Sunday, March 27, 2011

Chapter 50-51

Chapter 50-My WitchHeart

James: hey! Luna right?

Luna: anung kailangan mo?

James: wala!

Luna: eh, anung ginagawa mo dito?

James: sa pagkaka-alam ko bahay ko ito. eh ikaw?

Luna: wag kang mag-alala, aalis din kami dito.

James: meron ka ba?

Luna: bastos!!!!!

James: huh? Anung bastos sa tanung ko? Tinatanung ko lang kong meron ka! Kung meron kang problema at parang lagi kang galit sa mundo, lalo na sa AKIN.

Luna: eh anu ba ang paki-alam mo?

James: meron! Dahil, hindi ako sanay na may nang i-isnab sa akin. Lalo na kung wala akong gina-gawang masama. Hindi mo naman ako kilala. At hindi rin kita kilala. So siguradoa kong hinid kita inagrabyado or something na ikaka-galit mo. O di kaya……………..

Luna: oh bakit ganyan ka maka-tingin?

James: hindi kaya, paraan mo lang yan para mapansin kita?

Luna: hoy lalaki! Anung akala mo sa akin pa-pansin?

James: hindi ba?

Luna: aaaaaarrgghghhg!!!!! Ewan ko sayo!

Dali-dali itong umalis.

James: asar talo!!!!!

Mrs.leal: james! sinong sinisigawan mo diyan?

James: wala naman po Ma. oh, bakit ganyan ang itsura ng maganda kong mama?

Mrs. Leal: James, gusto mo bang bumisita sa Lola mo sa Pampanga? Matagal-tagal ka naring hindi nakaka-punta doon? Name-miss ka na siguro ni Mama.

James: bakit naman po biglaan ang pag-punta ko doon?

Mrs. Leal: kasi, tumawag si mama, nami-miss ka na daw niya. Baka daw pwede ka bumisita doon, lalo na ngayong malapit na ang kaarawan mo.

James: hmmmmmmmmmmmmmm… si Lola talaga, naglalambing na naman… sige po, siguro.. this coming Saturday. Sama ka ba Ma?

Mrs. Leal: ha??? Hindi ako makaka-sama, alam mo naman ako ang anga-asikaso sa kompanya. So ikaw na lang anak.

James: Ma, may gusto ka bang sabihin sa akin?

Mrs. Leal: ha? Wala naman. Naku, para ka namang paranoid niyan anak. Kumain na lang tayo ng hapunan mabuti pa.

James: I love you mama!!! Sobra!!!!!!!!!!!!!!!

Mrs. Leal: I love you more ANAK!!! Ikaw ang pinaka-mahalaga sa anu pa mang bagay dito sa mundo.

Mrs. Leal: naman!!!! Ang drama queen ng mama ko! Kumain na nga po tayo!

Roque's Residence

Chrizza: Ma, si Von? Hina-hanap siya ng mga bisita niya ah.

Selena: nasa labas. Paki-tingnan nga at kanina pa yun.

Sa labas

Chrizza: Von! Von! Asan ka. Kanina ka pa hina-hanap sa loob. Anu bang gina-gawa mo? Von?

Namanhid ang buong katawan ni Chrizza sa nakita niya sa likod bahay nila. Walang boses na lumalabas mula sa kanya.

Chrizza: De------von……….

Halos parang bulong lang ang luma-labas mula sa lalamunan ng dalaga.

Chrizza: De------

Nav: Iz!! Nandito ka lang pala, kanina pa kita hina-hanap. Anung gi----

Chrizza: Na-----av…. Si………….

Dinalawang hakbang ni NAv ang natitirang distansiya nila ng kasintahan. Ma-agap niyang nasalo ang dalaga bago ito tuluyang matumba sa lupa.

Nav: anung nangyari dito?

Chrizza: hi---hindi ko alam…

Tuluyan ng napahagulgol si Chrizza. Hindi naman malaman ni Nav kung pa-paano mapapa-tigil ang kasintahan. Nara-ramdaman niya ang kilig ng katawan nito dahil sa takot. Maging siya ay nata-takot rin sa nakikita. Dugo! Nag-kalat na dugo ang makikita sa buong lugar na iyon. Naroon ang ilang piraso mula sa damit ni Devon na suot-suot nito kanina.

