Sunday, November 21, 2010

Chapter 16-My WitchHeart

Mother: James! james!

Naririnig ni James ang tawag at katok ng mama niya kanina pa. at kanina pa rin niya ito hindi pina-pansin. Puyat siya. Paki-ramdam nga nya, wala pang isang oras ang tulog niya simula ka-gabi. At parang mabi-biyak ang ulo niya sa sakit dahil sa puyat at idagdag pa ang sigaw ng mama niya.

Mother: Anu ba, James Anthony? Naka-ilang ulit na akong tumatawag sayo ah! Bumangon ka na dyan! James Anthony!

Lalo pang itinabon ni James sa sarili ang kumit at ang mga unan sa kanya. Ayaw niya bumangon. Dahil ayaw nyang pumasok!

Mother: James Anthony! Nauubusan na ako ng pasensya sayo!

James: Ma, ayaw kong pumasok! Holiday ngayon! Rizal Day, Bonifacio Day, Apolinario Day, Agui-

Mother: At saang kalendaryo mo naman nabasa yan! At the count of three at hindi ka pa dyan lumalabas, makikita mo ang hinahanap mo James Anthony!

Hindi na sumagot si James. hinintay niya na mag-salita pa ang mama niya. Pero wala na siyang napa-kinggan pa.

James: Napagod na siguro.

Ganun na lang ang gulat ni James sa biglang pag-bukas ng pinto ng kwarto niya. Pero ang labis niyang ikina-gulat ay ng buhusan siya ng mama niya ng malamig na tubig.

James: Ma! what's wrong with you?

Mother: kapag hindi ka pa bumangon diyan. Kumukulong tubig naman ang ibu-buhos ko sayo!

Nagba-banta nitong sabi sa kanya. Mabigat man sa kalooban. Masakit man sa mata at ulo, wala ng nagawa si James kundi bumangon at mag-handa para pumasok. Pag-baba para mag-almusal, hindi na niya nadatnan doon ang ina. Ayon sa katulong ay nagma-madali daw ito, dahil amy meeting sa opisina. Kumuha lang ng sandwich si James at dumiretso na sa University.

Sa Klase nina Devon

Devon: Ang sakit ng ulo ko! Talo ko pa ang lasing. Anu beh!

Nai-iyak na si Devon dahil sa sakit ng ulo niya. Hindi kasi siya naka-tulog nang nag-daang gabi. Hindi dahil sa ingay o anu pa man. Kundi dahil sa paulit-ulit ng pag-flashback sa eksena kahapon between her and James. samantala, pag-pasok ni James sa classroom nila, ay un niyang nakita ang dahilan ng puyat niya. Base sa itsura nito, na naka-yuko sa lamesa, para rin itong puyat.

James: Bakit naman siya mapupuyat? Hindi kaya…..

Mitch: Hi Mr. Leal! GoodMorning!

James: Goodmorning din. Please drop the formality MS. Celeres. You can call me with my first name.

Mitch: Really? Same din sakin. You can call me Mitch or anything you want.

James: Yeah sure.

Mitch: So ibig sabihin nito, Friends na tayo?

James: OO naman.

Narinig naman ni Devon ang pag-uusap na iyon nina Mitch at James. ewan ba niya kung bakit naiinis siya sa binata sa pagiging sweet nito.

Devon: Please drop the formality MS. Celeres. You can call me with my first name.

Panga-gagaya ni Devon sa sinabi ni James kay Mitch. Pero syempre sa isip niya lang iyon.

Mitch: So, James kung hindi nakaka-abala, pwede ka kayang mag-join samin mamaya para sa lunch?

James: Ha? Hindi kaya nakaka-hiya

Mitch: No!No! it's our honor na maka-sama ka sa pagkain. Yun lang naman eh kung walang magagalit.

James: MAga-galit? As far as I know, wala naman.

Mitch: Really? Oh my! That's a deal James. You can't back-out to that.

James: Don't worry, you have my word.

Mitch: thank you so much!

Hinawakan pa ni Mitch ang dalawang kamay ni James. at iyon ang nakitang eksena ni Devon ng mag-taas siya ng tingin. Nakita ni Devon ang ngiti ni James. hindi man lang ito nailang kahit marami ang nakaka-kita. para namang na-pako na ang tingin ni Devon sa eksenang iyon. Nag-patuloy pa ang dalawa sa pag-uusap habang hawak ni Mitch ang kamay ni James. nakita niya ang pag-ngiti ni James sa mga sinasabi ni Mitch dito. narinig din niya ang halakhak ng binata na noon lang niya napa-kinggan. Hindi tulad kapag nagkaka-salubong sila or nagki-kita. puro away at sagutan lang sila parati.

Dice: What do you think? Aren't they a lovely pair?

Nagulat si Devon ng biglang may nag-salita sa harapan niya. Kaya naman napa-tuwid siya ng upo. Nakita niya ang dalawa pang kapatid ni Mitch na sina Dice at Lucia.

Lucia: Are jealous, Ms. Mercedes?

Devon: MS. Celeres, Roque po ang apelyido ko at hi-

Lucia: wag ka ng mag-panggap kapag kami ang kaharap mo, Ms. Mercedes. Oh! I know. Sorry! I forgot. You and your sister is in a disguise nga pala. Tsktsktsktsk… bakit ba kailangan pang mag-panggap?

Devon: I don't know what youre talking about!

Lucia: Alam mo ba kung anu ang ayaw na ayaw ko sa isang tao, Ms. "Roque"?

Tumingin siya dito. at isang nakaka-takot na pares ng mga mata ang nakita niya.

Lucia: Yun ay ang ipag-pilitan ang isang bagay kahit hindi naman dapat. Yung mga taong ipinipilit na wala silang alam kahit meron. Yung mga taong buking na nga, nagma-mang maangan pa.

Dice: Lucy, calm down. Ayaw mo naman sigurong maistorbo ang moment ni Mitch, diba?

Lucia: Sorry, naka-limutan ko.

Dice: Ms. Roque, siya nga pala. Say hi for us sa kapatid. Napansin kasi naming kanina na medyo iwas siya sa amin! And we don't know why! My God! Anu pa't naging parehas tayo ng pinanggalingan, kung mag-iiwasan lang tayo diba?

Sabay na tumalikod sina Dice at Lucia kay Devon. napa-tingin naman si Devon kayna James at Mitch na masarap pa rin ang kwentohan.

Lucia: Siya nga pala,

Napa-tingin si devon sa nag-salita. Si Lucia.

Lucia: wag na wag mong gagawin ang ginawang pagtra-traydor ng lola mo sa lola namin. Ng agawin niya ang dapat ay ang napa-ngasawa ng mahal naming abuela.

Devon: Hindi mang-aagaw ang lola ko!

Natahimik ang lahat ganun na rin sina Mitch at James sa ginawang pag-sigaw ni Devon. nai-iyak na tumakbo pa-alis si Devon sa lugar na iyon. Hindind-hindi magagawa ng mahal niyang lola ang sinasabi ng mga ito. alam niyang isa ito sa mga naging dahilan ng alitan ng pamilya nila at ng mga Celeres. Pero alam niya at naniniwala si Devon na walang katotohanan ang mga paratang na iyon. Hindi na rin pumasok si Devon sa sumunod pa niyang mga klase.

1 comment: