Tuesday, December 28, 2010

Chapter 38-My WitchHeart

Nav: aaminin mo na sa kanya?

Devon: OO! Kinakabahan na nga ako!

Nav: wag kang kabahan! Masama yan!

Devon: sa tingin mo, anung magiging..

Nav: hindi ko rin alam. Pero ipag-dasal mo na lang na mas malawak ang oang-unawa niya. At manaig ang pagma-mahal niya sayo.

Devon: wish me luck Nav!

Nav: Wish you luck!

Devon: Sige, Nav. Sleep na ako. Kailangan ko ng lakas para bukas.

Nav: sige, sweetdreams!

Devon: para sakin ba yan o sa ate ko?

Nav: bahala ka kung paano mo ma-interpret yung message ko. Night…

Ibinaba na ni Devon ang cellphone. Tinawagan niya si Nav, para maka-usap bago ang pag-amin niya kay James bukas. Kahit papaano, nabawasan ang kaba na nararamdaman niya.

Devon: Tomorrow is the day! Aja! Aja Luna Devon! sana kayanin Ko!

Natulog si Devon ng may ngiti sa mga labi at kaba sa dibdib. Sana lang maging maganda ang resulta ng gagawin niya bukas.

James: Devon! Devon!

Devon: James! buti nakarating ka!

James: naka-salubong ko kasi si Mike kanina pag-pasok ko, sinabi niya sakin na gusto mo daw akong makita. Na nandito ka sa mini-forest. Sana tinawagan mo na lang ako.

Huminga na malalim si James bago muling mag-salita.

James: Anu bang sasabihin mo sa akin?

Devon: ahmmmmm…. Kasi James anu…

James: what?

Devon: you need to know something really important. At sana mapatawad mo ako…

James: wa-wait….. ma-upo nga muna tayo… kinabahan ako bigla…

Devon: James, I'm not wht you think I am! I'm totally different.

James: I know!

Devon: you know? But… ho-how?

James: Devon, kaya nga kita mahal eh. Your different from other girls. Your not desperate na makuha ang mga bagay na gusto mo. Simple ka! Mabait. Ma-

Devon: James, hindi yun!

James: eh anu?

Devon: Hindi ako ordinaryong babae. I'm a witch!

James: then I'm a wizard! Perfect couple diba?

Devon: James….. I'm being serious here.

James: seryoso din ako! Mas seryoso ako, Devon!

Devon: James….

James: Devon, alam mo kung ayaw mo sa akin, sabihin mo ng maayos! Hindi kung anu-ano pa ang sinasabi mo!

Devon: James! Totoo ang sinasabi ko! Kaya ko nga sinasabi ito sayo, kasi gusto kita! mahal na kita eh!

James: yun naman pala eh! You know from the very start that I love you! Pinili kita over those beautiful and gorgeous ladies na nagha-habol sa akin. Dahil alam kung totoo ka! Walang pagpa-panggap! Tapos ganito? Ganito lang mapapala ko?

Devon: James, listen to me! I'm telling you the truth! Making ka naman!

James: NAkikinig ako! Hindi lang kita maintindihan kung bakit mo sinasabi sakin ang mga yan! Niloloko mo lang ba ako? O baka naman, this is your own way para i-dump na lang ako? Bakit? Are you tired of me, Devon? Nagsa-sawa ka naba na araw-araw ako lagi ang kasama mo? May nag-utos ba sayo na ito ang sabihin mo sakin ngayon?

Devon: Arghhhhhh! James! Walang nag-uutos sakin! Wala! Ayaw ko na lang na may humahadlang pa sa puso at isip ko para tuluyang mahalin ka! Diba sabi mo, kahit anu pa man ako, mamahalin mo at tatanggapin pa rin ako? Pero bakit ngayon? Bakit ka ganyan?

James: Bakit Devon, kung nag-kapalitan ba tayo ng posisyon ngayon, magiging iba ba ang sasabihin mo? Baka nga sabihin mo pang may iba na akong babae. Na nagsa-sawa na ako sayo.

Devon: James, ipa-paliwanag ko.

James: ewan ko Devon! Ewan ko! Wag na muna tayong mag-kita! Paalam!

Devon: James! Bumalik ka! James…..

Chrizza: Devon! Devon gising!

Devon: James.. sa-sandali..

Chrizza: Devon! gising!

Devon: Ha? I-Izay? Si-si James? nasaan siya?

Chrizza: Na-nanaginip ka!

Devon: panaginip?

Chrizza: anu ba ang napanaginipan mo? At tinatawag mo pa si James!

Devon: I'm confessing to him! Inamin ko sa kanya about the real me. Nagalit siya, Izay. Sinabihan pa niya ako na siguro ay nagsa-sawa na daw ako sa kanya… iniwan niya ako, Izay… natatakot ako!

Hindi na napigilan ni Devon ang mapa-iyak. Sa panaginip pa lang hindi na niya nakaya, what more kung sa tunay na sitwasyon na.

Chrizza: sssssshhhh.. Von-von, panaginip lang yun. Kaya mo yan.

Devon: hindi ko kakayanin Izay… hindi ko kakayanin.

Naka-tulugan na ni Devon ang pag-iyak. Na-aawa si Chrizza sa kapatid. Alam niya ang sakit na maaaring maramdamn ni Devon sa posibleng hindi magandang pag-tanggap ni James sa pag-amin ni Devon.

Kinabukasan sa University

Devon: Mike! Mike!

Mike: little girl! Goodmorning! May problema ba?

Devon: ahmmm.. si James? pumasok na ba?

Mike: hindi ka ba niya tinawagan?

Devon: hindi eh.. bakit? May nangyari ba?

Mike: actually, hindi makaka-pasok si James ngayon. Biglaan kasi ang pag-bisita ng pamilya nila sa Lola nila. Sa Pampanga yun.

Devon: ah.. ganun ba? Hindi kasi siya tumawag..

Mike: Si Nav, ang tumawag samin. Mukhang nagma-madali nga yata.

Devon: sige salamat!

Mike: No problem…. Bye.

Devon: Wow! Devon, mukhang mabi-binggit pa ang pag-amin mo. Pero look on its positive side. Makaka-pag ipon ipon ka pa ng maraming lakas ng loob. Ipag-pasalamat mo na rin.

Biglang tumunog ang cellphone ni Devon. isang text message ang natanggap niya galing kay James.

"Devon, sorry hindi na ako nakapag-paalam. Biglaan aksi ang pag-alis naming nina Mama. May kailangan kasi kaming gawin sa bahay ng Lola ko. Baka hanggang Wednesday pa ako dito. wag mo ako masyadong ma-miss ha! Babalik din ako. Hugs and kisses for you, My love!"

Devon: baduy talaga kahit kalian

Nai-iling na saad ni devon matapo mabasa ang mensaheng iyon ni James.

No comments:

Post a Comment