Selena: Izay, anu ba? Kanina ka pa dyan! si Devon nakita mo na ba? Chrizza? Anu---------------

Chrizza: ma!!!!!!!!!!!!!!!!!

Selena: Anung????? Ib-----ig sabihin nito??? Ang kapatid mo????

Pina-uwi nina Nav isa-isa ang mga bisita bago pa makita ang nakaka-gimbal na sitwasyong iyon. Si Chrizza at ang mama nito ay nasa kwarto ng magkapatid. Pawing mga tulala at umi-iyak. Wala mang ideya sa nangya-yari, mas pinili ni Nav at ng mga kaibigan niyang manahimik na muna. Ngunit ang mga dugong iyon. Maari kayang kay Devon iyon? Ngunit sino ang gagawang bagay na iyon sa dalaga? Wala silang napakinggan na anumang inyag mula sa labas. Kaya nakapagta-taka kung pa-paano nangyari ang bagay na iyon.

Nav: Iz, tita. Naka-uwi na po ang mga bisita. Sina Mike na po ang nag a-ayos ng lahat ng dekorasyon. May gusto ba kayong inumin?

Chrizza: Nav, anung nangya-yari? Bakit nangya-yari ito?

Umi-iyak na saad ni Chrizza. Agad itong nilapita ni Nav at niyakap. Ramdam niya ang bigat na dina-dala ng dalaga. Ang ina naman nito ay naka-tulala lang habang tumutulo ang mga luha. Lubha itong nabigla sa nakita lalo na sa importanteng araw na ito pa nangyari ang bagay na iyon.

Apong: mag-bihis kayong mag-ina. May pupuntahan tayo.

Selena: Apong!

Apong: tulad ng sinabi ko sa iyo, Selena. Nangya-yari na ang naa-ayon sa hula tungkol sa iyong anak.

Selena: pero apong!!!!!!

Apong: wala na tayong oras Selena, nangyari na! hindi na natin ito pwedeng baguhin. Pero ma-aari natin itong pigilan. Bago pa tuluyang malunod sa kadiliman ang iyong anak.

Chrizza: Apong, alam niyo po ba ang nangyari sa kapatid ko? At nasaan po siya ngayon?

Apong: nasa lugar siya ng ilusiyon at katotohanan.

Selena: ilusiyon? Katotohanan?

Apong: isang lugar na dalawang tao pa lang ang nakaka-punta. Ang iyong ina, at ang iyong anak. Naka-labas ang iyong ina sa mundong iyon. Sa tulong na rin ng anking niyang ka-alaman sa mahika. Ngunit para sa iyong anak. Mahihirapan siya. Lalo na at sa mga oras na ito, hindi lang tadhana ang kalaban niya. Maging ang galit na nagmu-mula sa puso.

Chrizza: galit? Puso? Kanino?

Apong: hindi ko rin alam. Kaya kung maaari, sumama na kayo sa akin.

Nav: sasama po ako.

Selena: dito ka na lang iho. Masyadong mapanganib.

Apong: hayaan mo siyang sumama.

Chrizza: pero Apong!

Apong: alam niya ang tunay mong pagka-tao, isang tunay na pag-ibig na kahit ang pinaka-malakas na sumpa ay hindi kayang sugpuin.

Leal residence

James: Ma, sigurado ka bang ayaw mong sumama?

Mrs. Leal: James, pa-alis ka na at lahat, yan pa rin ang tina-tanung mo.

James: fine! Fine! Ta-tawag po ako agad kapag nasa stasyon na ako.

Mrs. Leal: hindi ka obligadond tumawag sa akin oras-oras. Sige na! enjoy and have a safe trip anak! I love you!!!!!

James: ma, naman! Wag ka umiyak. Pampanga lang ako pupunta. Hindi pa ako mag-aasawa. Okay?

Mrs. Leal: siya sige! Lumakad ka na! baka abutin ka pa ng gabi sa daan.

James: bye Ma!

Lumingon muli si James sa kanilang bahay, bago tuluyang pa-andarin ang sasakyan. Nasa kalagitnaan na siya ng byahe ng ma-alala niyang i-check ang pitaka sa bag.

James: naku naman!!! James Anthony! Anung balak mo? Languyin ang Pampanga?

Kaya naman, nagma-daling bumlik si James sa bahay nila.

James: patay ako nito sa Mama. Tsktsktsk……. Masyado pa akong bata para maging makaka-limutin.

