Sunday, March 27, 2011

Chapter 50-51

Chapter 50-My WitchHeart

James: hey! Luna right?

Luna: anung kailangan mo?

James: wala!

Luna: eh, anung ginagawa mo dito?

James: sa pagkaka-alam ko bahay ko ito. eh ikaw?

Luna: wag kang mag-alala, aalis din kami dito.

James: meron ka ba?

Luna: bastos!!!!!

James: huh? Anung bastos sa tanung ko? Tinatanung ko lang kong meron ka! Kung meron kang problema at parang lagi kang galit sa mundo, lalo na sa AKIN.

Luna: eh anu ba ang paki-alam mo?

James: meron! Dahil, hindi ako sanay na may nang i-isnab sa akin. Lalo na kung wala akong gina-gawang masama. Hindi mo naman ako kilala. At hindi rin kita kilala. So siguradoa kong hinid kita inagrabyado or something na ikaka-galit mo. O di kaya……………..

Luna: oh bakit ganyan ka maka-tingin?

James: hindi kaya, paraan mo lang yan para mapansin kita?

Luna: hoy lalaki! Anung akala mo sa akin pa-pansin?

James: hindi ba?

Luna: aaaaaarrgghghhg!!!!! Ewan ko sayo!

Dali-dali itong umalis.

James: asar talo!!!!!

Mrs.leal: james! sinong sinisigawan mo diyan?

James: wala naman po Ma. oh, bakit ganyan ang itsura ng maganda kong mama?

Mrs. Leal: James, gusto mo bang bumisita sa Lola mo sa Pampanga? Matagal-tagal ka naring hindi nakaka-punta doon? Name-miss ka na siguro ni Mama.

James: bakit naman po biglaan ang pag-punta ko doon?

Mrs. Leal: kasi, tumawag si mama, nami-miss ka na daw niya. Baka daw pwede ka bumisita doon, lalo na ngayong malapit na ang kaarawan mo.

James: hmmmmmmmmmmmmmm… si Lola talaga, naglalambing na naman… sige po, siguro.. this coming Saturday. Sama ka ba Ma?

Mrs. Leal: ha??? Hindi ako makaka-sama, alam mo naman ako ang anga-asikaso sa kompanya. So ikaw na lang anak.

James: Ma, may gusto ka bang sabihin sa akin?

Mrs. Leal: ha? Wala naman. Naku, para ka namang paranoid niyan anak. Kumain na lang tayo ng hapunan mabuti pa.

James: I love you mama!!! Sobra!!!!!!!!!!!!!!!

Mrs. Leal: I love you more ANAK!!! Ikaw ang pinaka-mahalaga sa anu pa mang bagay dito sa mundo.

Mrs. Leal: naman!!!! Ang drama queen ng mama ko! Kumain na nga po tayo!

Roque's Residence

Chrizza: Ma, si Von? Hina-hanap siya ng mga bisita niya ah.

Selena: nasa labas. Paki-tingnan nga at kanina pa yun.

Sa labas

Chrizza: Von! Von! Asan ka. Kanina ka pa hina-hanap sa loob. Anu bang gina-gawa mo? Von?

Namanhid ang buong katawan ni Chrizza sa nakita niya sa likod bahay nila. Walang boses na lumalabas mula sa kanya.

Chrizza: De------von……….

Halos parang bulong lang ang luma-labas mula sa lalamunan ng dalaga.

Chrizza: De------

Nav: Iz!! Nandito ka lang pala, kanina pa kita hina-hanap. Anung gi----

Chrizza: Na-----av…. Si………….

Dinalawang hakbang ni NAv ang natitirang distansiya nila ng kasintahan. Ma-agap niyang nasalo ang dalaga bago ito tuluyang matumba sa lupa.

Nav: anung nangyari dito?

Chrizza: hi---hindi ko alam…

Tuluyan ng napahagulgol si Chrizza. Hindi naman malaman ni Nav kung pa-paano mapapa-tigil ang kasintahan. Nara-ramdaman niya ang kilig ng katawan nito dahil sa takot. Maging siya ay nata-takot rin sa nakikita. Dugo! Nag-kalat na dugo ang makikita sa buong lugar na iyon. Naroon ang ilang piraso mula sa damit ni Devon na suot-suot nito kanina.

Selena: Izay, anu ba? Kanina ka pa dyan! si Devon nakita mo na ba? Chrizza? Anu---------------

Chrizza: ma!!!!!!!!!!!!!!!!!

Selena: Anung????? Ib-----ig sabihin nito??? Ang kapatid mo????

Pina-uwi nina Nav isa-isa ang mga bisita bago pa makita ang nakaka-gimbal na sitwasyong iyon. Si Chrizza at ang mama nito ay nasa kwarto ng magkapatid. Pawing mga tulala at umi-iyak. Wala mang ideya sa nangya-yari, mas pinili ni Nav at ng mga kaibigan niyang manahimik na muna. Ngunit ang mga dugong iyon. Maari kayang kay Devon iyon? Ngunit sino ang gagawang bagay na iyon sa dalaga? Wala silang napakinggan na anumang inyag mula sa labas. Kaya nakapagta-taka kung pa-paano nangyari ang bagay na iyon.

Nav: Iz, tita. Naka-uwi na po ang mga bisita. Sina Mike na po ang nag a-ayos ng lahat ng dekorasyon. May gusto ba kayong inumin?

Chrizza: Nav, anung nangya-yari? Bakit nangya-yari ito?

Umi-iyak na saad ni Chrizza. Agad itong nilapita ni Nav at niyakap. Ramdam niya ang bigat na dina-dala ng dalaga. Ang ina naman nito ay naka-tulala lang habang tumutulo ang mga luha. Lubha itong nabigla sa nakita lalo na sa importanteng araw na ito pa nangyari ang bagay na iyon.

Apong: mag-bihis kayong mag-ina. May pupuntahan tayo.

Selena: Apong!

Apong: tulad ng sinabi ko sa iyo, Selena. Nangya-yari na ang naa-ayon sa hula tungkol sa iyong anak.

Selena: pero apong!!!!!!

Apong: wala na tayong oras Selena, nangyari na! hindi na natin ito pwedeng baguhin. Pero ma-aari natin itong pigilan. Bago pa tuluyang malunod sa kadiliman ang iyong anak.

Chrizza: Apong, alam niyo po ba ang nangyari sa kapatid ko? At nasaan po siya ngayon?

Apong: nasa lugar siya ng ilusiyon at katotohanan.

Selena: ilusiyon? Katotohanan?

Apong: isang lugar na dalawang tao pa lang ang nakaka-punta. Ang iyong ina, at ang iyong anak. Naka-labas ang iyong ina sa mundong iyon. Sa tulong na rin ng anking niyang ka-alaman sa mahika. Ngunit para sa iyong anak. Mahihirapan siya. Lalo na at sa mga oras na ito, hindi lang tadhana ang kalaban niya. Maging ang galit na nagmu-mula sa puso.

Chrizza: galit? Puso? Kanino?

Apong: hindi ko rin alam. Kaya kung maaari, sumama na kayo sa akin.

Nav: sasama po ako.

Selena: dito ka na lang iho. Masyadong mapanganib.

Apong: hayaan mo siyang sumama.

Chrizza: pero Apong!

Apong: alam niya ang tunay mong pagka-tao, isang tunay na pag-ibig na kahit ang pinaka-malakas na sumpa ay hindi kayang sugpuin.

Leal residence

James: Ma, sigurado ka bang ayaw mong sumama?

Mrs. Leal: James, pa-alis ka na at lahat, yan pa rin ang tina-tanung mo.

James: fine! Fine! Ta-tawag po ako agad kapag nasa stasyon na ako.

