Friday, March 11, 2011

Chapter 45-46

Chapter 45-My WitchHeart
Mike: Little Devz!!!!! Goodmorning!!!!
Devon: Goodmorning din!! Eto nga pala!!!!
Lyndon: invitation?
Sherwin: uy!!! Invited kami sa birthday mo????nakka-iyak naman!!!!
Mike: bakit tatlo lang ito? how about Nav and James?
Devon: ahmmm… si ate na ang nag-bigay ng para kay Nav.. at yung para kay James..
Lyndon: don’t worry.. we know it.. nakita ko siya sa mini-forest kani-kanina lang.. doon mo siya puntahan. Baka andun pa yun!
Devon: salamat!
Sherwin: at sana.. ipa-birthday niyo na sa isa’t-isa na sana ay magka-bati na kayong dalawa!
Devon: alam ko… sige mauna na ako sa inyo!!!!!!!!!!!!! Punta kayo ha!!!
Mike: pwede ba kahit walang regalo?
Devon: hindi pwede!!! May gate passes!!! Hehhehe… biro lang!!!
Lyndon: wag niyo ng kulitin pa si Little Devz… sige na… wag mo ng pansinin itong dalawang ito… mag-madali ka na.. at baka hindi mo ma-abutan yun..
Nag-paalam na si Devon sa tatlong kaibigan. Ramdam ni Devon ang bilis ng tibok ng puso niya habang tina-tahak ang daan patungo sa kinaro-roonan ni James. talagang natiis siya ng binata. Pero hindi tulad nito, hindi niya kayang tikisin ang binata. Napag-desisyunan niyang siya na ang sumuyo dito. ilang hakbang na lang at natatanaw na niya ang binata. Naka-talikod ito sa kanya. Pero kahit ganun, alam niyang si James iyon. Hindi na maka-tiis si Devon kaya naman tinakbo na niya ang natitirang distansiya sa pagitan nilang dalawa. Ngunit unti-unti ding bumagal ang kanyang pag-takbo ng maaninag na hindi nag-iisa ang binata. May kasama ito. may kung anung pwersa ang humatak sa kanya at nag-tago siya sa isa sa mga puno na naro-roon. Hindi niya ugali ang manubok, pero sa pagkaka-taong iyon, mukhang matututo na siya. Ganun na lang ang sindak na naramdamn niya ng mapatunayan na hindi nga nag-iisa ang binata. Worst, nagha-halikan pa ang mga ito.
Devon: Mitch!
Nakita niya ang pag-yakap ng mga braso  ng babae sa batok ni James. naka-yakap din dito ang binata. Parang may, naka-bara sa lalamunan ni Devon. gusto niyang sumigaw pero walang tinig na lumalabas mula sa kanya. Gusto niyang tumakbo at umalis sa lugar na iyon, ngunit animong naka-dikit na ang mga paa niya sa kanyang kinatatayuan. Nanghi-hina na ang mga tuhod ni Devon. ramdam na rin niya ang pangi-nginig ng kanyang buong katawan. Samut-saring emosyon ang halos magpa-sabog sa kanyng dibdib. Ngunit mula sa kung saan, at lingid sa kanyng control, kusang kumilos ang kanyang mga paa patungo sa dalawang nilalang. Ang pag-hakbang niya ay nag-dulot ng ingay na nagpa-hinto sa dalawa. Kitang-kita sa mga mata nito ang pagka-gulat at pagtataka.
Devon: pa-----pasen….siya na. ahmmm. Hin----di
James: kanina ka pa ba diyan?
Devon: ha?
Mitch: oh my!!! Naki---nakita mo ba kami??
Devon: ha???,,
James: what are you doing here, Ms. Roque?
Devon: Ms. Roque?
James: whats wrong with you? May kailangan ka ba?
Bakit ganito? Anung nangya-yari?
Devon: may ibi-bigay sana ako sa….yo
Mitch: kanino?
Devon: ha?
James: anu ba? Puro ka ha!!!!
Nangagatog na ang tuhod ni Devon. pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya. Ang daming tanung sa kanyang isipan. Pero kahit iyon, hindi na rin niya maintindihan. At ang pakiki-tungo sa kanya ni James ay hindi rin niya maintindihan.
Devon: invitation nga pala para sa birthday ko. Punta kyo ha!
Mitch: talaga? Invite kami? James, baby, pupunta ba tayo?
