Tuesday, December 28, 2010

Chapter 30-My WitchHeart

Chrizza: Von-von!!! Anu ba???

Devon: huh? May sinasabi ka ba ate?

Chrizza: naku naman! Tulala ka nanaman. May sakit ka ba?

Sinalat pa ng ate niya ang noo niya. Pero walang naging reaksiyon si Devon sa ginawa nito. Na lalo pang nagpa-alala kay Izay.

Chrizza: Devon, umamin ka nga. May nangyari basa bahay nina James?

Nang mabanggit ang pangalan ni James, parang sasabog na naman ang dibdib ni Devon sa bilis ng tibok ng puso ni Devon.

Devon: Izay, matutulog na ako…. Goodnight.

At tumalikod na si Devon sa ate niya. Nag-kunwaring tulog si Devon. ayaw na niyang buksan pa ang nangyari sa bahay nina James.

Kinabukasan

Mike: Ui! James! bakit di ka mapa-kali dyan?

Sherwin: oo nga! Kanina ka pang lingon ng lingon. Gusto mo bang mabalian ng leeg?

James: alam nyo? Kalalaki nyong tao, ang chismoso nyo?

Lyndon: showbiz ka kasi…

James: isa ka pa!

Nav: hey guys! Tigilan nyo nga si James…. at bakit ba nagta-tanung pa kayo kung bakit lingon ng lingon yan! Pa-inosente pa kayo!

Sherwin: isa ka pa Nav! Baka hindi mo napapansin, pinagma-masdan ka rin namin!

Nav: bakit agent ba kayo?

Mike: wushu!!!! Mag-pinsan nga kayo!

Lyndon: ui si Devon!

James: asan?

Lyndon: joke lang!

Pa-dabog na iniwan ni James ang mga kasama.

Mike: hala ka, Don! Nagsin-tampororot na si James!

Lyndon: asar naman agad!

Sa Mini-Forest

Galit na sinipa ni Devon ang mga dahon na nada-daan niya.

James: argh!!! Devon! na-saan ka ba?

Nang araw na iyon hindi pumasok si Devon. nagta-tanung na rin siya sa ibang ka-kilala kung bakit hindi pumasok ang dalaga para sa make-up class nila ng araw ng sabado na iyon. Na-taon naman na may praktis sa basketball sina Nav kaya andun ang mga kaibigan ni James kahit walang pasok.

James: ini-iwasan mo ba ako????!!!!!!!! Stupid James!! stupid James!!!!! aaaaaahhh!! Bakit ba ako nag-padala sa emosyon ko?

Samantala sa isang parte ng isang gubat

Kiya: parang wala ka sa sarili mo? May pronlema ba?

Devon: ha?? Kina-kabahan lang ako…

Kiya: echos ka naman!! As if naman yun talaga ang dahilan. Bilisan mo na lang dyan.

Devon: malayo pa ba tayo? Parang isang oras na tayong nagla-lakad eh..

Kiya: patience dear! Oh! Ayun na!

Devon: ang alin? Puno lang ang naki-kita ko.

Dire-diretso si Kiya pa-tungo sa punong nakita ni Devon. at nagulat talaga ang dalaga ng makita na biglang nawala si Kiya ng lumapit ito sa puno.

Devon: a-anu..

Boses ni Kiya: tatayo ka lang ba dyan?

Devon: kiya? Asan ka?

Boses ni Kiya: sumunod ka na lang para malaman mo.

Devon: pero saan ako da-

Boses ni Kiya: saan ba ako dumaan?

Devon: pe-pero..

Boses ni Kiya: wala ng pero-pero. Magku-kusa ka ba o pwe-pwersahin pa kita?

Di pa rin maka-paniwala si Devon sa nasak-sihan. Ilang Segundo lang ang naka-lipas, umihip ang isang malakas na hangin na nagtaboy kay devon patungo sa puno.

Devon: a-anu.. kiya!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

No comments:

Post a Comment