Mrs. Leal: hindi ka obligadond tumawag sa akin oras-oras. Sige na! enjoy and have a safe trip anak! I love you!!!!!

James: ma, naman! Wag ka umiyak. Pampanga lang ako pupunta. Hindi pa ako mag-aasawa. Okay?

Mrs. Leal: siya sige! Lumakad ka na! baka abutin ka pa ng gabi sa daan.

James: bye Ma!

Lumingon muli si James sa kanilang bahay, bago tuluyang pa-andarin ang sasakyan. Nasa kalagitnaan na siya ng byahe ng ma-alala niyang i-check ang pitaka sa bag.

James: naku naman!!! James Anthony! Anung balak mo? Languyin ang Pampanga?

Kaya naman, nagma-daling bumlik si James sa bahay nila.

James: patay ako nito sa Mama. Tsktsktsk……. Masyado pa akong bata para maging makaka-limutin.

Malapit na si James sa knilang bahay ng maka-ramdam siya ng kaka-ibang kaba sa dibdib. At habang papa-lapit siya ay lalo pang lumalakas ang kaba niya sa dibdib. Nakita niyang bukas ang ilaw sa kanilang bahay. Alas-onse na ng gabi. Maaring papa-tulog pa lang ang mga katulong sa bahay nila. Dali-dali siyang pumasok sa bahay nila. Ngunit sa pintuan pa lang ay, hindi na maka-paniwala si James sa nakita. Nag-kalat ang dugo sa harapan ng kanilang bahay. At ang dugong iyon ay nangga-galing sa dalawang patay na tao sa harapan niya. Hindi na niya nagawa pang mag-react sa nakita. Dali-dali siyang pumasok sa kanilang bahay. At una niyagn hinanap ang kanyang ina. Ilan pang nag-kalat na bangkay ng mga kasambahay nila ang nakita niya sa loob ng bahay. Ngunit hindi na niya ito binigyang pansin. Mula sa study room ay naka-rinig ng malakas ng ingay si James. boses iyon ng kanyang ina.

James: Ma!!!!!!!!!!!!!

Nangi-nginig na binuksan ni James ang pinto. Malamlam na liwanag ang sumalubong sa kanyang mga mata. Mula sa malamlam na liwanag, nahagip niya ang isang pigura na naka-upo sa isa sa mga sofa sa kwartong iyon.

James: Ma…..???

Isang nakaka-kilabot na mga mata ang sumalubong kay James. sa di mawaring dahilan ay bumukas ang ilaw sa kwartong iyon. Na naging dahilan para makita ni James ang kahindik-hindik na senaryong iyon. Ang kanyang ina, ay naka-upo sa sofa. Ngunit walang buhay. nag-kalat ang dugo nito sa buong kwarto. Nakita niya ang butas sa tapat ng dibdib nito. Isang kaluskos ang nagpa-baling kay James sa kanyang kanan. Doon niya nakita ang isang babae. Naka-talikod ito sa kanya. Duguan din ito. lalapitan niya sana ito ng bigla itong lumingon sa kanya. Ganun na lang ang gulat niya ng makita niya ito.

James: Luna!

Ngunit di tulad ng Luna na lagi niyang nakikita. Ang mga mata nito ay puno ng kadiliman. Mula sa bibig nito ay dumadaliy ang masaganang dugo. Ngunit ang lalong nagpa-gimbal sa kanya ay ng makita ang hawak nito. ANG PUSO NG KANYANG INA!

Luna: Ja--------mes………….

James: An------------nung ginawa mo???????

Dahan-dahang humakbang si James palapit sa dalaga. May nagbago sa mga mata nito. Ngunit hindi na niya iyon pinansin pa. ngunit habang palapit siya dito ay yun namang para lalong lumalayo ang distansiya niya mula dito. hanggang sa unti-unting nawawala na ito sa kanyang paningin. Pilit pa rin niyang hinabol ito hanggang mapadpad siya sa isang luagr na mukhang pamilyar sa kanya. Isang gubat.

Chapter 51-My WitchHeart

Lakad-takbo ang gina-gawa ni devon. hindi niya alam kung kalian siya nag-simulang tumakbo. Basta ang alam niya. Kailangan niyang maka-layo sa humahabol sa kanya. Isang lalaki ang huma-habol sa kanya. Nagu-gluhan pa rin si devon kung papa-ano siya nakarating sa gubat na iyon. Ang alam niya ay, ka-usap niya ang kanyang abuela. Tama! Masayng ka-usap pa niya ang kanyang Lola sa likod-bahay nila. Nagulat siya ng makita ang Lola dahil alam niyang matagal na itong yumao. Ngunit ayun dito, sinadya talaga siya nito mula sa kabilang buhay para makita sa mahalagang araw na iyon. Hindi na siya ang-tanung pa, napuno ng labis na saya ang kalooban niya sa pagka-kita sa abuela. Nagta-tawanan pa sila nito ng biglang may aramdaman siyang sakit mula sa kanyang balikat. Nang hawakan niya ang sumasakit na bahagi ng katawan. Ganun na alng ang gulat niya ng makita ang dugo sa kanyang mga kamay. Nang linunin niya kung sino ang gumawa niyon sa kanya, isang lalaking naka-itim ang tumambad sa kanyang harapan. Tatakbo sana siya para humingi ng tulog, ng biglang may humablot sa magka-bila niyang kamay. Ang Lola niya.

Devon: Nay? Ba---bakit?

Nakita ni Devon papa-lapit ng papalapit pa ng papalapit ang lalaki. Pinilit niyang maka-wala. Nag-tagumpay naman siya ngunit napunit ang ilang pirasa ng kanyang damit dahil sa higpit ng pagkaka-kapit sa kanya. Tumakbot siya ng tumakbo hanggang marating niya ang lugar na kinala-lagyan niya sa mga oras na iyon. Wala ng lumalabas na luha mula sa mga mata ni Devon. namanhid na rin ang paki-ramdam ng kanyang buong katawan mula sa sakit na dulot ng sugat na tinamo niya kanina. Isa lang ang nais niya sa mga oras na iyon. At iyon ang maka-alis sa lugar na iyon.

Devon: Mama!!!!!! Izay!!!!! Asan kayo???????

8888888888888888888888

Selena: apong, anu po ang gagawin natin sa mga piraso ng damit ng aking anak?

Apong: makaka-tulog ito para makita natin ang nangyari sa kanya. At kung maaari ay makita kung asan siya sa mga oras na ito. Selena, nararamdaman kong hindi mabuti ang kalagayan ng iyong anak sa mga oras na ito.

Chrizza: apong, tulungan niyo po kami!

Apong iyon ang gagawin naming ija. Nangako kami sa iyong ina Selena, na anu mana ng mangyari sa hina-harap, tutulong at tutulong kami sa abot n gaming makakaya. Para mai-ligtas ang iyong anak. Maging kapalit man nito an gaming mga buhay.

Sa isang malaking kawa, inilagay ang mga piraso ng damit ni Devon. pinalibutan iyon ng ilan pang mga naroroon kasama si Apong. Katahimikan ang bumalot sa lugar na iyon. At maya-maya lang ay nagsimula ng bumigkas si Apong at ang iba pang naro-roon ng mga salitang hindi abot ng ka-alaman ng tao. Umihip ang isang napaka-lakas na hangin. ngunit hindi nito natinag ang buong lupon na naro-roon.

Chrizza: Ma, natatakot ako.

Selena: manalig lang tayo, maa-ayos din ang lahat.

Maya-maya pa ay, isang makapal na usok ang nag-mula sa kawa. Nagkaroon ng mga imahe sa usok na iyon. Noong una ay hindi maliwaang ang mga imahe na nakikita. Ngunit ilang saglit lang, naging malinaw ang lahat. At ganun na lang ang pagka-bigla ng lahat ng naka-saksi sa nasabing mga imahe na ipinakita sa mga usok na iyon.

