Monday, November 29, 2010

Chapter 19-My WitchHeart

Mike: Nav, kanina ka pa di mapa-kali dyan. may hinhanap ka ba?

Sherwin: Baka naman hina-hanap si Little girl.

Nav: tigilan nyo ako. Pati ba naman si Devon sinasali nyo pa sa mga kalokohan nyo?

Mike: Concern….

Nag-high five pa ang mga ito na ikina-iling na lang ni Nav. Pero tama ang mga ito, may hina-hanap nga siya. Yun nga lang hindi si Devon. hanggang sa may makita siya na dalawang pamilyar na nilalang na sabay na nagla-lakad patungo sa lugar na kinaroroonan nila. At ikina-gulat pa niya ay magka-hawak ang mga ito ng kamay.

Lyndon: Nav, anu? Nakita mo nab a ang hina-hanap mo?

Nav: Guys, you need to see this!

At itinuto niya sa mga kasama ang nakita niya. Kanya-kanyang reaksiyon ang mga ito. hindi naman lingid sa mga ito ang hindi magandang samahan at namu-muong away sa pagitan ng dalawag nilalaang na iyon.

Mike: Is this for real?

Lyndon: You must be kidding me, Nav!

Sherwin: May himala!!!!!!!!!! Sinabi ko na nga ba maling-mali si Nora. Idol ko pa naman siya. Tsktsktsk.

Binalingan ng mga kasama si Sherwin dahil sa sinabi nito.

Sherwin: o bakit ganyan kayo maka-tingin? Problema?

Samantala…..

Devon: James, pinag-titnginan na tayo ng mga tao oh! Baka lang hindi mo napapansin?

James: wag mo nga silang pansinin. Wag mo na silang i-kehr!

Girl: hi James….. ahmmmmm.. what are you doing with her? I mean bakit mo siya kasama.. and tyaka.. bakit your holding her hand?

James: ah eto ba?

Tinaas pa nito ang kamay niya na hawak nito.

James: ahm… sabihin na lang natin na may atraso siya sa akin at ito ang kapa-rusahan niya.

Girl1: ganun ba? So ibig sabihin ganyan ka mag-parusa? I mean…

James: Yes!!! Lalo na kung si Devon ang involve!

Devon; Anu? James!

James: So, if you'll excuse us, ili-libre pa kasi ako ni Devon. nagu-gutom na kasi ako.

At hinila na siya nito pa-pasok sa cafeteria. Pagkaupong-pagka-upo nila, sinermunan ni Devon si James tungkol sa mga pinagsa-sabi nito kanina.

Devon: and what do you mean by that? Anung parusa? At meron ka pang nalalaman na ganun ka mag-parusa lalo na pag ako ang involve? Are playing games with me James? what are you up to?

James: Teka lang! isa-isa, okay? Chillax ka lang!

Devon: panu ako makaka-pag chillax kung sa tingin pa lang ng mga babaeng iyon ay para na akong sinasaksak. Tapos lalo mo pang pinalala dahil sa mga sinabi mo! Gosh! Anu bang gusto mong mangyari?

James: alam mo Devon, lalo ka lang magkaka-problema kung hindi ko sinabi yun.

Devon: at dapat pa pala akong magpasalamat sayo?

James: making ka kasi muna! I dit it for you! Kung hindi ako sumagot kanina, malamang mas lalong masama ang iisipin nila. Baka isipin nilang ginayuma mo ako. Or worst kinulam kaya!

Para namang tinamaan si Devon sa huling sinabi ni James.

Devon: hindi naman lahat ng mangku-kulam masasama.

Napansin ni James ang pagba-bago sa reaksiyon ni Devon dahil sa sinabi niya.

James: Sorry! I didn't mean it. alam ko namang your totally different from the other girls. Your not that desperate to have someone to be by your side. Like for example a….. boyfriend. Coz you have that strong personality. That you can stand on your own. Without asking any help from other people. Especially… from me.

Naguluhan naman si Devon sa mga sinabing iyon ni James. pero nararamdaman niyang may kinalaman pa rin ito sa nangyari kanina.

Devon: nag-sorry na ako diba? Galit ka pa rin? (malungkot ang face)

James: Huh? Of course not! When I say I forgive I do! I mean it! tsk! C'mon Devon, mas prefer ko pa ang mala-dragon na Devon, kesa sa Mara a.k.a Devon. di bagay sayo!

Devon: at anung ibig mong sabihin? Gusto mong masaktan?

James: Yan.. yan! Ang sinasabi ko! Ang cute mo talaga.

At pinisil pa nito ang ilong niya. Habang naka-ngiti na naka-tingin sa kanya. Parang na-conciuos naman si Devon sa sarili. Napa-tungo na lang siya dahil parang kinilig siya sa ginawa ng binata. And seeing him this close and smiling at her. Paki-ramdam niya siya na ang pinaka-magandang babae sa mundo.

James: Hey! I just sais that you're cute. Tapos tu-tungo ka lang dyan. parang nakaka-hurt ka naman ng feelings.

Nagmag-taas siya ng mukha, nakita niyang itong naka-nguso at parang nagta-tampo. Napa-ngiti na lang siya. Who would have thought, na meron palang taong cute at gwapo pa rin kahit naka-simangot na.

Devon: Fine! Cute kung cute. O-order ba tayo o tutunganga na lang?

James: O-order syempre! Dito ka lang, I'll order for us. Stay put! Wag mo akong tatakasan ha? That's an order!

Devon: opo lieutenant Leal!

James: Good! Private Roque! I'll be quick!

Sinundan na lang ni Devon ng tingin ang binata. Natatawas siya dahil sa ginawa nitong lingon ng lingon sa kanyang pwesto. Siguradista talaga!

No comments:

Post a Comment