Tuesday, December 28, 2010

Chapter 37-My WitchHeart

James: may problema ba, Devon? bakit tayo nandito?

Devon: masama bang magyaya?

James: eto naman… nagta-taka lang ako. We're three weeks as a couple at ngayon ka lang nag-yaya na lumabas tayo. At ang ganda ng venue natin ha.. park!

Devon: di umuwi na lang tayo!

Akmang tatayo na si Devon mula sa pagkaka-upo ng hilahin siya pa-balik ni James para manatili sa kinau-upuan niya.

James: galit ka naman agad! Sorry! Masaya lang ako! Okay?

Devon: ewan!

James: it's Saturday. Wala ka bang lakad ngayon?

Devon: wala….. break ko muna…

James: break? Saan? May trabaho ka na?

Devon: ha? Break ko………. Sa pag-bisita sa pinsan ko.ahmmmmmm James… can I ask you something?

James: buzz interview ba? Honestly, definitely, Precisely, Accurately, Devon!

Devon: James, I'm being serious here…

James: serious din naman ako sa sinabi ko eh… di ka ba nani-niwala?

Devon: James, do you really love me? Or, your just doing this to prove that kahit sino, pwede mong pa-ibigin?

James: Wha-what? Devon, are you trying to point out something?

Devon: James, mahal mo ba talaga ako?

James: Luna Devon Roque, when I say I love you believe me coz its true. I never felt anything like this for other girls before. Alam kong alam mo na hindi lang ikaw ang babaeng naging parte ng buhay ko, pero nata-tanging ikaw lang ang minahal ko sa unang pagkaka-taon. Bukod sa Mama ko at Lola ko, ikaw lang ang babaeng pinahalagahan ko ng tunay. I never respect anyone as I respect you now. And I can never imagine my life, my future without you by myside! I know it's kinda early to say na tayo hanggang huli. Pero I'll do everything na makakaya ko para manatili ka sa piling ko! I just love you that much that I can do everything just to make you stay by myside forever!

Devon: James, mamahalin mo pa kaya ako, pag-nalaman mo ang totoo? Paano kung hindi ako ang babaeng ini-isip mong ako? Paano kung iba ako sa ina-

James: Devon, kung anu ka pa man, tatanggapin at mamahalin pa rin kita! hindi ganun ka-babaw ang nararamdaman ko para sayo! Isa lang naman ang hinihiling ko, ang pagka-tiwalaan mo ako.

Devon: James I'm a-

"maybe its true that I can't leave without you.."

Devon: excuse me, may tumatawag

James: go on.

Devon: Hello!

Kiya: Don't you ever try na aminin sa boyfriend ang tungkol sayo!

Devon: Kiya? Paano mo nala-

Kiya: your sister told me! Kaya pala hindi ka pumunta dito para mag-train!

Devon: kiya, I need to do this!

Kiya: yes! You can do that, but not now!

Devon: pero kelan pa?

Kiya: kapag kaya mo na siyang ipag-tanggol!

Devon: pero Kiya,

Kiya: no more pero2x! I'll be waiting you here! Bye.

Iyon lang at pinutol na nito ang tawag. Napa-buntong hininga naman si Devon sa sinabi ni Kiya.

Devon: Anu ba yan! Kung kelan may lakas na ako ng loob para sabihin….

James: May problema ba? Sino ang tumawag?

Devon: ha? Si Mama…. Pinapa-uwi na kasi niya ako…

James: Ganun ba? Ahmm… teka may sasabihin ka sakin diba?

Devon: ha? Ahmmmm…. Naka-limutan ko na! sige na James.. kailangan ko ng umuwi.

James: iha-hatid na kita.

Devon: okay lang?

James: para kang others!

Devon: thank you!

Habang nasa loob ng kotse, kapansin-pansin ang pananahimik ni Devon. napuna ito agad ni James dahil hindi naman ganoon dati si Devon. nararamdaman ng binata na may malalim pang dahilan kung bakit kailangang umuwi ni Devon pati ang pananahimik nito. Pero mas piniling wag nang magtanung ni James.

James: hihintayin ko na lang na siya mismo ang mag-sabi sakin.

Bulong ni James sa sarili.

Sa Bahay ng mga Roque

Chrizza: bakit umuwi ka agad? Anung nangyari sa pag-amin mo? Nagalit ba? Na-

Devon: I didn't do it!

Chrizza: bakit?

Devon: tumawag si Kiya!

Chrizza: ha? Pinigilan ka niya?

Tumango lang si Devon bilang kasagutan.

Chrizza: pero bakit niya ginawa iyon?

Devon: hindi pa daw ito ang tamang panahon para sabihin ko ang katotohanan kay James. hindi ko pa daw kayang ipag-tanggol si James.

Chrizza: ipagtanggol? Kanino?

Devon: Izay, alam mo kung sino at anu ang tinutukoy ko at ni Kiya.

Chrizza: anung plano?

Devon: pupunta ako ngayon sa gubat. I need to do a serious training with Kiya. Siguro oag nakita na niya na malaki na ang improvement ko, she will alow me to confess the truth kay James. and maybe by that time, kayak o na siyang protektahan.

Chrizza: Goodluck sis! Sana mas maganda ang ending niyo ni James.

Devon: wala naba talagang pag-asang magkaba-

Chrizza: hindi kami ang issue ngayon. And besides, kung gu-gustuhin naman niya, baka meron. Pero through these years, wala siyang ginawa. At worst pa dun, naging..

Devon/Chrizza: babaero na siya!

Niyakap ni Devon ang kapatid. Don't worry Izay, matapos ko lang itong isipin ko, I'll help sa pag-ayos ng love story mo!

Chrizza: whatever! Sige na! lumakad ka na, hinihintay ka na sigurado ni Kiya. Ingat ha!

Devon: ikaw na alng amg-sabi kay Mama.

Chrizza: alam na niya yun!

Sa Gubat

Kiya: mag-simula na tayo!

Devon: Pasensiya na Kiya.

Kiya: bago ka gumawa ng desisyon, subukan mong hindi lang sa isang tao mag-tanung ng opinion.

Devon: sorry

Kiya: mag-focus ka na lang!

Naging determinado si Devon sa training niya. Kailangang lumakas siya, hindi lang para sa pamilya niya at para sa sarili niya. Kailangan niyang lumakas para kay James. Para ma-protektahan niya ito. Lumipas ang mga araw. Ang mga araw ay naging linggo at ang linggo ay naging buwan. Tama! Isang buwan na rin ang nakakaraan ng mag-simula siyang mag-train kasama si Kiya. Masasabi na ring malaki na ang pinag-bago niya. Tulad nga ng sabi ni Kiya, nalagpasan na niya ang first level. At ngayon ay handa na siya sa mas-komplikado pang pag-sasanay.

Devon: Aaminin ko na kay James ang totoo, Kiya. Alam kong hindi pa ako ganun ka-lakas, pero malaki na ang pinag-bago ko! Sana hayaan mo na akong umamin sa kanya. Kiya?

Kiya: Sa tingin ko naman, pwede mo ng gawin ang gusto mo. Pero mag-iingat ka lang. at wag ka ring masyadong umasang matatanggap ka niya.

Devon: OO! Alam ko iyon. Pero wag na sanang maulit pa ang nangyari sa ate ko sa akin. Sana, mas maging suwerte ako.

No comments:

Post a Comment