Nanghi-hinang napa-upo si Selena sa lupa.

Selena: Mama? Ngunit bakit?

Apong: ngayong, malinaw na kung bakit, nawawala ang labi ng iyong ina Selena. Naka-plano ang lahat. At ginamit nila ang nakuha nilang labi upang gawing pain para sa iyong anak. Sa mga oras na ito, lalong dapat nating makita at malaman ang kinaro-roonana ng iyong anak.

Selena: sinong gumawa nito? Anung kailangan nila sa aking anak?

Kiya: ang kanyang puso!

Chrizza: Kiya! Anung ginagawa mo dito?

Kiya: kumusta pipz!!! Apong!

Apong: Buti naman at naka-punta ka, Kiya!

Selena: Anung sinasabi mong puso?

Kiya: kung hindi ako nagka-kamali ang mga Celeres ang may kaga-gawan sa lahat ng nangya-yari ngayon.

Chrizza: Celeres?

Kiya: OO! Apong, naa-alala mo po ba ang ipinagba-bawal na potion nating mga mangkukulam?

Apong: ang potion ng pagiging immortal. Ang buhay na walang hanggan. Ngunit matagal ng sinunog ang mga dokumento ukol doon! At ang mga Celeres, hindi maaring magka-roon sila ng impormasyon tungkol doon!

Kiya: Dati ng naging myembro ng pulong ang ilang miyembro ng pamilya ng mga Celeres. Kahit pa sumumpa sila ng katapatan sa pamumuno ng iyong ina Selena, iba pa rin ang kapamilya. Maaring sa likod ng mga ipinapa-kita nilang katapatan, ay ang ka-trayduran sa ating mga batas at higit na katapatan para sa kanilang angkan.

Selena: sandali! Anung kinalaman ng aking anak sa potion na ito? kahit pa sabihin niyong na-ayon sa kapalaran na aking ina ang kapalaran ni Devon. wala na naman akong naa-alala na may kinalaman si Ina sa potion na iyon.

Apong: kung hindi ako nagkaka-mali merong sampung ingredients para maka-gawa ng potion na iyon. Ngunit puro parte ng halaman at hayop lang ang mga iyon.

Kiya: nagkaka-mali po kayo Apong.

Apong: Anung ibig mong sabihin, Kiya?

Kiya: na-ikwento po sa aking ng dating pinuno na may ika-labing isang ingredients ang potion na iyon.

Selena: ika-labing isa?

Kiya: oo! At iyon ay nasa loob ng inyong anak.

Selena: anu? Teka, hindi kita maintindihan.

Kiya: hindi ba't isinugod niyo sa ospital noong nakaraang araw si Devon? dahil sa may tipos siya. Ngunit ayon sa obserbasyon ng mga doctor, may iba pa silang nakitang kaka-iba sa anak mo. Na may naka-bara sa kanyang puso.

Chrizza: Ma? anung sinasabi ni Kiya? Bakit wala akong alam tungkol doon?

Kiya: hindi yan ang importante ngayon Chrizza. Tama ako sa mga sinabi ko diba, Selena?

Selena: pero paano mo nalaman ang mga iyon?

Kiya: an gang itinakda upang mag-bantay ng iyong Ina kay Devon. at tungkulin ko ang alagaan at protektahan siya mula sa mga kaaway. Ngunit mukhang nabigo ako sa tungkulin ko ng mangyari ang mga ito.

Selena: Teka, eh anung tungkol sa puso ng anak ko?

Kiya: simula ng ipa-nganak si Devon, meron ng naka-tanim na bato sa puso niya. Ito ang hina-hanap ng ika-labing isang sangkap para sa potion na iyon. Ngunit sa oras ng makuha nila ang batong iyon sa puso ni Devon, magiging sanhi ito ng kanyang kamatayan.

Selena: Hindi!!! Hin-----di…. Hindi ito maari!!! Ang anak ko!

Chrizza: wala ba tayong pwedeng gawin? Para iligtas ang kapatid ko?

Kiya: sa mga oras na ito, nasa mundo siya ng ilusiyon at katotohanan. Tanging ang sarili niya lang ang makaka-tulong sa kanya sa mga oras na ito.

Chrizza: pero…. Wala ba tayong pwedeng gawin? Para matulongan ang kapatid ko?

Nav: Iz, aalis lang ako! May nangyari sa bahay nina James!

Chrizza: anu daw?

Nav: nawawala si James. bigla daw kasing nahilo si James nung dalhin nila sa kwarto, iniwan muna ni tita sandal para tumawag ng doctor, ngunit pag-balik nila doon. Wala na si James. hindi naman pwedeng lumabas ng bahay si James na hindi mapapansin ng gwardiya o kahit sin sa bahay nila. Nag-aalala na si tita.

Kiya: si James ang kasintahan ni Devon hindi ba?

Nav: OO! Paano mo nalaman?

Kiya: I have my sources. Bakit naman biglang mawawala ang James na iyon?

Nav: hindi rin iyon malaman kung bakit. Mauna na muna ako. Pasensiya na po, hindi po muna ako makaka-tulong dito.

Kiya: Sandali lang, mangku-kulam ka rin ba?

Nav: ha? Hi-hindi po.

Kiya: so Bakit nandito ka?

Chrizza: boyfriend ko siya!

Nav: mauna na po ako!

Chapter 48-49

Chapter 48-My WitchHeart

Selena: Goodmorning anak!!!!

Devon: ma!!!! buti gising ka na!!!!! here, I cook our breakfast for today!!!!

Selena: anak, dapat nagpapa-hinga ka pa dapat!!

Devon: ma!!! its my day!! So I shoukd start it in a good way. At iyon ay ang ipag-luto ko kayo ng breakfast..

Chrizza: good mo---- Von? Gisng ka na?

Devon: hindi ba obvious? Hhhehe. Halika na!! sabayan mo na kami ni mama.

Chrizza: pero dapat nagpa-

Devon: para kang si mama!! Anu ba naman kayo?? Im fine!! As in!! believe me!! Tyaka, its my BIRRRRRRTTTTTHHHHDAAAAAAAAAAAAAAYAAAAAAAAH!!!!

Selena: okay nap o!! nagpapa-rinig ka lang.

Devon: pakinig mo ba Ma?,,, hihi… so ibig sabihin niyan…..

Selena: alam ko. Wag ka pong mag-alala, prinsesa Devon, matagal na pong naka-handa ang lahat para sa inyong ka-arawan..

Devon: ayyyiiiiiieeeeeee!!! Thanks Ma!!! you're trulllllllllllllyyyyyyyyyyyy, definitely the best among the rest!!!!!! I love yowh!!!!!

Chrizza: tapos na ba kayo sa ka-kesuhan niyo?? Nagugutom na ako!!! Von, lubus-lubusin mo na ang umagang ito. ipag-hain mo na kami ni Mama. Dali!

Devon: Hmpf! Opo, kamahalan!

Napuno ng tawanan ang umagang iyon. Sinong mag-aakalang may mangya-yaring kagimba-gimbal sa hina-harap.

Sa School

Mitch: hi Devon! you're here na pala. Okay ka na?

Devon: goodmorning! Yup!! Fine! I feel good!! Very good!

Mitch: sorry nga pala kung hindi man kami naka-dalaw sa ospital noong naka-confine ka. Medyo busy din kasi dito sa school. Tyaka si James,

Devon: si James?

Mitch: Yup!! Nagha-handa rin siya for his birthday. Diba birthday mo rin ngayon? Happy birthday nga pala!