Malapit na si James sa knilang bahay ng maka-ramdam siya ng kaka-ibang kaba sa dibdib. At habang papa-lapit siya ay lalo pang lumalakas ang kaba niya sa dibdib. Nakita niyang bukas ang ilaw sa kanilang bahay. Alas-onse na ng gabi. Maaring papa-tulog pa lang ang mga katulong sa bahay nila. Dali-dali siyang pumasok sa bahay nila. Ngunit sa pintuan pa lang ay, hindi na maka-paniwala si James sa nakita. Nag-kalat ang dugo sa harapan ng kanilang bahay. At ang dugong iyon ay nangga-galing sa dalawang patay na tao sa harapan niya. Hindi na niya nagawa pang mag-react sa nakita. Dali-dali siyang pumasok sa kanilang bahay. At una niyagn hinanap ang kanyang ina. Ilan pang nag-kalat na bangkay ng mga kasambahay nila ang nakita niya sa loob ng bahay. Ngunit hindi na niya ito binigyang pansin. Mula sa study room ay naka-rinig ng malakas ng ingay si James. boses iyon ng kanyang ina.

James: Ma!!!!!!!!!!!!!

Nangi-nginig na binuksan ni James ang pinto. Malamlam na liwanag ang sumalubong sa kanyang mga mata. Mula sa malamlam na liwanag, nahagip niya ang isang pigura na naka-upo sa isa sa mga sofa sa kwartong iyon.

James: Ma…..???

Isang nakaka-kilabot na mga mata ang sumalubong kay James. sa di mawaring dahilan ay bumukas ang ilaw sa kwartong iyon. Na naging dahilan para makita ni James ang kahindik-hindik na senaryong iyon. Ang kanyang ina, ay naka-upo sa sofa. Ngunit walang buhay. nag-kalat ang dugo nito sa buong kwarto. Nakita niya ang butas sa tapat ng dibdib nito. Isang kaluskos ang nagpa-baling kay James sa kanyang kanan. Doon niya nakita ang isang babae. Naka-talikod ito sa kanya. Duguan din ito. lalapitan niya sana ito ng bigla itong lumingon sa kanya. Ganun na lang ang gulat niya ng makita niya ito.

James: Luna!

Ngunit di tulad ng Luna na lagi niyang nakikita. Ang mga mata nito ay puno ng kadiliman. Mula sa bibig nito ay dumadaliy ang masaganang dugo. Ngunit ang lalong nagpa-gimbal sa kanya ay ng makita ang hawak nito. ANG PUSO NG KANYANG INA!

Luna: Ja--------mes………….

James: An------------nung ginawa mo???????

Dahan-dahang humakbang si James palapit sa dalaga. May nagbago sa mga mata nito. Ngunit hindi na niya iyon pinansin pa. ngunit habang palapit siya dito ay yun namang para lalong lumalayo ang distansiya niya mula dito. hanggang sa unti-unting nawawala na ito sa kanyang paningin. Pilit pa rin niyang hinabol ito hanggang mapadpad siya sa isang luagr na mukhang pamilyar sa kanya. Isang gubat.

Chapter 51-My WitchHeart

Lakad-takbo ang gina-gawa ni devon. hindi niya alam kung kalian siya nag-simulang tumakbo. Basta ang alam niya. Kailangan niyang maka-layo sa humahabol sa kanya. Isang lalaki ang huma-habol sa kanya. Nagu-gluhan pa rin si devon kung papa-ano siya nakarating sa gubat na iyon. Ang alam niya ay, ka-usap niya ang kanyang abuela. Tama! Masayng ka-usap pa niya ang kanyang Lola sa likod-bahay nila. Nagulat siya ng makita ang Lola dahil alam niyang matagal na itong yumao. Ngunit ayun dito, sinadya talaga siya nito mula sa kabilang buhay para makita sa mahalagang araw na iyon. Hindi na siya ang-tanung pa, napuno ng labis na saya ang kalooban niya sa pagka-kita sa abuela. Nagta-tawanan pa sila nito ng biglang may aramdaman siyang sakit mula sa kanyang balikat. Nang hawakan niya ang sumasakit na bahagi ng katawan. Ganun na alng ang gulat niya ng makita ang dugo sa kanyang mga kamay. Nang linunin niya kung sino ang gumawa niyon sa kanya, isang lalaking naka-itim ang tumambad sa kanyang harapan. Tatakbo sana siya para humingi ng tulog, ng biglang may humablot sa magka-bila niyang kamay. Ang Lola niya.

