Sunday, December 5, 2010

Chapter 28-My WitchHeart

Nav: Devon! devon!

Devon: Nav!

Nav: goodmorning!

Devon: Goodmorning din. Anung atin? Seldom na kitang makita ah!

Nav: bakit miss mo'ko?

Devon: asa!!!! So kumusta?

Nav: ikaw talaga! Okay lang. bye the way little girl, may gagawin ka ba sa sabado?

Devon: bakit? Anung meron?

Nav: birthday ko kasi, baka kasi pwede kang um-attend? Yun lang naman eh kung wala kang gagawin.

Devon: ganun ba? Ahmmmmmmmmm….. Nav.. kasi… may pupuntahan kasi ako sa Saturday. Pasensiya na!

Nav: no! no! okay lang! nagba-baka sakali lang naman.

Devon: pasensiya na talaga! Happy birthday na lang!

Nav: sige! Pero may utang ka sakin ha!

Devon: ganun? 5-6 ka ba?

Nav: heheh.. sige, mauna na ako! Bilisan mo, baka ma-late ka!

Devon: opo! Bye!

Nagta-takbo na ang binata patungo sa ikalawang palapag ng building. Nanghi-hinayang si Devon at hindi siya maka-kasama sa birthday ni Nav. Pero no choice! First come first serve!

James: Devon!

Devon: bakit?

James: pwede ba tayong mag-usap?

Devon: may klase tayo!

Hindi na sumagot pa ang binata at basta-basat na lang hinila si Devon. nag-pumiglas si Devon para maka-wala pero mahigpit ang kapit ni James sa kanya at lao lang humihigpit pag pumipiglas siya.

Devon: Anu ba James? nasa-saktan ako!

James: sumama ka na lang kasi!

Devon: eh ayaw ko nga eh! May klase pa tayo, baka hindi mo na-aalala!

James: wala tayong klase! May sakit si Mrs. Valdez.

Devon: paano mo nalaman?

James: I have my sources!

Devon: magu-usap lang tayo bakit kailangan mo pa akong kalad-karin?

Hindi na nag-salita pa si James. sa parking lot sila dumiretso ng binata.

James; get in?

Devon: ayoko nga!

James: gusto mo pa bang buhatin kita?

Devon: ewan.

Napa-sigaw si Devon ng buhatin nga siya ni James pasakay sa kotse nito. La-labas sana siya pero naka-lock ang pinto. Sumakay na rin ito at sinimulang pa-andarin ang sasakyan.

Devon; this is kidnap! This is crime! Isu-sumbong kita sa pulis!

James: tumahimik ka nga!

Devon: kapal mo! I hate you James! I hate you!

James; salamat! Atleast kahit galit ka, naga-gawa mo na akong ka-usapin.

Natigilan naman si Devon sa sinabing iyon ni James.

James: anu bang problema mo? Akala ko ba okay na tayo? Anu na namang nagawa ko sayo? Hindi talaga kita maintindihan. Ang moody mo!

Devon: bakit ka sumisigaw…..

Naka-ngusong tanung ni Devon, pero naka-tungo naman. Parang bata tingnan si Devon sa itsura nito.

James: sumisigaw ba ako? Ha? Sumisigaw ba ako?

Devon: so-sorry. (bulong)

James: may sinasabi ka?

Devon: ang sabi ko sorry!

Lihim na nangit-ngit si James sa sinabi ng dalaga.

James: bakit ba hindi kita matiis?(bulong)

Devon: saan mo ba ako dadalhin?

James: makikita mo rin. Malapit na rin tayo!

Devon: kidnapping talag 'to!

James: okay lang! gwapo naman ang kidnapper mo!

Devon: kapal!

Ngumiti lang si James sa halip na sumagot sa dalaga. Nakita ni Devon ang pag-ntgiting iyon ni James. at para na-namang nagu-unahang kabayo ang tibok ng puso niya.

Devon: anu na naman ito? puso tumigil ka! Puso tumigil ka!

Paulit-ulit na sigaw ni Devon sa sarili para pakalmahin ang nagwa-walang puso niya. Napansin siguro ni James ang pana-nahimik ni Devon kaya muli itong nag-salita.

James: okay ka lang devon?

Devon: ha? Ako? O-oo okay lang. okay lang ako, wag ka lang ngi-ngiti.

Hindi na naisa-tinig ni Devon ang huling sinabi. Nakakahiya kaya.

James: here we are!

Nagma-madaling bumaba si James sa kotse. Binuksan ang pinto at inalalayan si Devon pababa.

Devon: wow! Ang ganda parang palasyo!

James: welcome to our humble home!

Devon: anun?!!! Ba-bahay nyo….. yan?

James: yup! Like it?

Devon: teka-teka!!! Anung ginagawa natin dito?

James: I want you to meet my mom! Halika pa-

Devon: anu? Okay ka lang? bakit mo-

James; wag na maraming tanung, pasok na tayo!

Magsa-salita pa sana si Devon ngunit hinila na siya papasok ni James sa bahay ng mga ito.

No comments:

Post a Comment