Friday, April 8, 2011

Chapter 52-53

Chapter 52-My WitchHeart

Lucy: Mitch, nasaan na si James?

Mitch: nandito na siya.

Lucy: magaling. Ngayon magsi-simula na ang habulan.

Mitch: Lucy, sigurado ka ba dito? I mean, hanggang kalian ang epekto ng pina-inom mong potion kay James? paano kung maka-takas siya sa ginawa mong mundo?

Lucy: malakas ang galit sa puso ni James sa mga oras na ito. mas malakas at makapangyarihan, kesa sa sinasabing pag-ibig na yan.

Mitch: pero paano si James?

Lucy: kapag tapos na siya sa kanyang misyon. Saka ko iba-balik ang katinuan sa isip niya. Sa harap mismo ng kanyang pinakama-mahal na si Devon. na kayang pinatay.

Sa gubat

James: Luna!!! Lumabas ka! Nasaan ka? Bakit mo ginawa iyon sa aking Ina??????!! Lumabas ka!!!!!!

Ang bigat-bigat ng nararamdaman ni James sa mga oras na iyon. Hindi pa rin mawala sa isip niya ag nakitang eksena sa kanilang tahanan kani-kanilang. Kaya naman hindi na niya magawa pang mag-isip kung pa-paano siya naka-punta sa gubat na iyon. Naka-ramdam din ng kirot sa braso si James. doon niya lang napansin ang sugat na hindi naman niya mawari kung saan nanggaling. Ngunit hindi iyon ang importante sa mga oras na iyon. Kailangan niyang makita ang babaeng iyon. Napa-luhod si James sa lupa ng muling ma-alala ang nangyari sa kanilang bahay. Ang dahilan kung bakit ngayon ay tuluyan na siyang ulila. Ang mama na lang niya ang natitirang pamilya sa kanya. Tapos, ganun-ganun lang mawawala!!!!!!!!! Magba-bayad ang babaeng iyon!! Sisiguraduhin niya!!

James: hinding-hindi kita ha-hayaang maka-wala!!!! Luna!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Magpa-kita ka!!!!!!! Wag kang duwag!!!! Anung kasalanan sa iyo ng aking ina para ganunin mo!!!!!!!!!!!!!!!! Hinding-hindi kita mapapa-tawad!!!!!!!!!!!!!!!!

Takbo muli si Devon. paki-ramdam niya may sumusunod sa kanya. Kahit hinang-hina na at namamanhid ang buong katawan pinilit pa rin niyang tumakbo upang maka-layo kahit hindi alam kung saan siya tutungo.

Devon: Mama!!!! Izay!!!!! Asan kayo???? Nata-takot na ako!!!! Tulungan niyo ako!!!!

Piping sigaw ni Devon!!!! alam niyang konting ingay lang niya, ay masusundan na siya ng mga taong iyon. Kahit itsura ng kanyang abuela ang nakikita niya, alam niya sa puso niya, na pisikal na anyo lang nito ang katulad ng kanyang lola. Maaring gawa ito ng mahika!!! A-alamin niya iyon oras na maka-alis siya sa lugar na iyon.

Devon: nasaan ba talaga ako??? Teka lang, baka ilusyon lang ito!!! tama!!! Isang ilusyon!! Pero paano ako makaka-alis dito??? wala namang itinuro sa akin si Kiya tungkol sa ganitong trick! Naku naman!!!!!! Haizst!!!! Aww!!!! Ang dami ko na pa lang sugat. Para na akong nag-ligo sa dugo!! Grabe!! Sige Luna Devon!! ka-usapin mo pa ang sarili mo!!! Kailangan ko ng maka-alis dito!! pero paano? Saan???

Real world

Chrizza: Kiya, paano natin makikita kung nasaan si Devon? baka kung anu na ang nangyayari sa kanya!!! Wala siyang ganung alam sa mga mahika!! Kiya?

Kiya: kailangan muna nating malaman ang punot-dulo ng lahat ng ito!! kung sino ang nasa likod ng pag-kilos na ginawa at ang dahilan. Dahil kung hindi, baka ilagay lang natin lalo ang buhay ni Devon.

Apong: may nala-laman ka ba, Kiya?

Kiya: malakas ang kutob ko, maaring sila ang may kaga-gawan nito!

Selena: sila??? Sinong sila??

Kiya: ang magka-kapatid na Celeres!! Ang kasalukuyang namu-muno sa angkan ng mga Celeres. Minsan ko na silang nakita at alam kong may kaka-iba sa kanila!!! Apong sigurado po ba talaga kayo na walng nakaka-alam ng tungkol sa nasa loob ng katawan ni Devon bilang huling sangkap para sa pinagba-bawal na potion na iyon?