Devon: Nay? Ba---bakit?

Nakita ni Devon papa-lapit ng papalapit pa ng papalapit ang lalaki. Pinilit niyang maka-wala. Nag-tagumpay naman siya ngunit napunit ang ilang pirasa ng kanyang damit dahil sa higpit ng pagkaka-kapit sa kanya. Tumakbot siya ng tumakbo hanggang marating niya ang lugar na kinala-lagyan niya sa mga oras na iyon. Wala ng lumalabas na luha mula sa mga mata ni Devon. namanhid na rin ang paki-ramdam ng kanyang buong katawan mula sa sakit na dulot ng sugat na tinamo niya kanina. Isa lang ang nais niya sa mga oras na iyon. At iyon ang maka-alis sa lugar na iyon.

Devon: Mama!!!!!! Izay!!!!! Asan kayo???????

8888888888888888888888

Selena: apong, anu po ang gagawin natin sa mga piraso ng damit ng aking anak?

Apong: makaka-tulog ito para makita natin ang nangyari sa kanya. At kung maaari ay makita kung asan siya sa mga oras na ito. Selena, nararamdaman kong hindi mabuti ang kalagayan ng iyong anak sa mga oras na ito.

Chrizza: apong, tulungan niyo po kami!

Apong iyon ang gagawin naming ija. Nangako kami sa iyong ina Selena, na anu mana ng mangyari sa hina-harap, tutulong at tutulong kami sa abot n gaming makakaya. Para mai-ligtas ang iyong anak. Maging kapalit man nito an gaming mga buhay.

Sa isang malaking kawa, inilagay ang mga piraso ng damit ni Devon. pinalibutan iyon ng ilan pang mga naroroon kasama si Apong. Katahimikan ang bumalot sa lugar na iyon. At maya-maya lang ay nagsimula ng bumigkas si Apong at ang iba pang naro-roon ng mga salitang hindi abot ng ka-alaman ng tao. Umihip ang isang napaka-lakas na hangin. ngunit hindi nito natinag ang buong lupon na naro-roon.

Chrizza: Ma, natatakot ako.

Selena: manalig lang tayo, maa-ayos din ang lahat.

Maya-maya pa ay, isang makapal na usok ang nag-mula sa kawa. Nagkaroon ng mga imahe sa usok na iyon. Noong una ay hindi maliwaang ang mga imahe na nakikita. Ngunit ilang saglit lang, naging malinaw ang lahat. At ganun na lang ang pagka-bigla ng lahat ng naka-saksi sa nasabing mga imahe na ipinakita sa mga usok na iyon.

Nanghi-hinang napa-upo si Selena sa lupa.

Selena: Mama? Ngunit bakit?

Apong: ngayong, malinaw na kung bakit, nawawala ang labi ng iyong ina Selena. Naka-plano ang lahat. At ginamit nila ang nakuha nilang labi upang gawing pain para sa iyong anak. Sa mga oras na ito, lalong dapat nating makita at malaman ang kinaro-roonana ng iyong anak.

Selena: sinong gumawa nito? Anung kailangan nila sa aking anak?

Kiya: ang kanyang puso!

Chrizza: Kiya! Anung ginagawa mo dito?

Kiya: kumusta pipz!!! Apong!

Apong: Buti naman at naka-punta ka, Kiya!

Selena: Anung sinasabi mong puso?

Kiya: kung hindi ako nagka-kamali ang mga Celeres ang may kaga-gawan sa lahat ng nangya-yari ngayon.

Chrizza: Celeres?

Kiya: OO! Apong, naa-alala mo po ba ang ipinagba-bawal na potion nating mga mangkukulam?

Apong: ang potion ng pagiging immortal. Ang buhay na walang hanggan. Ngunit matagal ng sinunog ang mga dokumento ukol doon! At ang mga Celeres, hindi maaring magka-roon sila ng impormasyon tungkol doon!

Kiya: Dati ng naging myembro ng pulong ang ilang miyembro ng pamilya ng mga Celeres. Kahit pa sumumpa sila ng katapatan sa pamumuno ng iyong ina Selena, iba pa rin ang kapamilya. Maaring sa likod ng mga ipinapa-kita nilang katapatan, ay ang ka-trayduran sa ating mga batas at higit na katapatan para sa kanilang angkan.