Devon: sa…lamat.

Mitch: why don't you join us mamaya sa house nila. Para double celebration! Isn't a good idea?

Devon: yes, it is! Kaso nga lang, meron ding preparation sa bahay. Naka- all –set na nga! Saying hindi pala ….. kayo makaka-punta.

Mitch: sorry, gusto kasi ni James, magka-sama kami mamaya. Alam mo naman yun, masyadong particular, pagdating sa mga ganitong okasyon. Grabe nga eh! Alam mo, kahapon, buong araw kaming mag-kasama. Ako kasi ang punong abala para sa party niya. Ofcourse, tumulong din si Mama.

Devon: Mama mo?

Mitch: Yup! Mama ni James, naming ni James. ang kulit nga. While we're in restau, yung magho-hold ng..

James: Mitch! Nandito ka lang pala. Ive been looking for you kanina pa.

Mitch: baby, na-miss mo'ko agad?

James: you know me, baby. Madali kita ma-miss. Oh! Its Ms. Roque. Naka-labas ka na pala sa ospital. Its good to see you. Hindi kasi maganda kung sa ospital mo ipagce-celebrate ang birthday mo. It will only spoil the occasion.

Mitch: baby, alam mo bang birthday niya rin today?

James: yes! Nabaanggit sa akin ni Nav. Kaya nga hindi sila maka-pag-desisyon kung saan dadalo ng party.

Mitch: oh!! That's so sad. Kasi naman bakit kelangan pang mag-sabay birthday niyo.

James: well, excuse us Ms. Roque, we need to go. Baby, lets go?

Mitch: humingi ka na ban g permit sa prof natin?/

James: Yup. Lets go!

Ganun na lang at naiwan si Devon na naka-tulala lang habang pinagma-masdan ang pag-alis nina James at Mitch. Nag-simula nang manuyo ang kanyang lalamunan. Grabe rin ang bilis ng tibok ng puso niya sa mga oras na iyon.

Sherwin: Little Devs!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! haaaaaaaaaaaaaapppppppppppppy birthdayyyyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!!!!!!!!!

Devon; ay anu ba yun!

Sherwin: nagulat ka?

Devon: parang kang ewan. Pinagti-tinginan tuloy tayo nung mga tao. Kung maka-sigaw ka naman para kang nasa gubat.

Sherwin: okay lang kung titiginan nila ako. Hanggan tingin lang sila!!!! Nakita kasi kita. tulalang-tulala. Kaya sumigaw na lang ako para siguradong mapapa-kinggan mo ako!

Devon: di sana, kinudlit mo na lang ako! Talaga to!

Sherwin: anyway. So are you ready for the party mamaya? Kasi kami,excited na!!! wwwwwwwooooh!!!!

Devon: ahhhmmmmm, Sherwin, hindi ba kayo pupunta sa party ni James? ahmmm.. diba mamaya din yun? Okay lang naman sakin kung hindi kayo um-attend. I mean mas ma-

Sherwin: little Devs! Anu ka ba! Para kang praning. Its our choice na um-attend sa party mo.

Devon: pero si James, friend niyo siya.

Sherwin: and friend ka rin namin.

Devon: pero kasi.

Sherwin: little Devs, wag kang mag-bigay ng sakit sa ulo mo okay? Its your birthday! You only deserve to be happy and at peace!

Devon: peace talaga ha? Sige na. need to go, may class pa kami.

Sherwin: okie-doki!!!! Happy birthday ulit!!

Devon: thanks.

Restaurant

Mitch: baby, okay ka lang?

James: Ha? Okay?... ye-yes!! Im fine! Bakit mo naman tinanung yan?

Mitch: para ka ksaing balisa. Is there something wrong? Parang ang lalim ng ini-isip mo ah?

James: no wala 'to! Its just that…………..

Mitch: hmmmmmm?

James: no nothing! Its nothing. Medyo kina-kabahan lang ako. Wala lang to. Don't mind me.

Mitch: I have something for you. Here!

James: whats this? Supplement?

Mitch: yeah……. I-I bought it kanina,… for you.

James: okay, ma-try nga.

Mitch: no wait!

James: ha?

Mitch: may time yan na dapat mong inumin.

James: really? Talaga lang ha?

Mitch: eight ng gabi siya dapat inumin. So mamaya mo pa yan dapat inumin.

James: paano kung makalimutan ko?

Mitch: kasama mo naman ako mamaya diba? So ma-aalala mo yun.

James: okay! Sabi mo eh!

Chapter 49-My WitchHeart

Dice: Lucy, ready ka na?

Lucy: as always! Si mitch?

Dice: kanina pa siya sa bahay nina James.

Lucy: Good! Malapit na ang oras. Prepare the others. Sabihan mo silang magki-kita tayong lahat sa usapang lugar.

Dice: Ai! Ai! Sister!

James Party

Mitch: Manang, si James po?

Manang: Nasa loob pa po, kasama ni Maam.

Mitch: ganun po ba. Sige po, paki-asikaso na po yung mga bisita.

Dice: Mitch!

Mitch: dice! Si Lucy?

Dice: hindi na daw siya pupunta dito. doon na,lang tayo magki-kita sa usapang lugar. Si James?

Mitch: nasa loob pa.

Dice: malapit na ang oras. Puntahan mo na si James. a-alis na rin ako. May pupuntahan pa akong birthday party.

Mitch: sige,

Dice: goodluck sistah!

James: Mitch!

Mitch: James! kanina pa kita hinahanap.

James: may pinag-usapan lang kamin ni Mama. Si Dice bay un? Pa-saan siya? Ahmmmm.. si Lucy?

Mitch: may nakalimutan kasi siya sa house, kailangan niyang balikan. Si Lucy naman, mamaya pa daw siya pupunta dito.

James: I see, so how's everybody? Dumating ba lahat ng invited guest natin?

Mitch: actually nagsi-simula pa alng silang dumating. Ahmmmm.. hindi ko pa naki-kita sina Nav dito.

James: wag mo na silang asahan. They texted na on the way na sila sa bahay ni Devon.

Mitch: hey! Wag ka ngang ma-sad dyan. okay lang yan. May next time pa naman.

James: ewan! Basat I feel lang na parang may kulang. Maybe because, it's the first time na wala sila dito.

Mitch: cheer up! Nandito naman ako diba?

James: I know! Thank you, Baby!

Mitch: you're most welcome! Tama na ang drama. Nandyan na ang iba mong bisita. You them and me. So you still have the reason to be happy tonight!

Devons' Birthday

Nav: happy birthday little devs!!!

Sherwin & others: happy birthday!

Devon: salamat! Nag-abala pa kayo. Come in! pasok kayo! Nasa loob na yung iba.

Chrizza: o! nandito na pala kayo! Pasok kayo!

Sherwin: talagang papasok na ako! Woooh!!!!!!!!!!!!! Ang cute ng decoration! Sinong gumawa nito?

Devon: si mama. Ang ganda nga eh!

Selena: hello everyone!

Lyndon: wow tita! Ang ganda-ganda mo naman tonight. Wait! Sigurado ba kayong birthday party to ni Little Devs?

Mike: sira! Pati si tita, binobola mo!

Chrizza: mga praning, pumasok na lang kayo.

Nav: Mabuti pa! wag nga kayong mag-kalat ng lagim niyo dito!

Chrizza: Von! Halika na!

Devon: ha? Sandali lang!

Chrizza: sunod ka.

Devon: okay!

Nag-tungo si Devon sa likod ng bahay nila. At ganun na alng ang pagka-gulat niya kung anu ang nakita niya roon.

Devon: Nanay??

James Party

Mrs. Leal: Ija, may hina-hanap ka ba?

Mitch: ho? Si James po ba?

