Tuesday, December 28, 2010

Chapter 35-My WitchHeart

Saturday

Nasa Gubat muli si devon para mag-sanay.

Kiya: nabalitaan ko mula sa Kapatid ko ang nangyari sayo. Mukhang nagsi-simula na!

Devon: sa tingin mo ba, sila ang may..

Kiya: sino pa bas a tingin mo? Bukod sa mga Celeres wala ng iba pang naka-laban na angkan ang iyon abuela. Kaya mas dapat kang maging seryoso sa pag-aaral mo para sa pagha-handa para sa nalalapit mong kaarawan.

Devon: OO alam ko! Teka lang, asan si Piya?

Kiya: may kailangan siyang tapusin, hindi muna natin siya makaka-sama ngayon. Handa ka na bang matuto ng mahika?

Devon: handing-handa na!

Kiya: magsi-simula muna tayo sa mga basic magic and spells na dapat mong matu-tunan. Tulad ng elevation, invinsibility, teleportation at konting elemental magic.

Devon: ang dami naman!!!

Kiya: madami ka dyan? konti pa yan! Wala pa sa kalahati. Basic muna para kahit pa-paano may alam ka na, bago ka pa maging fully pledge witch. Para din di ka masyadong dehado sa mga nasa paligid mo.

Devon: ganun?

Kiya: ganun na nga! Ai naku tama na nga itong kwentohan na ito! mag-simula na tayo!

Devon: anu ang u-unahin natin?

Kiya: elevation na muna. Isa lang ang dapat na meron ka pag-gagawin mo ang magic na ito. FOCUS!!! You must your purpose or goal or yung main object kung bagay, hayop or tao.

Devon: tao? Magpa-palutang ako ng tao?

Kiya: yes! You can even elevate yourself, kung gu-gustuhin mo!

Devon: wow! Amajing!!!!! Mag-umpisa na tayo, para maka-rami!!!!!

Kiya: just try to imitate what I'm going to do. Magsi-simula tayo sa…… that one! yung sanga na nasa ibabaw ng naka-tumbang puno. Ili-lipat ko iyon sa……. Sa ibabaw ng lamesa sa kanan mo.

Pumwesto si Kiya sa unahan ni Devon. nagulat pa siya ng biglang tumayo ito. dalawang beses ito nag in-hale at exhale. Itinaas nito ang kanang kamay/paa(aso si Kiya diba?). itinapat sa sanga malayo dito. ipinikit nito ang mata, maka-lipas lang ang ilang segundo ay nakita na ni Devon ang pag-angat ng sanga mula sa kinapa-patungan nito.

Devon: whoah!!! Ang galing!!!

Unti-unting gumalaw ang sanga patungo sa direksiyon niya.

Kiya: wag na wag kang mawawala sa konsentrasyon. Dapat ay malinis ang iyong isipan mula sa anumang uri ng isipin o issue. Dahil kung hindi, kahit ang mapa-angat ng isang pulgada ay hindi mo magagawa.

Ilang Segundo pa ang lumipas ay tuliyan ng na-ilipat ang sanga sa mesa katabi ni Devon.

Kiya: ikaw naman. Subukan mo! Itong kutsara ang ili-lipat mo sa ibabaw ng naka-tumbang punong iyon.

Devon: ako? Di pa a-

Kiya: di ka pa handa? Kelan pa? sige na! di ka ka-kain kung hindi mo naga-gawa ang ginawa ko.

Devon; anu?

Kiya: gusto mong ma-gutom or what?

Devon: fine!! Fine!!! Eto na.. magsi-simula na po!!!

Devon close her eyes focus her mind on the spoon. Slowly, she put on her mind to elevate the spoon and that she needs to transfer it ot other place. Kiya on the other hand, watch and observe Devon on her first trial. Ilang minute na ang naka-lipas ngunit hindi pa rin napapa-galaw o lutang ni devon ang kutsara.

Kiya: Devon! whats wrong?

Devon: I'm trying my best, Kiya!

Kiya: you must not only try it, but do it Devon! Wag mong pagdu-dahan ang kakayanan mo. You're a witch! You'll always be! Kaya dapat sisiw lang sayo ang bagay na yan.

Devon: pero Kiya! Ito ang first ko!

Kiya: walang first-first sa mga katulad natin Devon! wala! So do it!

Devon: Okay!!!! Gagawin ko na! just give me enough time.

Kiya: you have all the time that you need, Devon. you just need to learn how to use it well.

After hearing everything that Kiya said, Devon starts to focus her mind once again. She just hopes she'll do it fine this time.

Devon: Focus!! Focus!!!! Focus Devon!!!

Kiya: alisin mo lahat ng mga isipin mo!!

Devon: I'm doing it!!!

FOCUS!! FOCUS!!! Yan ang ginawa ni Devon for almost an hour. Halos sumakit na ang ulo ni Devon, sa kaka-Focus niya. Pero like what many people belives, pag may tiyaga may sinigang! At last, nai-angat na ni Devon ang kutsara mula sa ibabaw ng lamesa. Now, ang dapat na gawin ay ilipat iyon san aka-tumbang puno.

