Tuesday, December 28, 2010

Chapter 31-My WitchHeart

Hapong-hapo si Devon ng araw na iyon. Ma-aga siyang pumasok dahil balak niyang matulog muna. Pagka-uwi niya galing sa unang araw ng training niya kasama si Kiya at ang kapatid nito na si Piya, paki-ramdam ni Devon dalawang beses siyang umakyat ng bundok ng walang pahinga. Nag-umpisa kasi sila sa physical training. Naubos siguro ang oras nila sa physical training palang. Sabi kasi ng mag-kapatid kailangang i-kondisyon muna ang katawan niya. Maas madali daw kasi kong nasa mabuting kalagayan ang katawan niya bago siya mag-simulang mag-aral ng mga spells.

Devon: parang gusto ko ng sumuko

Bulong ni Devon sa sarili habang naka-subsob ang mukha sa desk ng kanyang upuan. Babalik siya ulit sa lugar na iyon sa sunod na sabado. Anu na-naman kayang palusot ang gagawin niya sa mama at kapatid niya para maka-alis. Nag-alala naman si Devon ng malaman na may make-up class pala sila ng nag-daang sabado. Maka-ilang tawag din ang natanggap ni Devon at ng kapatid niya galing kay James. dahil hina-hanap siya nito. Hindi na lang niya iyon sina-sagot dahil baka lalo lang siyang mawala sa focus. Hindi na naman nagtanung ang mama at kapatid niya ng dumating siya sa bahay nila. At pinagpa-salamat na rin niya iyon. Dahil baka hindi niya kayaning sagutin pa ang mga tanuung ng mga ito dahil na rin sa pagod. Muntik namang mahulog sa kinau-upuan si devon ng may sumigaw mula sa likuran niya. Hindi naman niya ito nilingon para kilalanin kung sino ito. dahil kilalang-kilala niya ang boses na iyon tulog man siya.

James: Luna devon!

Niyugyug pa nito ang balikat niya.

James: luna Devon! tinatawag kita diba? Bakit di mo ako pina-pansin? Bakit di ka pumasok last Saturday? Saan ka nag-punta? Devon!

Hindi pa rin pinansin ni Devon si James.

Mitch: Goodmorning James! devon? si Devon ba yan? Tulog yata James. teka, nag-breakfast ka na ba? Gusto mong kumain? Treat ko?

Tumingin muna si James sa nagtu-tulug-tulugang dalaga. Pigil-hininga naman si devon sa kung anu ang isa-sagot ni James sa alok ni Mitch.

James: Sure! Kailangan ko nga sigurong kumain. Nasi-siraan na yata ako para kausapin ang tulog.

Mitch: okay! Lets go?

Maya-maya ay napa-kinggan ni Devon ang pag-sara ng pinto ng classroom nila. Ang masigurong naka-labas na sina James at Mitch, umayos ng upo si Devon at eksaheradong pinakawalan ang hangin na kanina pa niya pini-pigil.

Devon: ang dali mo namang bumigay james Anthony Leal! Hmpf!!!!!! Nada-dala ka pala sa pa-treat treat!!!!! Naku!!!!!!

Sa inis ni Devon ay hinampas niya ang desk na kanyang bangko. Yun nga lang sa lakas ay nasaktan ang kamay niya.

Devon: aray!! Aray!!! Ko!!! Malas talaga!!!!!!

Sa Canteen

James: Devon!

Narinig ni Devon ang pag-tawag sa kanya ni James. kaya naman binilisan niya ng lakad palayo sa binata. Nakita naman ni James ang ginawang pagma-madali ng dalaga at alam niyang siya ang dahilan noon.

James: aba't!!!!!!! devon!!!!!

Binilisan pa ni Devon ang pag-lakad. Ngunit na-abutan din siya ni James sa may parking lot. Agad nitong hinablot ang braso ni Devon.

James: hey!!!!

Devon: anu ba? Bitiwan mo nga ako!

James: para ano? Para takbuhan mo naman ako? Anu na naman ba ang problema? Dahil ba dun sa nangyari sa bahay namin? Devon, hindi naman kita pini-pilit na sagutin ang nararamdaman ko para sayo! Sinabi ko lang naman ang nararamdaman ko! Hinayaan kitang hindi sumagot ng tanungin kita kung pwede kitang maging kasintahan. Pero hindi ko hahayaan na gawin mong dahilan ang bagay na iyon para iwasan na naman ako. Devon, please don't do this to me!

Na-pako naman sa kinata-tayuan niya si Devon ng yakapin siya ni James.

James: Please Devon….. kung ayaw mo sakin, pwede pa naman siguro tayong maging mag-kaibigan. Mata-tanggap ko pa iyon, pero hindi ang pag-iwas mo.

Devon: hindi naman ako umi-iwas sayo ah.

Naka-ngusong sagot ni Devon. bumitiw naman si James sa pagkaka-yakap sa kanya at nagta-takang tiningnan si Devon.

James: hindi mo ako ini-iwasan ng lagay na iyon? Diba tinakbuhan mo ako kanina. Tapos kanina sa classroom, baka akala mo, alam kong gising ka.

Devon: ayaw ko lang ng gulo. Diba kasama mo si Mitch.. so bakit tina-tawag mo pa ako?

James: mitch? Si Mitch na naman?

Devon: oh! Bakit ganyan ka maka-tingin? Problema mo?

James: na-isip ko lang, hindi kaya nagse-selos ka?

Devon: anu??? Ang kapal mo!!

Akmang ta-talikod si Devon ng hilahin siya ni James para yakapin ulit.

James: wala ka namang dapat ipag-selos, Luna Devon.

Devon: sinung nagses-selos? In your dreams Mr. Leal!

James: kung ganun, hini-hiling ko na sana panaginip na lang lahat ng ito!!!!!

Devon: ja-james……

James: bakit ba ang hilig mong mag-deny?

Kumalas ito sa pagka-kayakap sa kanya at tini-tigan siya sa mga mata ni James.

James: Ms. Luna Devon Roque, pwede ba kitang ligawan?

Narinig ni Devon ang pag-singhap ng mga naro-roon. Sigurado siyang kanina pa sila ng mga ito pina-panuod. May nari-rinig din siyang mga bulungan. Pero masyado ng mabilis at malakas ang tibok ng puso niya para maintindihan at mapakinggan pa ang mga iyon.

James: sige, maghi-hintay ako sa sagot mo. Pero for now, alis muna tayo at hina-wakan nito ang kamay niya. Kaya lang..

Devon: aray!

James: bakit? Anung nangyari? May masakit ba sayo?

Tiningnan nito ang kamay niya na hawak nito.

James: Bakit nama-maga ito?

Devon: ha? Anu kasi…. Kani-

Hindi na siya hinintay pa nitong mag-paliwanag. Sa halip ay binuhat siya nito sa kotse. At dali-daling pinatakbo ang kotse patungo sa ospital.

No comments:

Post a Comment