Mrs. Leal: Nasa kusina siya kanina. Tingnan mo na rin, baka andun pa siya.

Mitch: salamat po.

Kusina

Mitch: james! nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap.

James: Bakit na-miss mo ako agad? Mag-kasama lang tayo kanina ah!

Mitch: ang kapal talaga! Hmm. By the way, here. Its time na inumin mo to!

James: so, ito pala ang dahilan kung bakit mo ako hinanap. Nakaka-pagtampo ka naman.

Mitch: wag ka ng mag-drama pa. here, nilagay ko na siya sa baso para, madali mong ma-inum.

Mrs. Leal: James, andito ka pa ba anak?

Mitch; dali inumin mo na!

James: oo wait! Ma, we're here!

Mitch: James! inumin mo na!

Mrs. Leal: mitch! Nadito ka rin pala.

Mitch: hi po! Ma-una na po ako. James, wait na lang kita sa labas.

Mrs. Leal: ijo, kanina ka pa hina-hanap ng mga pinsan mo. James anak, okay ka lang ba?

Pakiramdam ni James, umi-ikot ang buong paligid niya. Nama-manhid na rin ang buo niyang paki-ramdam. May nakikita siya sa kanyang isipan. Ngunit masyado itong Malabo para maunawaan niya kung anu ang mga iyon.

Mrs. Leal: James, are you okay?

James: Ma, ang sakit……sa-….kit ng ulo ko!!!!!!!!!!!!!!

Mrs. Leal: ijo, anak..anung nangya-yari sayo?????

James: Maaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Dumilim ang buong paligid ni James. tanging ang pagka-basag ng basong hawak niya ang hu,ing bagay na narinig niya sa mga oras na iyon. Isang nakaka-silaw na liwanag ang gumising kay James. mga huni ng alagang ibon ng kanyang ina ang lalo pang nag-pagising sa kanya.

James: Ah!!!!!!!!!!!! Ang aga-aga ang ingay!!!!!

Maid: SeƱorito, pinapa-tawag nap o kayo ng inyon mama. Mag a-almusal na daw po kayo.

James: paki-sabi susunod na ako.

Ngunit nagulat si James ng hindi niya madatan ang ina sa hapag. Nag-tungo siya sa sala upang hanapin ito. hindi nga siya nagka-mali., narooron ito, ngunit hindi ito nag-iisa. May kasama itong tatlo pa. pawing hindi niya ito mga kilala. Unang naka-agaw ng kanyang atensiyon ang isang dalaga na tahimik lang na naka-masid sa kanyang ina at sa kausap nitong babae.

James: Maganda siya!

Ani ni james sa kanyang isip. Ganun na alng ang gulat niya ng makitang tumingin ito sa kanya. Ngi-ngitian niya sana ito, ngunit agad itong nagpa-kita ng di maganda ng simangutan siya nito.

James: Maganda sana, pangit naman ang ugali.

Maya-maya ay narinig ni James na tinawag siya ng ina,.

Mrs. Leal: James alam kong andyan ka, lumabas ka na dyan. ipapa-kilala kita sa mga bisita.

Agas siyang tumalima.

Mrs. Leal: selena, ito nga pala ang aking anak. James Athony. James, si Selena isang kaibigan.

Selena: Magandang araw sayo ijo, ito naman ang mga anak ko. Ang aking panganay, si Ven Chrizza, at ang aking bunso, Luna Devon.

Chrizza: magandang araw!

James: goodmorning!

Selena: Luna, hindi ka ba babati?

Devon: goodmorning.

Pigil ang tawa ni James ng makita ang sobrang halatang pagka-inis sa mukha ng dalaga na ang pangalan ay Luna. Hindi may niya maintindihan kung bakit ito ilag sa kanya, pero meron naman siyang kunting amusement na nararamdaman sa dalaga lalo na kapag naka-tingin siya sa mga mata nito. May paki-ramdam siya na nakita na niya ang mga matang iyon sa kung saan. Nasundan pa ang mga araw na bumibisita ang magi-ina sa kanilang tahanan. Hindi man niya alam ang dahilan ng pagbisita ng mga ito, natutuwa pa rin siya dahil nakikita niya ang dalagang si Luna.

Monday, March 14, 2011

Chapter 47- My WitchHeart

Isang nakaka-silaw na liwanag ang natatanaw ni Devon mula sa isang parte ng lugar na iyon. Papa-lapit ito ng papa-lapit sa kanya. Sa unti-unti nitong pag-lapit ay naa-aninag nya na isa iyong tao na nababalutan ng labis na liwanag. Tumigil ito sa pag-lapit sa kanya. At siya naman ang nag-umpisa na lumapit dito. ilang hakbang na lang ang pagitan niya sa nilalang na iyon, ng biglang naglaho ang liwanag at nabalutan ng nakaka-takot na kadiliman. May napapa-kinggan siyang tinig. Tina-tawag siya niyon. Ngunit di naman niya matukoy kung saan iyon nangga-galing. Sa di kalayuan isang pigura ng lalaki ang nakita niya. Naka-lahad ang mga kamay nito sa kanya. Pamilyar sa kanya ang lalaking iyon ngunit di niya mawari kung sino ito. Nang a-abutin na niya ang kamay nito ay bigla naman itong nag-laho. Biglang nakaramdam ng grabeng sakit sa dibdib si Devon na halos hindi siya maka-hinga. Habol ang hininga, pilit niyang nag-salita at huminga ng tulong. Ngunit walang tinig na lumalabas sa kanyang bibig. Tumindi pa ang sakit sa dibdib ang nararamdam ni Devon. napa-pikit siya sa tindi ng sakit. At sa muling pag-mulat niya ay isang lalaki ang nasa harapan niya na may-hawak ng isang kutsilyo na puro dugo. Tiningnan niya ang sariling mga kamay at ganun na lang ang gulantang ni Devon ng makita ang dugo sa mga ito. at sa tapat ng dibdib niya ay malayang dumadaloy ang masaganang dugo. Nakita niyang nguniti ang lalaki. Ngunit kasabay nito ang luhang dumadaloy sa mga mata nito. Hikbi na lang ang tanging nagawa ni Devon.

Samantala….

Chrizza: Dok, kumusta na po ang mama ko?

Dok: Okay naman siya ija, wag kang mag-aalala.

Chrizza: Anu po ba ang nangyari? Tungkol po ba sa kapatid ko?

Dok: Sige, ija. Ma-una na ako.. ipa-inom mo ito sa Mama mo, pangpa-kalma.

Chrizza: Dok, sandal po.

Hindi na pinansin ng doctor ang pag-tawag ni Chrizza dito. tiningnan na lang ni Chrizza, ang inang natutulog. May masama siyang nararamdaman sa nangyari sa ina.

Chrizza: Ma, anu ba talaga ang nangyari?

Nurse: Ms, may nagha-hanap pos a inyo sa labas.

Chrizza: Sino daw po?

Nurse: Mga, kaibigan niyo daw po.

Chrizza: Sige po, salamat

Pag-labas ni Chrizza……

Nav: Iz!

Chrizza: Nav! Anung ginagawa niyo dito?

Nav: we're worried! So hows little Devs?

Chrizza: ganun pa rin! Hindi pa rin siya nagigising.

Lyndon: ilipat niyo kaya siya Maynila. Mas mabibigyan siya ng mas magandang medical attention.

Mike: Don, is right. Pwede kong kontakin ang brother, sa St. Lukes siya nagwo-work.

Chrizza: Salamat sa pag-aalala. Pero hindi naming kakayanin ang gagastusin doon. Besides, magagaling din naman ang mga doctor dito.

Sherwin: si Tita? Mama mo? Nasaan siya?