James: baby, birthdate ko din ito! meron din akong sariling celebration sa house.
Mitch: oh yes!!! I forgot!!! Pero siguro kahit, dumaan muna tayo sa kanila, before saparty mo!
James: okay lang ba sayo yun? Baka naman mapagod ka.
Mitch: baby!!! You’re so sweet naman…. You love me talaga!!!
James: ofcourse.. youre my one and only!!!
At hindi pa nakontento si James at ginawaran pa ng halik si Mitch! Hindi na kaya ni Devon makita ang ka-sweetan ng dalawa.
Devon: okay lang naman.. kahit di kayo maka-punta. Ahmmm… happy birthday din Ja—James..
James: thanks. So, shall we?
Patukoy nit okay Mitch.
Mitch: sorry talaga Devon, hindi ko naman pwedeng palampasin ang birthday ng Baby ko. Sina Lucy, a-attend din, so hindi rin sila pwede. Ahmmmmm… magpapa-dala na lang siguro kami ng gift. Ma-una na rin kami…. Da-daan pa kami sa library.. bye… HAPPY BIRTHDAY nga pala..
At tuluyan na siyang iniwan ng dalawa. Nang maramdamang wala nang ibang nilalang sa paligid, kusa ng dumaloy ang isang masaganang luha mula sa mga mata ni Devon. ang kaninang sigaw na napigil kanina ay tuluyan ng pinakawalan ng dalaga. Nag-kalat sa lupa ang mga inbitasyong hawak ni Devon. napa-upo sa lupa si Devon habang hawak ang dibdib na sasabog na sa sakit. Wala ng maramdaman si Devon. manhid na ang buo niyang katawan. Hindi alam ni Devon kung kelan siya tumigil sa pag-iyak. At hindi rin niya alam kung pa-paano siya nakarating sa parke na lagi nilang pinu-puntahan ni James. sa parke kung saan nag-simula ang lahat. Natawa si Devon sa na-isip. Hindi nga pala sila doon nag-simula.. kundi sa lugar kung saan nakita niyang may nakitang ibang ka-halikan si James. at sa muling pag-alala sa nangyaring iyon at nag-simula na namang tumulo ang mga luha sa mga mata ni Devon.
Devon: anung ginawa ko sayo James? bakit??? Ganoon ba kababaw ang pagma-mahal mo para sa akin? At sa maiksing panahon ay nagawa mo na ako agad kalimutan at ipag-palit? Bakit James? Bakit?
Napahagulgol pa lalo si Devon dahil sa mga katanungan niyang iyon! Bakit nga ba?


Leal Residence
Nav: anu ito?
James: anus a tingin mo?
Nav: invitation!
James: alam mo naman pala eh.. nagta-tanung ka pa!
Nav: James, alam kung inbitasyon ito, at alam kung alam mong kung anu ang ibig king sabihin sa tanung kong iyon. Bakit ka may ganito? I mean..
James: Couz, anu ba namang klaseng tanungyan? Birthday ko, so siguro normal lang na mag-karoon ako ng ganyan.
Nav: James, hindi ito ang plano mo! So why a sudden change of plan?
James: change? Hindi ko plano? Anu bang pinagsa-sabi mo dyan! grabe! Ikain mo na lang yan.
Nav: how about the birthday of Devon? are you not coming?
James: devon? Couz, birthday ko rin ang araw na iyon. Hindi naman siguro maka-tarungan kung siya lang ang magce-celebrate diba?
Nav: James? nari-rinig mo ba ang sinasabi mo? Baka naman dahil magka-galit pa kayo kaya mo yan nasasabi?
James: magka-galit? Bakit naman kami magiging magka-galit? Eh hindi nga kami close nung tao! Ikaw ang dapat kung tanungin kung naririnig mo ang sinasabi mo! Couz, naka-drugs ka ba?
Nav: hindi kita ma-intindihan James!
James: ako rin, hindi rin kita ma-intindihan. You seem weird! Grabe!
Na-tigil nag pagu-usap ng dalawa ng tumunog ang cellphone ni James. agad itong sinagot ni James.
James: Baby!!! Napa-tawag ka?
Ilang minuto lang, ay natapos na din ang tawag na iyon.
James: si Mitch, tina-tanung kung anu daw favorite ko, at isa-sama sa menu para sa party ko.
Nav: si Mitch? Sigurado ka? At baby pa ang tawag mo?