Apong: sini-sigurado ko iyon! Wala! Tanging ang mga matatanda lang ng angkan at ang ina ni Selena ang nakaka-alam.

Kiya: sigurado po ba kayo na walang nag-traydor sa inyong lupon?

Apong: hi---hindi ko alam!!! Wala akong alam!!!

Selena: Kiya!! Saan ka pupunta?

Kiya: may ga-gawin lang ako!!!

Chrizza: kailangan mo ba ng kasama?

Kiya: pwede din..

Chrizza: Ma, samahan ko muna si Kiya.

Selena; Sige, mag-ingat kayo.

Kiya: ikaw ang mag-ingat Selena. Wag kang papa-linlang sa mga naki-kita ng iyong mga mata.

Selena: A-anung?..................

Leal Residence

Nav: Tita!!!

Mrs. Leal: Nav!!!! Ijo!!! Si James,,.. ang pinsan mo,,,

Nav: Tita, calm down!! Tell me, what really happen?

Mrs. Leal: nawawala si James!!!!

Nav: paano po?? I mean, diba po sabi niyo inwan niyo lang siya sa kwarto niya dahil nga nahilo siya? Tapos hindi niyo naman siya ankitang lumabas at wala rin namang naka-kita sa kanyang lumabas!!!

Mrs. Leal: yun na nga ang problema!!! Ijo, natatakot ako para sa anak ko!! Baka kung sino na ang kumuha sa kanya!!! Paano kung may ma---

Nav: Tita!!! Please,….. tumawag na po ba kayo ng pulis??? Bakit wala pa po sila dito??

Mrs. Leal: hindi sila makaka-tulong!!! Wala silang mai-tutulong!!!!

Nav: po?? Pero, kai----

Mrs. Leal: ma!!!!

Lola ni James: Anung nangyari dito?

Nav: lola??? Anu pong gina-gawa niyo dito?? teka?? Paa----

Lola ni James: Ijo!!!! Ahmmm…. Mamaya na lang ako magpapa-liwanag… Anak, anu bang nangyari dito??? at bakit biglang mawawala si James???

Mrs. Leal: bigla na lang po kasing nahilo si James after niyang uminom nung nasa basong juice. Then we brought him sa room niya. Lumabas lang kami para tumawag ng doctor at para rin sabihan ang mga bisita na kung maari na umuwi na sila dahil unexpected happened. Then when we came back, he's no longer on his room!! Ma!! what am I going to do??

Lola ni James: calm down ija. I've just called someone na maaring maka-tulong satin.

Mrs. Leal: who? Ma? can't we solve this on our own?? Bala gusto lang nila ng pera? Im ready to give them the amount they want!!! Kahit magkano!!!

Lola ni James: Anak, you know yourself, na hindi ito tulad ng kidnapping na ini-isip mo.

Mrs. Leal: No!!! Ma!!! hindi pwede!! Hindi ako papayag!!! I've done everything para hindi mangyari ang sinabi sa hula tungkol sa anak ko!!! Umalis kami dito!! lumayo na kami!! Nagsakripisyo na ang aking asawa upang ma-ilayo sa kapahamakan ang anak ko!!! Hindi!! Hindi ako papayag!!!!

Nav: Ahmm.. Tita??? Wala po akong maintindihan.. baka po may gusto kayong ipaliwanag!!!! Bakit po parang may ideya na kayo sa kung bakit ito nangyayari?? Lola??

Lola ni James: Nav, ijo. Our family, is not normal like what you think it is!!! To be exact, we're not normal!!!

Nav: po?? Mas lalo po yatang gumulo!!!

Kiya: Lurdes!!! Kumusta??

Lola ni James: Kiya!!! Mabuti at naka-rating ka!!!

Kiya: alam mo namang hindi kita matatanggihan.. so, an--??? Ikaw??? Anung gina-gawa mo dito??

Chrizza: Kiya, sigurado ka bang okay lang i-iwan ang wa---- Nav? Anung??

Nav: Iz!!! Bakit kayo nandito?

Lurdes: magka-kilala kayo?

Nav: She's my girlfriend Lola. Venus Chrizza Roque.

Chrizza: Lola Lurdes!! Kumusta po kayo?

Lurdes: its nice to see you again ija!!

Nav: magka-kilala kayo?

Lurdes: Yes!!! Apo siya ng matalik kong kaibigan.

Kiya: Lurdes bakit mo ako ipinatawag?

Lurdes: kailangan ko ng tulong mo, nawawala ang aking apo!


 


 

Chapter 53-My WitchHeart

Kiya: ang ibig mong sabihin, dating kasintahan ni Devon ang apo ni Lurdes? Tama ba ang pagkaka-intindi ko, Chrizza?

Chrizza: OO!!! Pero, nitong huli mukhang may hindi sila pagkaka-intindihan ni James.

Nav: at doon na nga pumasok sa eksena si Mitch, ang current girlfriend ni James.

Kiya: ang Mitch is a witch. A witch from the clan of the Celeres. At classmate siya ni Devon, together with her other sisters. You even say na, masyadong biglaan ang pagbe-break nina Devon at ang pakikipag-mabutihan ni James kay Mitch. And Nav, ang sabi mo may kaka-iba sa kini-kilos ni James sa harap ni Devon?

Nav: yes!! As if bang hindi sila magka-kilala. Masyadong malamig ang pakiki-tungo niya kay Devon. as far as I know, nagse-selos siya sa isang close friend ni Devon. I convinced him to talk with Devon to clarify everything about her and his friend. Akala ko okay na, pero mali!!! Kabaliktaran ang nangyari. Nagulat na algn ako ng malaman ko na sila na ni Mitch! At akhit ang pakikitungo niya kay Devon bigla na lang nag-bago, pati yung birthday ni Devon naging big deal sa kanya. Dahil hindi kami makaka-attend ng birthday party niya. Sinisisi pa niya si Devon.

Kiya: Mrs. Leal, pwede ko po bang makita yung baso na ginamit ng anak niyo sa pag-inom ng juice?

Mrs. Leal: Naku!!! Hindi na pwede. Naitapon na ng katulong naming kanina. Bakit?

Kiya: maari kasing maka-tulong sa atin ang bagay na iyon!! Baka iyon ang mag-linaw ng dahilan kung bakit nahilo ang anak niyo.

Chrizza: Ahmmm.. Kiya, anu kasi.. ahmmmm.. baka mauna na ako, kailangan pa ako ni Mama. Siguro..

Kiya: sandal lang Chrizza. Ahmm.. Mrs. Leal nasaan po si Mitch ng mga oras na nangyari iyong pagka-hilo sa anak niyo?

Mrs. Leal: si Mitch? Nakita ko siya sa kusina, kasama ng……….. anak ko…… and……..

Kiya: and what Madam?

Mrs. Leal: Oh My!!!!! Possible kayang may kinalaman dito ang babaeng iyon?

Nav: po? Tita? What are you talking about?

Mrs. Leal: basta-basta na lang kasi siyang umalis ng makita ko siya sa kusina kasama ang anak ko. Then right after na umalis siya, doon na naka-ramdam ng di maganda si James. then yun nga nahilo na siya!!

Nav: excuse me po. I-inom lang po ako.

Lurdes: sige ijo.

Chrizza: Nawawala si James at nawawala din si Devon. kiya, maari kayang may…

Kiya: Malaki ang posibilidad na iisa lang ang nasa likod ng lahat ng ito!

Lurdes: Kiya, ito bang tinutukoy niyong Devon, siya ba ang nasasabing papalit sa pwesto at bagong mamumuno sa lahat ng angkan ng mga mangku-kulam?

Kiya: oo siya na nga!!! Bakit Lurdes?

Lurdes: masama ito kung ganun!! Pareho silang nawawala. Si James at Devon.

Chrizza: ano pong ibig niyong sabihin?

Nav: Excuse me, kailangan niyong makita ito! sumunod po kayo sa akin!

Hindi na nag-tanung pa at kusa ng sumunod ang mga naroroon sa binata. Sa study room sila dinala ng binata.

Lurdes: anu ba ang ginagawa natin dito?

Sa halip na sumagot ay, binuksan ni Nav ang pinot ng lugar. At ganun na lang ang kilabot na naramdaman ng mga naroroon. Punong-puno ng dugo ang lugar! Sira-sira din ang mga gamit doon. Basag ang bintana, naka-taob ang ilang gamit at wala sa ayos ang buong kwarto.

Mrs. Leal: anung nangyari dito?

Chrizza: Nav, saan ka pu—

Nav: pumasok po kayo.

Nag-alinlangan ang mga ito maging si Kiya na pumasok. Ngunit napilit din ang mga ito ng binata. At parang isang laro. Biglang nawala sa paningin nila ang kahindik-hindik na itsura ng lugar. Sa halip, nagbalik ito sa isang maayos na kwarto. Hindi na muling basag ang bintana. Nasa maayos ng pwesto ang mga kagamitan. At higit sa lahat nawala na ang mga nag-kalat na dugo sa buong lugar.

Lurdes: anung ibig sabihin nito?

Kiya: paano mo ito nakita?

Nav: galing ako sa kusina, babalik n asana ako ng bigla akong maka-rinig ng ingay mula dito. parang mga boses. Noong una nagulat din ako. Pero parang may pwersang nag-tulak sa akin para pumasok at ganito nga ang nang-yari. Iba ang itsura ng kwartong ito kapag nasa labas ka at kapag nasa loob ka nito.

"Tulong!!!! Tulungan niyo ako!!"

Chrizza: Devon!! boses ng kapatid ko iyon!!!

"Tulong!!!! Tulungan niyo ako!!"

Chrizza: Oh my!!! Devon!!!!!!!!!!!!!!!!!! nasaan ka????

"Izay, ikaw ba yan?? Nasaan ka??? Tulungan mo ako!!!!"

Chrizza: Diyos ko!! Kapatid ko nga!!! Kapatid ko!!!

Lurdes: kiya? Hindi kaya?

Kiya: lurdes, ito na siguro ang tamang panahon para sabihin mo sa amin ang iba mo pang nalalaman tungkol sa potion ng pagiging immortal!! ang impormasyong alam ko tungkol dito ay kulang pa. tanging ang mga matatanda lang ang nakaka-alam nito.

Chrizza: Kiya? Anung ibig mong sabihin??

Kiya: unti-unti ng nagtu-tugma ang mga nangya-yari. Mula sa pagka-wala ni Devon, sa pagka-wala ni James.

Lurdes; kung hindi ako nagkaka-mali, maaring alam niyo na , na mayroong ika-labintatlong sangkap ang potion na iyon. At ito ay matatagpuan sa puso ng iyong kapatid at ito ay matagal ng nabasa sa kapalaran ng iyong kapatid.

Mrs. Leal: kung ganun! Ang lahat ng ito ay tungkol sa potion ng imortalidad at ang ika-labintatlong sangkap. Ngunit, anung kina-laman ng anak ko rito?

Lurdes: alam mo siguro na si James bilang huling henerasyon sa ating angkan ay naka-takdang makipag-isa sa natatanging mangku-kulam na siyang bagong mamu-muno sa lahat ng angkan ng mga mangku-kulam. Ka-kabit ng tadhana niyang ito ay ang katotohanang siya rin ang maaring maka-kuha ng ika-labintatlong sangkap ng kina-kailangan para mabuo ang potion ng imortalidad. Na sa mga oras na ito ay nasa loob ng katawan ni Devon.

Nav: ang ibig sabihin, naka-takda na itong mangyari??

Lurdes: hindi!!! Ang nangya-yari ngayon ay hindi naka-takda. Ito ay gawa ng mga maka-sariling nilalang. Oo, tanging si James lang ang makaka-kuha ng sangkap na iyon. Ngunit hindi na niya kailangan pang pumatay. Dahil kusa itong napu-punta sa kamay ng magi-ingat nito. At siya na ang magde-desisyon kung gusto niya itong itago o ibalik sa pinanggalingan nito. Kaya nga nagpasalin-salin ang ika-labintatlong sangkap. mas pinili na itago ito sa loob ng katawan ng isang espesyal na mangku-kulam upang hindi magamit sa kasamaan. At dahil sa pagsalin-salin nito, walang nakaka-alam kung sino ang may hawak nito at kahit an gang taong nagta-taglay nito sa kanyang katawan ay hindi rin alam na nasasa-kanya na ang sangkap na ito. kaya naman na-natiling ligtas ito mula sa mga nagna-nais na makuha ito. hanggang sa mabasa nga ang kapalaran ng isang bagong silang na sanggol. Bukod sa, siya ang susunod na pinuno nasa sa kanya rin ang ika-labintatlong sangkap.

Chrizza: ang pagta-tagpo nina James at ng kapatid ko? Kasam ba ito sa kapalaran nila?

Lurdes: hindi natin iyan masasabi. Maaring OO maari ring hindi. Na sadya lang silang nilalang para sa isat-isa hindi dahil pareho silang mangku-kulam kundi upang mag-mahalan.


 


 


 

3 comments:

  1. clap clap clap! 2 thumbs up po ako story niyo ate. galing niyo po gumawa. super duper excitedna ko sa nxt chap. kahit bitin siya nkakaexcite yung susunod. maraming twist ang pwede mganap sa nxt chap. Tc alyways and God BLess po. :)

    ReplyDelete
  2. ang galing,.,.,.,.,. bitin nga lng ehheheh

    ReplyDelete