Chrizza: She's inside. Nawalan siya ng malay kanina. Hanggang ngayon natutulog pa rin siya.

Nav: bakit? Anung nangyari sa mama mo?

Chrizza: I don't know. Ka-usap lang siya ng doctor kanina. Then, yun nga, bigla siyang nawalan ng malay. Natatakot na nga ako. Masama ang paki-ramdam ko tungkol dito.

Nakita ni Nav, ang unti-unting pag-patak ng mga luha ni Chrizza. Niyakap na lang niya ang kasintahan para pagaanin ang loob.

Nurse: Ms, gising na po ang kapatid niyo.

Chrizza: ho? Si Devon

At dali-daling tinungo ni Chrizza ang kwarto na kinaro-roonan ng kapatid. Kasama ang mga bagong dating na sina Nav.

Chrizza: Von? Von!!!!!

Tinakbo ni Chrizza ng yakap ang kapatid. Lumuluhang niyakap ni Chrizza ang kapatid.

Devon: Iz, di ako maka-hinga.

Chrizza: ay.. sorry!!! kumusta ang paki-ramdam mo? May masakit pa ba sayo? Anu-

Devon: Iz!!!! Okay ako!! Okay na ako!! Ako pa, dating ninja!!! Hahaha!!!

Chrizza: Devon naman..

Devon: si Mama? O Nav? And the gang?

Nav: How are you liitle Devs?

Devon: okay na ako!!!! Napa-dalawa kayo???

Mike: nag-alala kasi kami sayo. Buti naman kung ganun at ma-ayos ka na!!! so tuloy na tuloy na, ang PARTY!!! PARTY!!! Bukas??

Sherwin: ano ka ba!!! May sakit na nga yung tao, party party pa rin ang tina-tanung mo! Grabe ka!!! Tsktsktsk….

Mike: syempre excited na ako para dun.. ibig sabihin kaasi nun, makaka-labas na si Little Devs. Ibig sabihin nun, magaling na siya.

Lyndon: Pa-lusot ka pa!

Devon: anu ba kayo!! Syempre naman. Matu-tuloy ang party-party ko!!!!

Selena: Tama ang anak ko!!! Tuloy na tuloy tayo bukas.

Chrizza: Ma? okay ka na ba?

Devon: ha?? Bakit Izay, may nang-yari bas a Mama?

Selena: naku wala yun! Na-puyat lang ako. Wag mo ng intindhihin pa ang sinabi ng ate mo. Teka, nagugutom ka nab a anak?

Devon: opo………….. kanina pa po, humi-hiyaw ang mga sawa sa tiyan ko.

Nav: sige, bibili kami nina Mike sa canteen. Tita kami nap o ang bibili. Mag-pahinga na lang po kayo.

Sherwin: Sus naman pare! Nagpapa-lakas ka lang sa mama ni Chrizza.

Sa sinabing iyon, binatukan ni Nav ang kaibigan at hinila na lang palabas ang mga kasama. Iniwang tumatawa si devon at si Chrizza. Naka-masid lang si Selena sa anak na si Devon. parang papa-tak na naman ang mga luha sa mata ng ina ni Devon, dahil sa nalaman mula sa doctor ungkol sa anak. Napansin iyon ni Chrizza. Lalong tumindi ang hinala niyang may matinding dahilan kung bakit nahimatay ang ina matapos makusap ng doctor.

Celeres Residence

Mitch: Lucy, handa nab a ang lahat?

Lucy: nagma-madali ka yata, Mitchelle?

Mitch: ang gusto ko lang ay ang tagumpay natin.

Dice: tagumpay nga lang ba?

Mitch: anung ibig mong sabihin?

Dice: we're your sister Mitch! We have been together all time of our lives. Kaya wala kang pwedeng itago sa amin.

Mitch: just what exactly are you talking about?

Dice: what I am talking about? Clueless huh?!!!!

Mitch: ewan ko sayo!

Lucy: tumigil na kayo!

Dice: lucy, naka-usap mo na ba ang mata-tanda sa pamilya? So anung sabi nila? Tu-tulungan ba nila tayo?

Lucy: sad to say, hindi. Pero mukhang may ilan sa mga kasapi ang nasa panig natin. Pina-sabihan nila ako na maaaring tumulong sila kung kaka-ilanganin natin.

Mitch: so what are we waiting for? Simulan na natin ito!

Lucy: Mitchelle!!!!! Kung tagumpay talaga natin ang iyong nais, hindi mo ako mamadaliin. Alam mong sa ka-bilugan lang ng buwan ma-aaring gawin ang orasyon na iyon.

Dice: at bukas pa iyon dear sister. Wag kang atat… mapapa-sayo rin si James Baby mo.

Mitch: at anung kinalaman ni James dito?

Dice: syempre kapag nag-tagumpay tayo, sayong-sayo na si james. wala ka ng ka-agaw pa!!!!

Lucy: Mitch, give this drink to James tomorrow. Pero sabihin mong dapat, eight niya ng gabi yan i-inumin.

Mitch: huh? Para saan ito? at dapat ay may time pa bago niya inumin.

Dice: just do itMitch. Wag ka ng mag-tanong pa.

Mitch: eh anung sasabihin ko, kapag nag-tanung siya.

Dice: eh di gawan mo ng paraan. Besides, lahat naman ng sinasabi mo, ginagawa niya diba? So madali na lang yan sayo.

Mitch: Lucy! Tell me! Para saan ito?

Lucy: you really want to know?

Mitch: Yes!!! Baka kung anu ito. baka mapa-hamak dito si James.

Lucy: lets just say na, may laking parting gagampanan ang James mo sa mangya-yari bukas.

Mitch: you're not saying that…………………………………..

Dice: na-gulat ka pa Sistah…. Sige, ma-una na ako, I need lots of rest tonight. Im so excited and I just cant hide it!!! hahahha.. Oh My!!! Napapa-kanta pa tuloy ako.