James: whats wrong with that? Wala namang maling ka-usapin ang girlfriend mo at tawaging baby diba?
Nav: girlfriend? Si mitch? James!!!! kelan pa? at alam nab a ito ni Devon?
James: matagal na! at anung kinalaman ni Devon kung maging girlfriend ko man si Mitch. Tea nga….bakit ba kanina ka pa Devon ng Devon what is it with Devon at kailangan siyang laging mabanggit sa usapan natin? Naka-drugs ka nga! Bahala ka nga dyan!
At iniwan ni James si Nav na tulala at gulong-gulo sa mga sinabi at ikinilos ng pinsan. May mali sa nangyayari! Hindi! Mas tamang sabihin na mali ang lahat ng nangyayari! Kailangan niyang maka-usap si Devon. bukas na bukas!
Chapter 46-My WitchHeart
Chrizza: Von! Von! Gising na! anu ba!!! Kanina ka pa sinisigawan ng alarm clock mo! Kung tao lang yan paos na yan! Bumangon ka dyan at gusto kang maka-usap ni Mama. Hoy!!! Bangon!!!
Devon: mamaya na…
Chrizza: at anung plano mo? Hindi ka papasok?
Devon: hindi…
Chrizza: aba!! Aba!!! Gusto mo pa yata ng dahas ha!
Hinigit ni Chrizza ang kumot na naka-tabon sa buong katawan ng kapatid. Ngutni kumuha lang ito ng unan para takpan ang mukha.
Chrizza: Mama!!!! Si Von-von ayaw pang bumangon!
Walang naging epekto ang sinabi ni Chrizza para bumangon ang kapatid hindi tulad noon.parang naka-ramdam si Chrizza na may kaka-iba sa kapatid. Kaya naman nilapitan niya ito at tinabihan.
Chrizza: Von, may sakit ka ba?
Walang tugon na natanggap si Chrizza mula dito.
Chrizza: Luna Devon, inu-utusan kitang bumangon! Ngayin din!
Selena: anung nangya-yari sa kapatid mo?
Chrizza: Ma, ayaw bumangon!
Nilapitan ni Selena ang anak at ganuun na lang ang kaba niti ng masalat ang noo nito.
Selena: diyos ko! Anung nangya-yair sayo?
Chrizza: Bakit Ma?
Selena: napa-kataas ng lagnat ng kapatid mo!!! Dali! Tumawag ka ng ambulasya!
Chrizza: o-opo!!!!
Ilang minuto lang ay dumating na ang ambulasyang tinawagan ni Chrizza.
Sa Ospital
Selena: Doktor, kumusta po ang anak ko?
Dok: Mrs. Okay nap o siya ngayon. Pero under observation po siya. Mabuti na lang po at nadala niyo siya dito sa ospital ng maaga, baka kung napa-ano pa kung pinatagal niyo.
Selena: bakit pod ok? Malala po ba ang lagay ng anak ko?
Dok: the truth is, may mga symptoms kaming nakita sa anak niyo ng Tipos. Pero bukod doon, may ilan ding hindi naming ma-identify kung sa anong uri ng sakit tumutukoy. Nabigyan nap o namain ang inyon anak ng gamut. So under observation naman po siya. Kapag naging maganda po ang response niya sa gamut na ibinigay naming sa kanya, magandang senyales poi yon na nalagpasan niya ang karamdaman niya ngayon.
Selena: doc, please do everything you can to save my daughter. Please………
Dok: we will madam. Sige po mauna nap o ako sa inyo. Mamaya po ay o-obserbahan naming muli ang inyong anak. Mas mabuti po kung magigising na siya bago ang sunod na obserbasyon. Sige po.
Selena: salamat po Dok.
Chrizza: Ma, anung sabi ng doctor?
Selena: may tipos ang kapatid mo. Mabuti na lang at na-agapan natin… Izay, nata-takot ako. Next day na ang ka-arawan niya. Ayokong mapahamak ang kapatid mo.
Sa sinabi ay tuluyan ng bumuhos ang emosyon ng ina ni Devon. si Chrizza naman ay piniling wag mag-pakita ng lungkot, upang maging lakas ng kanyang ina sa mga panahong iyon.
Sa School
Nav: hey, guys! Samahan niyo ako sa ospital mamaya.
Mike: ha? At anung meron? Check-up mo?
