga tao lang talagang gusto sila lang ang laging tama.

Devon: May gusto ba kayong puntuhin?

Lucia: Pagkaka-alam ko matalino ka. So dapat Alam mo yun.

At iniwan nila si devon na abot-abot ang kaba at takot na nararamdaman. Samantala sa di kalayuan. Naka-masid lang si James sa direksiyon ni Devon. Nakita na naman nito ang pagka-bahala at animong takot sa mga mata nito. Naka-ramdam naman ng pag-aalala si James para sa dalaga. Pero agad din niyang inalis iyon sa isip. "May atraso pa sa kin ang babaeng yan. Bakit ba mag-aalala ako sa kanya?", saad ni James sa sarili. Samantala, nagulat naman si Devon ng makita niyang paparating ang ate niya. At mukhang nagma-madali ito.

Devon: Izay, anung problema? Parang nagmamadali ka ah? Saan ang lakad?

Chrizza: Von, okay ka lang ba?

Devon: Huh? Ano bang pinag-sasabi mo?

Chrizza: don't hide it from me. Naramdaman ko din sila!

Devon: Izay!

Chrizza: Did they do something to you? Alam ba nila ang totoo mo-

Devon: wala silang ginawa or sabihin natin ginagawa as of now. And yes! Alam nila ang totoo kong pag-katao. Izay, natatkot ako! Baka may gawin sila. Baka sa-

Chrizza: Calm down, Von.! Walang mangyayari sayo na kahit ano1 as long as nandito ako. Hindi ko hahayaang may gawin sila sayo! Hindi!

Devon: Eh, hindi naman tayo laging mag-kasama. Dapat kasi tinuturuan ako ni Mama, para naman kaya kong pro-

Chrizza: Von, hindi pa ito ang tamang pan-

Devon: Kelan pa? pag nagawan na nila ako ng kung anu kayang gawin ng mga yun? Kung kai-

Chrizza: Wala silang gagawin sayo! Just keep your distance from them. Wag kang gagawq ng bagay na maaring maka-sangkot sayo at sa kahit sa sino man sa kanila.

Magsa-salita pa sana ang ate niya ng may-bigla nag-salita mula sa likuran nila.

Nav: Hi! Goodmorning!

Nakita ni Devon ang naging reaksiyon ng ate niya after mapa-kinggan ang boses ng taong bumati sa kanila. Lalo tuloy lumakas ang hinala niya na merong something ang ate niya at si NAv.

Nav: Am I disturbing something? Sige, ba-

Devon: No! okay lang Nav. Hin..di naman

Chrizza: Von, una na ako. Sa bahay na lang tayo mag-usap ulit.

Nav: Zay,

Chrizza: una na ako, b…bye Nav

Napansin ni Devon ang pag-bagsak ng mga balikat ni Nav sa pag-alis ng ate niya. Gusto niya sanang tanungin ang binata, naunahan lang nga siya ng hiya.

Devon: Nav, una na rin ako. May next class pa kasi ako. Pasensya na.

Nav: No! its fine. Napa-daan lang din naman ako dito. go ahead. Baka ma-late ka pa.

Devon: Sige, bYe.!

1 comment: