Tuesday, December 28, 2010

Chapter 33-My WitchHeart

Chrizza: totoo? Hindi ka ba nag bi-biro?

Devon: oo nga sabi! Pang-sampung tanung mo na yan. Kaya please tama na!!! nato-torete na ako sayo!

Chrizza: pero paano nangyari? Diba magka-galit kayo nun?

Devon: nang-yari na ang nang-yari!! Tyaka diba, matagal na kaming nagka-bati diba?

Chrizza: iba talaga pag-tinamaan ng pana ni Kupido. Tsktsktsk….

Devon: kaw, Izay? Kalian?

Chrizza: ikaw ang topic dito, kaya wag mong i-baling sa akin.

Devon: may past ba akyo ni Navinel?

Chrizza: at bakit naman nasama ang lalaking iyon sa usapan?

Devon: OO o hindi lang ang sagot. May past ba kayo ni Nav?

Nakita ni Devon ang paga-alinlangan ni Chrizza na sagutin ang tanung niya dito.

Devon: kung ayaw mong sagutin,okay lang.

Chrizza: Yes!

Devon: ha? Anung yes?

Chrizza: diba tina-tanung mo kung may past kami ni Nav? Yes! Naging kami nga!

Devon: really? So what happened? Bakit parang ilag kayo sa isa't-isa?

Chrizza: dahil wala siyang kwentang lalaki! Duwag!

Devon: ha? Paki-explain.

Chrizza: wag mo ng alamin. Tyaka tina-tanung mo lang naman kung naging kami diba? Hindi na kasama dun ang kwento ng past namin.

Devon: Izay naman! KJ ka! I-kwento mo na kasi! Hindi ako makaka-tulog niyan.

Chrizza: at bakit naman?

Devon: siyempre! I-isipin ko kong anu ang naging dahilan ng separation ni Nav! OMG!! Magkaka-eyebags ako nito!! Izay, pity me! Pa-pangit ako nito!!!

Chrizza: care ko?

Devon: Izay naman!

Chrizza: Goodnight!

Tumalikod na si Chrizza sa kapatid para putulin na ang usapang iyon. Bago matulog, naka-isip si Devon kung pa-paano malalaman ang buong istorya.

Devon: kung ayaw sabihin ni Izay ang dahilan, pwede naman akong mag-tanung sa isa pang tao na involve din.

Naka-ngiting naka-tulog si Devon dahil sa na-isip.

Nasa isang gubat siya, nakikita ni devon ang sarili na nag-lalakad sa isang masukal na gubat. Lakad-takbo ang ginagawa niya. Nararamdaman niya ang bilis ng tibok ng puso niya at bilis ng pag-hinga. May naririnig siyang boses ngunit di niya mawari kung saan iyon nag-mumula. Sa di kalayuan ay isang pigura ng tao ang nakita niya. Ngunit hindi niya maaninag ito. kina-kawayan siya nito. Animong tinatawag siya nito upang lumapit dito. sa likuran naman niya ay may mga sumisigaw ng pangalan niya. Marami ang mga ito. sa kanan niya ay may isa pang pigura ng isang tao. Naka-lahad ang mga kamay nito sa kanya. Ngunit ganoon na lang ang takot niya ng makita ang animoy sinulid na naka-tali sa buong katawan nito. At ang dulo ng sinulid ay hawak ng isa pang pigura na nasa likuran nito. Nagulat na lang siya ng saksakin siya nito sa tapat ng puso niya ng patalim. Natumba siya sa lupa. Habol hiningang tini-ngala niya ang sumaksak sa kanya. Nakita niyang lumuluha ito. Naki-kita ni Devon ang pag-daloy ng dugo mula sa kanyang dibdib. Mula sa liwanag na nagmu-mula sa buwan, na-aaninag niya ang itsura ng taong sumaksak sa kanya. Ngunit unti-unti ng dumidilim ang paningin niya para makita ng maayos ang mukha nito. Naririnig ni Devon ang mga boses na tumatawag sa kanya. Pinilit niyang gumapang, ngunit napaka-bigat ng katawan niya para gawin iyon. Unti-unti ng nauubusan ng hangin si Devon.

Devon: Tu-----lu—ngan…. Nyo ako……….. tu---long

Chrizza: Von!!! Von-von!!! Gising!! Bina-bangungot ka!!!! Von-Von!!!!

Devon: tulong!!!!

Napapa-kinggan ni Devon ang boses ng ate nya. Ngunit hindi nya ma-imulat ang kanyang mga mata. Nararamdaman din niya ang pagyugyog nito sa kanyang balikat. Tinatawag na rin ng ate niya ang kanyang ina.

Selena: anung nangya-yari?

Chrizza: ma!! si Von-von!!! Bina-bangungot na naman!!!!

Selena: anak!!! Devon, imulat mo ang mga mata mo!

Devon: Mama!!!

Chrizza: Ma!!! nata-takot na ako!!!

Selena: Izay, hindi lang ito basta-basta bangungot…. May gumagawa nito sa kapatid mo!!!

Chrizza: gumagawa? Sino? Bakit?

Selena: wag ka ng mag-tanung, kunin mo ang itim na libro sa kahon na nasa ilalim ng kama naming ng papa nyo. Dalian mo!

Chrizza: O—Opo!!!

Selena: Anak.. kapit ka lang! lakasan mo ang loob mo! Nandito lang kami ng ate mo!

Narinig ni Devon ang mga salitang iyon ng kanyang ina. Kaya naman nag-karoon siya ng lakas ng loob para lumaban. Ngunit, kasabay ng pag-lakas ng loob, ay ang unti-unting pag-hirap niya sa pag-hinga.

Chrizza: Mama!! Mama!! Eto na po!!

Selena: hanapin mo ang pahina 65! Tapos ibigay mo sa akin ang libro.

Akala ni Izay ay madali ang paghahanap ng pahinang sinabi sa kanya ng kanyang ina. Ngunit nagka-mali siya. Hindi ordinaryong libro iyon. Dahil wala sa ayos o sequence ang mga numero na naro-roon.

Chrizza: Ma! bakit ganito ito? hin-hindi ko…

Boses: tao po! Tao po!

Chrizza: amy tao po sa labas!

Selena: tingnan mo muna kung sino! Ako ng bahal sa kapatid mo!

Devon: Ma…. hi---------hindi po a------kooo ma-

Selena: ssssshhhh… wag ka nang mag-salita pa anak. Ipunin mo na lang ang lakas mo. Nasaan na ba yun?

Piya: Goodeve po!

Chrizza: Ma, hindi ko siya

Selena: Zerisa Piya?

Piya: Buti naman at na-aalala mo pa ako!

Chrizza: Ma, kilala mo?

Selena: oo! Anu-

Piya: mamaya na tayo mag-kwentohan, mas kailangan ng atensyon ng anak mo, Selena.

Lumapit kay Devon ang bagong dating. Hinaplos nito ang mukha ng dalaga na puro pawis na sa mga oras na iyon.

Piya: Kinu-kulam siya! At napaka-lakas ng kapangyarihan nito para mapasok ang panaginip ng kapwa niya mangku-kulam.

Selena: may ideya ka ba kung sino?

Piya: meron akong kilala! Ngunit matagal na siyang wala sa mundong ito. Maliban lang kung ang gumagawa nito sa anak mo ay galing rin sa kanyang angkan.

Selena: Ang mga Celeres ba?

Chrizza: excuse me po! Baka naman gusto niyong tulungan ang kapatid ko? Nahi-hirapan na po siya. Mama!!

Piya: akong bahala sa kanya!

Hinawakan ni Piya ang kaliwang palad ni Devon. bumulong ito ng mga salita sa hangin. wala namang maintindihan isa man sa mga salitang iyon si Chrizza. Ilang minute pa ang lumipas ay isang maitim, manipis at mahabang bagay ang hinila ni Piya mula sa gitna ng palad ni Devon. nang makita iyon ni Chrizza.

Chrizza: Sinulid? Bakit sinulid?

Piya: ito ang ginagamit ng angkan ng mga Celeres sa pangku-kulam.

Selena: pero bakit ang anak ko? Matagal ng wala ang Nanay gayundin ang Pinuno ng angkan nila! Wala akong naki-kitang dahilan para gawan nila ng masama ang aking anak.

Piya: maaaring wala tayong naki-kita. pero sila ay meron. Maging ma-ingat kayo hindi lang sa mga gina-gawa niyo. Gayundin sa mga taong nasa inyong paligid. Maging mapag-matiyag kayo! Bantayan niyo ang bawat isa, lalo na si Devon. nara-ramdaman kong hindi ito ang huli. Hindi lang basta-basta ang gumawa nito sa anak mo Selena.

Selena: ta-tandaan ko iyan. MAraming salamat, Piya.

Piya: tungkulin naming iyon, Selena. Bago ako umalis, ma-aari ba kitang maka-usap Selena?

Selena: oo ba! Maiwan muna kita dito sa kapatid mo Izay.

Chrizza: Opo Mama!

Selena: Doon tayo sa sala.

No comments:

Post a Comment