Friday, March 11, 2011

Chapter 45-46

Chapter 45-My WitchHeart
Mike: Little Devz!!!!! Goodmorning!!!!
Devon: Goodmorning din!! Eto nga pala!!!!
Lyndon: invitation?
Sherwin: uy!!! Invited kami sa birthday mo????nakka-iyak naman!!!!
Mike: bakit tatlo lang ito? how about Nav and James?
Devon: ahmmm… si ate na ang nag-bigay ng para kay Nav.. at yung para kay James..
Lyndon: don’t worry.. we know it.. nakita ko siya sa mini-forest kani-kanina lang.. doon mo siya puntahan. Baka andun pa yun!
Devon: salamat!
Sherwin: at sana.. ipa-birthday niyo na sa isa’t-isa na sana ay magka-bati na kayong dalawa!
Devon: alam ko… sige mauna na ako sa inyo!!!!!!!!!!!!! Punta kayo ha!!!
Mike: pwede ba kahit walang regalo?
Devon: hindi pwede!!! May gate passes!!! Hehhehe… biro lang!!!
Lyndon: wag niyo ng kulitin pa si Little Devz… sige na… wag mo ng pansinin itong dalawang ito… mag-madali ka na.. at baka hindi mo ma-abutan yun..
Nag-paalam na si Devon sa tatlong kaibigan. Ramdam ni Devon ang bilis ng tibok ng puso niya habang tina-tahak ang daan patungo sa kinaro-roonan ni James. talagang natiis siya ng binata. Pero hindi tulad nito, hindi niya kayang tikisin ang binata. Napag-desisyunan niyang siya na ang sumuyo dito. ilang hakbang na lang at natatanaw na niya ang binata. Naka-talikod ito sa kanya. Pero kahit ganun, alam niyang si James iyon. Hindi na maka-tiis si Devon kaya naman tinakbo na niya ang natitirang distansiya sa pagitan nilang dalawa. Ngunit unti-unti ding bumagal ang kanyang pag-takbo ng maaninag na hindi nag-iisa ang binata. May kasama ito. may kung anung pwersa ang humatak sa kanya at nag-tago siya sa isa sa mga puno na naro-roon. Hindi niya ugali ang manubok, pero sa pagkaka-taong iyon, mukhang matututo na siya. Ganun na lang ang sindak na naramdamn niya ng mapatunayan na hindi nga nag-iisa ang binata. Worst, nagha-halikan pa ang mga ito.
Devon: Mitch!
Nakita niya ang pag-yakap ng mga braso  ng babae sa batok ni James. naka-yakap din dito ang binata. Parang may, naka-bara sa lalamunan ni Devon. gusto niyang sumigaw pero walang tinig na lumalabas mula sa kanya. Gusto niyang tumakbo at umalis sa lugar na iyon, ngunit animong naka-dikit na ang mga paa niya sa kanyang kinatatayuan. Nanghi-hina na ang mga tuhod ni Devon. ramdam na rin niya ang pangi-nginig ng kanyang buong katawan. Samut-saring emosyon ang halos magpa-sabog sa kanyng dibdib. Ngunit mula sa kung saan, at lingid sa kanyng control, kusang kumilos ang kanyang mga paa patungo sa dalawang nilalang. Ang pag-hakbang niya ay nag-dulot ng ingay na nagpa-hinto sa dalawa. Kitang-kita sa mga mata nito ang pagka-gulat at pagtataka.
Devon: pa-----pasen….siya na. ahmmm. Hin----di
James: kanina ka pa ba diyan?
Devon: ha?
Mitch: oh my!!! Naki---nakita mo ba kami??
Devon: ha???,,
James: what are you doing here, Ms. Roque?
Devon: Ms. Roque?
James: whats wrong with you? May kailangan ka ba?
Bakit ganito? Anung nangya-yari?
Devon: may ibi-bigay sana ako sa….yo
Mitch: kanino?
Devon: ha?
James: anu ba? Puro ka ha!!!!
Nangagatog na ang tuhod ni Devon. pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya. Ang daming tanung sa kanyang isipan. Pero kahit iyon, hindi na rin niya maintindihan. At ang pakiki-tungo sa kanya ni James ay hindi rin niya maintindihan.
Devon: invitation nga pala para sa birthday ko. Punta kyo ha!
Mitch: talaga? Invite kami? James, baby, pupunta ba tayo?
James: baby, birthdate ko din ito! meron din akong sariling celebration sa house.
Mitch: oh yes!!! I forgot!!! Pero siguro kahit, dumaan muna tayo sa kanila, before saparty mo!
James: okay lang ba sayo yun? Baka naman mapagod ka.
Mitch: baby!!! You’re so sweet naman…. You love me talaga!!!
James: ofcourse.. youre my one and only!!!
At hindi pa nakontento si James at ginawaran pa ng halik si Mitch! Hindi na kaya ni Devon makita ang ka-sweetan ng dalawa.
Devon: okay lang naman.. kahit di kayo maka-punta. Ahmmm… happy birthday din Ja—James..
James: thanks. So, shall we?
Patukoy nit okay Mitch.
Mitch: sorry talaga Devon, hindi ko naman pwedeng palampasin ang birthday ng Baby ko. Sina Lucy, a-attend din, so hindi rin sila pwede. Ahmmmmm… magpapa-dala na lang siguro kami ng gift. Ma-una na rin kami…. Da-daan pa kami sa library.. bye… HAPPY BIRTHDAY nga pala..
At tuluyan na siyang iniwan ng dalawa. Nang maramdamang wala nang ibang nilalang sa paligid, kusa ng dumaloy ang isang masaganang luha mula sa mga mata ni Devon. ang kaninang sigaw na napigil kanina ay tuluyan ng pinakawalan ng dalaga. Nag-kalat sa lupa ang mga inbitasyong hawak ni Devon. napa-upo sa lupa si Devon habang hawak ang dibdib na sasabog na sa sakit. Wala ng maramdaman si Devon. manhid na ang buo niyang katawan. Hindi alam ni Devon kung kelan siya tumigil sa pag-iyak. At hindi rin niya alam kung pa-paano siya nakarating sa parke na lagi nilang pinu-puntahan ni James. sa parke kung saan nag-simula ang lahat. Natawa si Devon sa na-isip. Hindi nga pala sila doon nag-simula.. kundi sa lugar kung saan nakita niyang may nakitang ibang ka-halikan si James. at sa muling pag-alala sa nangyaring iyon at nag-simula na namang tumulo ang mga luha sa mga mata ni Devon.
Devon: anung ginawa ko sayo James? bakit??? Ganoon ba kababaw ang pagma-mahal mo para sa akin? At sa maiksing panahon ay nagawa mo na ako agad kalimutan at ipag-palit? Bakit James? Bakit?
Napahagulgol pa lalo si Devon dahil sa mga katanungan niyang iyon! Bakit nga ba?