Devon: FOCUS Devon!!! You're almost there. Slowly but surely dapat…. Unti-unti lang…

Nasa kalahati na ng distansiya si Devon sa pagli-lipat ng kutsara ng biglang tumunog ang cellphone niya.

Devon: ay butiki!

Dahil sa bagay na iyon, ay nawala sa concentration si Devon at nahulog ang kutsara sa lupa.

Devon: Aw… saying! Konti na lang!

Kiya: Devon! diba sinabihan n akita bawal ang cellphone kapag andito tayo?

Devon; sorry! naka-limutan kong i-silent.. ahmmmm… excuse muna…

Dali-daling nilapitan ni Devon ang bag niya kung saan naroroon ang maingay niyang cellphone. Isang tawag iyon, galing kay James. nilingon ni Devon si Kiya para sana humingi ng permiso para sagutin ang tawag.

Kiya: fine! Paki-bilisan lang. at that would be the last time na magiging destruction ang cellphone na iyan.

Devon: oki oki!!! Thanks thanks!!!!

Lumayo si Devon ng kaunting distansiya mula kay Kiya.

Devon: James? bakit?

James: Asan ka? Pumunta ako sa house niyo kanina. Pero sabi ng mama mo, may pinuntahan ka daw? Wala naman tayong pasok ngayon ah!

Devon: ahmmmm…… pumunta lang ako sa…… mall!!! Nandito ako sa mall!!

James: nasa mall ka? Where? Puntahan kita now!

Devon: pupunta ka? No!!!

James: ha? No? bakit?

Devon: ahmmm….. pa-..pa-uwi na rin ako!!!! So baka hindi mo na rin ako ma-abutan.

James: okay, so sa bahay nyo na lang ako maghi-hintay!

Devon: No! I mean…

James: Devon, asan ka ba talaga?

Devon: anu kasi… ahmmmmm…..

James: fine! I get it! ayaw mo akong makita!

Devon: no! hindi yun ma-

James: bye. Kita na lang tayo sa school sa Monday. Kung hindi mo ako pagta-taguan.

Iyon lang at pinutol na nito ang tawag.

Devon: James! ja-……….. naku naman! Arghhhhh!!!!

Kiya: umuwi ka na!

Devon: ha?

Kiya: sabi ko umuwi ka na!

Devon: di pa ta-

Kiya: alam ko naman na hindi ka na makakapag-concentrate sa training natin. Kaya umuwi ka na lang. bumalik ka na lang bukas.

Devon: bukas? Pero, baka hindi ako pa-

Kiya: papayagan ka nun!

Devon: ni Mama?

Kiya: yup! Nabanggit na ng kapatid ko sa Mama mo about our training.

Devon: at pumayag siya?

Kiya: bakit hindi? Magaling yata mag-paliwanag ang ate ko! Tyaka even your mom believes that sa panahon ngayon at sa mga nangyayari sayo these past few weeks, kailangan na niyang kalimutan ang pag-pigil sayo to learn magic. Dahil aminado siya na maraming mga unnecessary things and people ang nakaka-salamuha mo.

Devon: really? Whoah!! That's a relief! Atleast ngayon nabawasan na ang ala-lahanin ko! Thank you talaga!!!!

Kiya: whatever!!! Go! Umalis ka na! baka hini-hintay ka na ng boyfriend mo!

Devon: how did you

Kiya: hello? Who's on the line? May naligaw ba dito? at nag-taka pa kung paano ko nalaman! Gosh! Umalis ka na lang nga!!! Dapat maaga ka bukas!

Devon: so sorry!!! sige2x!!!!! bye bye na!! thanks thanks talaga.

Nagma-madaling umalis si Devon sa training ground nila ni Kiya. Lakad-takbo ang ginawa ng dalaga at habang daan ay kinokontak niya si James.

Devon: James! sagutin mo! James naman!!!!!!!

Sa pagma-madali ay hindi napansin ni Devon ang naka-usling uagt ng puno sa daan. Na naging dahilan para matalisod at tumumba siya. Nabitiwan ni Devon ang cellphone at nadaganan ng matumba siya.

Devon: araaaaaaaaay!!!!! Naku naman!!

Tinig: Miss okay ka lang?

Devon: Obvious ba?

Tinig: tulungan na kita!

Devon: wag na! kaya ko!

Tumayo si devon mula sa pagkaka-tumba. Nakita niya kung sino ang nagma-may-ari ng tinig na iyon. Isang Lalaki. Bigla niyang na-alala ang cellphone niya.

Devon: naku naman! Nasira! Lagot ako kay ate!

Hindi na pinansin ni Devon ang lalaki at dali-daling umalis sa lugar na iyon. Samantala ang lalaki naman ay iiling-iling na pinag-masdan ang nagma-madaling dalaga.


 

No comments:

Post a Comment