Nav: sira! Dadalawin natin si Little devs.
Lyndon; bakit? Anung nangyari?

Nav: tumawag sa aking si Iz, dinala raw nila kaninang umaga si Devon sa ospital. Hindi pa daw ito nagigising. Under observation pa daw.
Sherwin: anu bay an! Diba birthday na nun next day? Dapat magpa-galing siya agad! Aba at sayng ang pini-pare kong regalo for her!
Lyndon: alam nab a ni James yan?
Nav: hindi ko pa nga nakikita ang mokong na iyon.
Mike: wag niyo ng hanapin. Ayan oh!
James: couz! Hi pipol!!!
Lyndon: mukhang good shot ka ngayon pare ah?
James: sino ba ang hindi magiging good shot! Tapos na rin sa wakas ang preparation for my birthday. And thanks to my baby Mitch! Oh? Bakit yata parang nalugi kayo dyan?
Sherwin: have you heard the news?
James: what? What news?
Nav: nasa ospital si Devon. dinala siya  doon kaninang umaga.
James: devon: oh I know her, classmate siya naming ni Mitch right? Dapat mag-pagaling siya. Diba magbi-birthday din siya, same date as my birthday?
Mike: are you serious James?
James: what? Hey! What’s with the look people? May nasabi ba akong mali?
Lyndon: what really happen between you and Devon? diba okay na kayo? You’re even a couple just last week. Then, ngayon its you and Mitch? Wha-
Nav: stop it Don!
James: What’s with me and Devon? first its Nav, now you guys too? Anu ba ang gusto niyong mangyari? Magka-sira kami ng girlfriend ko?
Sherwin: hindi si Mitch ang-
Mitch: baby! You’re here pala. Kanina pa  kita hina-hanap.
James: hi baby! Sorry, I just stop by. Pero pa-alis na rin ako!
Mitch: lets go! Baka ma-late pa tayo sa class!
James: right! Ma-una na kami. Send my regards to Her.
Pag-kasabi ni James ng mga katagang iyon ay dali-dali itong umalis kasama ni Mitch.
Mike: Nav, what really is going on?
Nav: hindi ko din alam. Wala akong alam.
Sherwin: maybe Devon knows it!
Nav: youre right. Pero hindi pa natin siya pwedeng tanungin. Kailangan nating mag-hintay hanggang sa gumaling siya.
Lyndon: after class na alng tayo pumunta doon. Marami na rin kasing akong absent.
Nav: okay. Sige, tayo na at baka ma-late na naman tayo!
Sa Ospital
Selena: Dok, pina-tawag niyo daw po ako.
Dok: yes! Mrs. Roque. Have a sit.
Selena: salamat po! Ahmmm.. tungkol po ba ito sa kalagayan ng anak ko? So hows the observation goes? Is it a good news Doc?
Dok: Mrs. Roque, meron po ba noong mga nag-daang panahon o taon na nag-karoon ng problema ang anak niyo sa pag-hinga? O sakitin po ba siya noong bata pa siya? Pang-ilang beses niyo na pong nai-sugod sa ospital ang inyong anak?
Selena: teka Dok. Ahmmmm pwede po bang diretsuhin niyo ako? Medyo kina-kabahan na po ako sa mga tanung niyo..
Dok: Ginang, may nakita po kaming isang bagay na naka-bara sa isa sa mga pangunahing tubo sa puso ng inyong anak. Masyado poi tong malaki at kahit ang simple naming aparato ay madali itong na-detect.
Selena: naka-bara? Pero, hindi naman po nagka-------nagka-kamproblema ang anak ko simula ng bata siya. Masigla po siya at malakas ang pangangatawan. At sa totoo po ay ito ang unang pagka-kataong, dinala po naming siya sa ospital!
Dok: ma-aaring unti-unti ng nagpapa-kita ng senyales ang totoog sakit ng inyong anak Mrs.
Selena: ano po…..
Dok: ngayon pa alng po ay ihanda niyo ang inyong sarili sa maaring pang mangyari sa hina-harap.
Sa sinabing iyon ng Doktor kay Selena ay parang namanhid ang buong katawan nito na pati ang pag-hinga ay hirap siyang gawin. Maya-maya ay parang nag-dilim ang buong paligid ng ginang. Meron siya naririnig na tinig ngunit napa-kahina nito para mapakinggang niya kung saan nagmu-mula.

No comments:

Post a Comment