Leal Residence
Nav: anu ito?
James: anus a tingin mo?
Nav: invitation!
James: alam mo naman pala eh.. nagta-tanung ka pa!
Nav: James, alam kung inbitasyon ito, at alam kung alam mong kung anu ang ibig king sabihin sa tanung kong iyon. Bakit ka may ganito? I mean..
James: Couz, anu ba namang klaseng tanungyan? Birthday ko, so siguro normal lang na mag-karoon ako ng ganyan.
Nav: James, hindi ito ang plano mo! So why a sudden change of plan?
James: change? Hindi ko plano? Anu bang pinagsa-sabi mo dyan! grabe! Ikain mo na lang yan.
Nav: how about the birthday of Devon? are you not coming?
James: devon? Couz, birthday ko rin ang araw na iyon. Hindi naman siguro maka-tarungan kung siya lang ang magce-celebrate diba?
Nav: James? nari-rinig mo ba ang sinasabi mo? Baka naman dahil magka-galit pa kayo kaya mo yan nasasabi?
James: magka-galit? Bakit naman kami magiging magka-galit? Eh hindi nga kami close nung tao! Ikaw ang dapat kung tanungin kung naririnig mo ang sinasabi mo! Couz, naka-drugs ka ba?
Nav: hindi kita ma-intindihan James!
James: ako rin, hindi rin kita ma-intindihan. You seem weird! Grabe!
Na-tigil nag pagu-usap ng dalawa ng tumunog ang cellphone ni James. agad itong sinagot ni James.
James: Baby!!! Napa-tawag ka?
Ilang minuto lang, ay natapos na din ang tawag na iyon.
James: si Mitch, tina-tanung kung anu daw favorite ko, at isa-sama sa menu para sa party ko.
Nav: si Mitch? Sigurado ka? At baby pa ang tawag mo?
James: whats wrong with that? Wala namang maling ka-usapin ang girlfriend mo at tawaging baby diba?
Nav: girlfriend? Si mitch? James!!!! kelan pa? at alam nab a ito ni Devon?
James: matagal na! at anung kinalaman ni Devon kung maging girlfriend ko man si Mitch. Tea nga….bakit ba kanina ka pa Devon ng Devon what is it with Devon at kailangan siyang laging mabanggit sa usapan natin? Naka-drugs ka nga! Bahala ka nga dyan!
At iniwan ni James si Nav na tulala at gulong-gulo sa mga sinabi at ikinilos ng pinsan. May mali sa nangyayari! Hindi! Mas tamang sabihin na mali ang lahat ng nangyayari! Kailangan niyang maka-usap si Devon. bukas na bukas!
Chapter 46-My WitchHeart
Chrizza: Von! Von! Gising na! anu ba!!! Kanina ka pa sinisigawan ng alarm clock mo! Kung tao lang yan paos na yan! Bumangon ka dyan at gusto kang maka-usap ni Mama. Hoy!!! Bangon!!!
Devon: mamaya na…
Chrizza: at anung plano mo? Hindi ka papasok?
Devon: hindi…
Chrizza: aba!! Aba!!! Gusto mo pa yata ng dahas ha!
Hinigit ni Chrizza ang kumot na naka-tabon sa buong katawan ng kapatid. Ngutni kumuha lang ito ng unan para takpan ang mukha.
Chrizza: Mama!!!! Si Von-von ayaw pang bumangon!
Walang naging epekto ang sinabi ni Chrizza para bumangon ang kapatid hindi tulad noon.parang naka-ramdam si Chrizza na may kaka-iba sa kapatid. Kaya naman nilapitan niya ito at tinabihan.
Chrizza: Von, may sakit ka ba?
Walang tugon na natanggap si Chrizza mula dito.
Chrizza: Luna Devon, inu-utusan kitang bumangon! Ngayin din!
Selena: anung nangya-yari sa kapatid mo?
Chrizza: Ma, ayaw bumangon!
Nilapitan ni Selena ang anak at ganuun na lang ang kaba niti ng masalat ang noo nito.
Selena: diyos ko! Anung nangya-yair sayo?
Chrizza: Bakit Ma?
Selena: napa-kataas ng lagnat ng kapatid mo!!! Dali! Tumawag ka ng ambulasya!
Chrizza: o-opo!!!!
Ilang minuto lang ay dumating na ang ambulasyang tinawagan ni Chrizza.
Sa Ospital
Selena: Doktor, kumusta po ang anak ko?
Dok: Mrs. Okay nap o siya ngayon. Pero under observation po siya. Mabuti na lang po at nadala niyo siya dito sa ospital ng maaga, baka kung napa-ano pa kung pinatagal niyo.
Selena: bakit pod ok? Malala po ba ang lagay ng anak ko?
Dok: the truth is, may mga symptoms kaming nakita sa anak niyo ng Tipos. Pero bukod doon, may ilan ding hindi naming ma-identify kung sa anong uri ng sakit tumutukoy. Nabigyan nap o namain ang inyon anak ng gamut. So under observation naman po siya. Kapag naging maganda po ang response niya sa gamut na ibinigay naming sa kanya, magandang senyales poi yon na nalagpasan niya ang karamdaman niya ngayon.
Selena: doc, please do everything you can to save my daughter. Please………
Dok: we will madam. Sige po mauna nap o ako sa inyo. Mamaya po ay o-obserbahan naming muli ang inyong anak. Mas mabuti po kung magigising na siya bago ang sunod na obserbasyon. Sige po.
Selena: salamat po Dok.
Chrizza: Ma, anung sabi ng doctor?
Selena: may tipos ang kapatid mo. Mabuti na lang at na-agapan natin… Izay, nata-takot ako. Next day na ang ka-arawan niya. Ayokong mapahamak ang kapatid mo.
Sa sinabi ay tuluyan ng bumuhos ang emosyon ng ina ni Devon. si Chrizza naman ay piniling wag mag-pakita ng lungkot, upang maging lakas ng kanyang ina sa mga panahong iyon.
Sa School
Nav: hey, guys! Samahan niyo ako sa ospital mamaya.
Mike: ha? At anung meron? Check-up mo?
Nav: sira! Dadalawin natin si Little devs.
Lyndon; bakit? Anung nangyari?

Nav: tumawag sa aking si Iz, dinala raw nila kaninang umaga si Devon sa ospital. Hindi pa daw ito nagigising. Under observation pa daw.
Sherwin: anu bay an! Diba birthday na nun next day? Dapat magpa-galing siya agad! Aba at sayng ang pini-pare kong regalo for her!
Lyndon: alam nab a ni James yan?
Nav: hindi ko pa nga nakikita ang mokong na iyon.
Mike: wag niyo ng hanapin. Ayan oh!
James: couz! Hi pipol!!!
Lyndon: mukhang good shot ka ngayon pare ah?
James: sino ba ang hindi magiging good shot! Tapos na rin sa wakas ang preparation for my birthday. And thanks to my baby Mitch! Oh? Bakit yata parang nalugi kayo dyan?
Sherwin: have you heard the news?
James: what? What news?
Nav: nasa ospital si Devon. dinala siya  doon kaninang umaga.
James: devon: oh I know her, classmate siya naming ni Mitch right? Dapat mag-pagaling siya. Diba magbi-birthday din siya, same date as my birthday?
Mike: are you serious James?
James: what? Hey! What’s with the look people? May nasabi ba akong mali?
Lyndon: what really happen between you and Devon? diba okay na kayo? You’re even a couple just last week. Then, ngayon its you and Mitch? Wha-
Nav: stop it Don!
James: What’s with me and Devon? first its Nav, now you guys too? Anu ba ang gusto niyong mangyari? Magka-sira kami ng girlfriend ko?
Sherwin: hindi si Mitch ang-
Mitch: baby! You’re here pala. Kanina pa  kita hina-hanap.
James: hi baby! Sorry, I just stop by. Pero pa-alis na rin ako!
Mitch: lets go! Baka ma-late pa tayo sa class!
James: right! Ma-una na kami. Send my regards to Her.
Pag-kasabi ni James ng mga katagang iyon ay dali-dali itong umalis kasama ni Mitch.
Mike: Nav, what really is going on?
Nav: hindi ko din alam. Wala akong alam.
Sherwin: maybe Devon knows it!
Nav: youre right. Pero hindi pa natin siya pwedeng tanungin. Kailangan nating mag-hintay hanggang sa gumaling siya.
Lyndon: after class na alng tayo pumunta doon. Marami na rin kasing akong absent.
Nav: okay. Sige, tayo na at baka ma-late na naman tayo!
Sa Ospital
Selena: Dok, pina-tawag niyo daw po ako.
Dok: yes! Mrs. Roque. Have a sit.
Selena: salamat po! Ahmmm.. tungkol po ba ito sa kalagayan ng anak ko? So hows the observation goes? Is it a good news Doc?
Dok: Mrs. Roque, meron po ba noong mga nag-daang panahon o taon na nag-karoon ng problema ang anak niyo sa pag-hinga? O sakitin po ba siya noong bata pa siya? Pang-ilang beses niyo na pong nai-sugod sa ospital ang inyong anak?
Selena: teka Dok. Ahmmmm pwede po bang diretsuhin niyo ako? Medyo kina-kabahan na po ako sa mga tanung niyo..
Dok: Ginang, may nakita po kaming isang bagay na naka-bara sa isa sa mga pangunahing tubo sa puso ng inyong anak. Masyado poi tong malaki at kahit ang simple naming aparato ay madali itong na-detect.
Selena: naka-bara? Pero, hindi naman po nagka-------nagka-kamproblema ang anak ko simula ng bata siya. Masigla po siya at malakas ang pangangatawan. At sa totoo po ay ito ang unang pagka-kataong, dinala po naming siya sa ospital!
Dok: ma-aaring unti-unti ng nagpapa-kita ng senyales ang totoog sakit ng inyong anak Mrs.
Selena: ano po…..
Dok: ngayon pa alng po ay ihanda niyo ang inyong sarili sa maaring pang mangyari sa hina-harap.
Sa sinabing iyon ng Doktor kay Selena ay parang namanhid ang buong katawan nito na pati ang pag-hinga ay hirap siyang gawin. Maya-maya ay parang nag-dilim ang buong paligid ng ginang. Meron siya naririnig na tinig ngunit napa-kahina nito para mapakinggang niya kung saan nagmu-mula.