Selena: sandali! Anung kinalaman ng aking anak sa potion na ito? kahit pa sabihin niyong na-ayon sa kapalaran na aking ina ang kapalaran ni Devon. wala na naman akong naa-alala na may kinalaman si Ina sa potion na iyon.

Apong: kung hindi ako nagkaka-mali merong sampung ingredients para maka-gawa ng potion na iyon. Ngunit puro parte ng halaman at hayop lang ang mga iyon.

Kiya: nagkaka-mali po kayo Apong.

Apong: Anung ibig mong sabihin, Kiya?

Kiya: na-ikwento po sa aking ng dating pinuno na may ika-labing isang ingredients ang potion na iyon.

Selena: ika-labing isa?

Kiya: oo! At iyon ay nasa loob ng inyong anak.

Selena: anu? Teka, hindi kita maintindihan.

Kiya: hindi ba't isinugod niyo sa ospital noong nakaraang araw si Devon? dahil sa may tipos siya. Ngunit ayon sa obserbasyon ng mga doctor, may iba pa silang nakitang kaka-iba sa anak mo. Na may naka-bara sa kanyang puso.

Chrizza: Ma? anung sinasabi ni Kiya? Bakit wala akong alam tungkol doon?

Kiya: hindi yan ang importante ngayon Chrizza. Tama ako sa mga sinabi ko diba, Selena?

Selena: pero paano mo nalaman ang mga iyon?

Kiya: an gang itinakda upang mag-bantay ng iyong Ina kay Devon. at tungkulin ko ang alagaan at protektahan siya mula sa mga kaaway. Ngunit mukhang nabigo ako sa tungkulin ko ng mangyari ang mga ito.

Selena: Teka, eh anung tungkol sa puso ng anak ko?

Kiya: simula ng ipa-nganak si Devon, meron ng naka-tanim na bato sa puso niya. Ito ang hina-hanap ng ika-labing isang sangkap para sa potion na iyon. Ngunit sa oras ng makuha nila ang batong iyon sa puso ni Devon, magiging sanhi ito ng kanyang kamatayan.

Selena: Hindi!!! Hin-----di…. Hindi ito maari!!! Ang anak ko!

Chrizza: wala ba tayong pwedeng gawin? Para iligtas ang kapatid ko?

Kiya: sa mga oras na ito, nasa mundo siya ng ilusiyon at katotohanan. Tanging ang sarili niya lang ang makaka-tulong sa kanya sa mga oras na ito.

Chrizza: pero…. Wala ba tayong pwedeng gawin? Para matulongan ang kapatid ko?

Nav: Iz, aalis lang ako! May nangyari sa bahay nina James!

Chrizza: anu daw?

Nav: nawawala si James. bigla daw kasing nahilo si James nung dalhin nila sa kwarto, iniwan muna ni tita sandal para tumawag ng doctor, ngunit pag-balik nila doon. Wala na si James. hindi naman pwedeng lumabas ng bahay si James na hindi mapapansin ng gwardiya o kahit sin sa bahay nila. Nag-aalala na si tita.

Kiya: si James ang kasintahan ni Devon hindi ba?

Nav: OO! Paano mo nalaman?

Kiya: I have my sources. Bakit naman biglang mawawala ang James na iyon?

Nav: hindi rin iyon malaman kung bakit. Mauna na muna ako. Pasensiya na po, hindi po muna ako makaka-tulong dito.

Kiya: Sandali lang, mangku-kulam ka rin ba?

Nav: ha? Hi-hindi po.

Kiya: so Bakit nandito ka?

Chrizza: boyfriend ko siya!

Nav: mauna na po ako!

6 comments:

  1. HUWAAH!!
    Exciting..next chap Ate Zephy :)

    ReplyDelete
  2. omgggggggggg exciting ang mga susunod na chap

    ReplyDelete
  3. nxt chapter n plz...

    grabe hndi q n mhintay ang nxt n pngyayari,!!

    ReplyDelete
  4. salamat po sa mga comment niyo... hhehehehhe..... salamat sa pagsubaybay.. ^_^

    ReplyDelete
  5. sana may next chapter na!! super bitin....

    hindi ba alam ni Nav na may lahing mangkukulam din cl james??

    ReplyDelete
  6. ..kailan po next chapter?..excited much na akech!..haha..

    ReplyDelete