Monday, November 29, 2010

Chapter 23-My WitchHeart

Nasa isang gubat siya, nakikita ni devon ang sarili na nag-lalakad sa isang masukal na gubat. Lakad-takbo ang ginagawa niya. Nararamdaman niya ang bilis ng tibok ng puso niya at bilis ng pag-hinga. May naririnig siyang boses ngunit di niya mawari kung saan iyon nag-mumula. Sa di kalayuan ay isang pigura ng tao ang nakita niya. Ngunit hindi niya maaninag ito. kina-kawayan siya nito. Animong tinatawag siya nito upang lumapit dito. sa likuran naman niya ay may mga sumisigaw ng pangalan niya. Marami ang mga ito. sa kanan niya ay may isa pang pigura ng isang tao. Naka-lahad ang mga kamay nito sa kanya. Ngunit ganoon na lang ang takot niya ng makita ang animoy sinulid na naka-tali sa buong katawan nito. At ang dulo ng sinulid ay hawak ng isa pang pigura na nasa likuran nito. Nagulat na lang siya ng saksakin siya nito sa tapat ng puso niya ng patalim. Habol hiningang tini-ngala niya ang sumaksak sa kanya. Nakita niyang lumuluha ito. naka-rinig na naman siya ng tinig. Tinatawag nito ang pangalan niya. Kilala niya kung sino ang nag-mamay-ari ng boses na iyon.

Devon: Mama! Mama!

Ngunit walang tunog na lumalabas sa kanyang bibig. Paulit-ulit niyang tinawag ang mama niya. Ngunit hindi pa rin niya nakikita ang mama niya. Tanging ang tinig lang nito ang napapa-kinggan niya.

Devon: Mama! Mama!

Lumiwanag ang paligid. May boses na naman siyang naririnig. Palapit ito ng palapit sa kanya. Ngunit hindi niya makita ang mukha ng may-ari ng tinig na iyon. Paulit-ulit lang nitong sinasabi ang pangalan niya at inu-utusan siya nitong imulat ang mga mata niya. Pero paano niya iyon gagawin kung mulat na ang mga mata niya.

Tinig: Devon! Devon. Imulat mo ang iyong mga mata! Devon! Devon. Imulat mo ang iyong mga mata!

Nawala ang tinig. Nawala ang liwanag. At ang nakikita ni Devon sa mga oras na iyon ay ang mga gamit sa kwarto niya.

Devon: Panaginip. Napa-kasamang panaginip!

Chrizza: Von-von? Mama! Gising na si Von-von!

Nakita ni devon ang pagmamadali ng ate niya na lapitan siya. Nagulat pa siya ng yakapin siya nito at naramdamang umi-iyak ito.

Devon: anung drama mo Izay?

Chrizza: I'm so happy! I'm so happy!

Selena: devon!

Devon: mama!

Dali-daling lumapit ang lumuluhang ina ni devon at mahigpit na niyakap ang anak na kanina pa nagta-taka sa kinikilos ng ina at kapatid.

Devon: teka lang Ma! anung nangyari? Bakit kayo umiiyak ni Izay?

Chrizza: Masaya lang kami!

Devon: masaya? Bakit? Nanalo ba tayo sa loto?

Nagka-tinginan si Chrizza at selena.

Selena: anak, wala ka abng naa-aalala?

Devon: naa-alala? Meron po ba dapat?

Chrizza: Von, you've been asleep for almost a day and a half! Wala ka ba talagang maalala?

Devon: No way! Tulog? Ako? Wa…..wala akong ma-alala eh…… ma! izay!

Selena: Hayaan mo na lang kung wala kang ma-alala.

Devon: pero

Selena: mas mabuti iyon para sa iyo!

At muling pang niyakap ni selena si Devon. nagta-taka talaga si Devon sa nangya-yari. Bakit wala siyang ma-alala? Mukhang wala nang balak pang sabihin ng kanyang ina at kaaptid kung anu talaga ang nang-yari. Sino ang pwede niyang tanungin? Kung isang araw at kalahati siyang tulog, anu kayang nang-yari bago siya maka-tulog/ at meron ba o wala siyang kasama ng mga oras na iyon? Kung meron, sino?

Pag-katapos kumain napag-desisyunan ni Devon na magpa-hangin sa labas ng bahay nila. Sa duyan sa likod-bahay nila siya dumiretso. Agad naman siyang sina-lubong ng alaga niyang si Chuchuruchuru.

Arf!Arf!Arf!Arf!

Devon: Hi there, pup! Miss me?

Kinalong ni Devon ang tuta pag-upo niya sa duyan. Nagpa-kawala ang dalaga ng isang malalim na hininga. Napa-tingin naman ang tuta sa kanya ng dahil sa ginawa niyang pag-hinga.

Devon: nagulat ka ba? Alam mo, naguguluhan talaga ako! Hindi ako makapag-isip ng maayos. Bakit paki-ramdam ko may isang bahagi ng alaala ko ang nawawala. Haiszt! Talo ko pa ang nagka-amnesia, mild nga lang. sino ang pwedeng maka-tulong sa akin.

Voice: ako!

Devon: matutulu-.. ha? Sino ang nag-salita? Anu bay an kung anu-anu ang naririnig ko! Naba-baliw na rin yata ako.

Voice: hindi ka baliw! Wala sa lahi nyo!

Napa-tayo si Devon sa muling pagkaka-rinig sa boses na iyon. Mas malakas na iyon sa dati. At paki-ramdam niya ay malapit ito, napaka-lapit!

Devon: naku! Naku! May maligno pa yata dito!

Voice: mangku-kulam ka, takot ka sa maligno?

Devon: panu mo nalaman yun? Aaahhh!!! Devon umayos ka! Wag mong ka-usapin ang sarili mo!

Voice: grabe ka naman! Magka-boses ba tayo?

Devon: kung sino ka man! Mag-pakita ka! Hi-hindi ako nata-takot sayo!

Voice: hindi daw! Eh bakit nanginginig ka?

Devon: a-ako? Na….nanginginig? ako?

Voice: wag ka ngang magma-ang maangan. Sino pa ba ang tinutukoy ko, eh dadalawa lang naman tayo dito!

Devon: asan ka ba? Mag-pakita ka!

Voice: hellow? Kanina pa ako nasa harapan mo! Nakaka-hurt ka naman masyado!

Devon: eh hindi kita makita!

Voice: tumungo ka kaya!

Dahan-dahang tumungo si Devon. sa pag-tungo niya ang tangi niyang nakita ay si Chuchuruchuru.

Churu: hi!

Devon: i-ikaw? Chu-chu..chu……

Churu: Chuchuruchuru at your service! Churu for short. Kahit di ko masyadong feel ang name ko, okay na rin. Uy! Bakit di ka na umimik dyan!

Devon; nagsa-sa

Churu: diba obvious? Eto nga oh, kausap mo!

Devon: naba-baliw na nga ako.

At tuluyan na ng nawalan ng malay si Devon.

Churu: anubeh! Masakit ka sa bengs, dear. Mahimatay ba? Kaloka! Bibinyagan agad ang powers ko! Hmmmmm…. Makapag warm-up nga muna.

Arf! Arf! Arf!

1 comment: